SWK 3: Headache...

153 7 0
                                    

YSREL’S POV

Andito na ako ngayon sa klase namin. Hindi ko magawang making sa  lesson namin dahil sa hangover ko.

Ayoko nang uminum ulit! Sakit sa ulo eh.

Gusting gusto ko ng matulog ngayon. Math pa man din ang dinidiscuss.

Dahil sa  pagiging out-of-place ng brain ko, hindi na ako nakakinig sa klase namin. Nakatunganga nalang ako.

“Mister Velasquez, can you solve this trigonometric equation?” sigaw ni maam.

Agad naman akong napabalikwas dahil sa mga narinig.

Tinuro niya yung blackboard na may mahabang equation.

“Solve this!” bulyaw sa akin ni maam.

“Yes maam!” pagsagot ko. Pumunta na ako sa harap at sinolve ang equation.

Hindi naman ako boplaks noh! Second kaya ako sa klase namin. Buti na lang nakapagreview din ako dito.

Nakita kong napanganga si maam. Hehe, kala niyo ahh!!

“Ve-very good, mister Velasquez. Now lets move on to another topic.”pagsabi ni maam.

Ako naman ay umupo na at nakinig nalang sa klase.

-----------

Natapos na rin ang buong araw ko sa school. Nasa 5:30 narin ng hapon.

Inayos ko na ang bag ko at umalis na sa room.

Wala akong kasabay umuwi. Actually, wala akong kaibigan dito sa school.

Meron naman akong mga nakakausap, pero wala akong mga totoong mga kaibigan.

Walking distance lang naman ang school namin at ng subdivision na tinitirhan ko.

Habang naglalakad, naramdaman kong sumakit yung ulo ko. Pero hindi ko nalang ito pinansin.

Siguro dala na rin ito ng stress nadagdagan pa ng hangover ko kagabi.

Nasa tabi na ako ng main road ng sumakit uli yung ulo ko. This time  nanlabo na ang paningin ko at akoy bumagsak.

GRAY’S POV

Naglalakad ako ngayon papasok ng subdivision namin.

May sinusundan akong lalaki na parang nakilala ko na dahil napansin ko ang hubog ng katawan niya.

Hindi ko naman masyadong marecognize dahil nakatalikod ito sa akin.

Naglalakad rin siya papasok ng subdivision namin.

Siguro dun din siya nakatira.

Napansin kong napahawak ito sa ulo niya at biglang natumba.

Napahiga siya sa lane ng mga sasakyan.

May nakita naman akong sa sasakyan na papunta kung nasaan siya. Siguro hindi ito napansin.

Dahil sa pagkataranta ko, napatakbo ako papunta sa lalaking nakahandusay.

Yung ibang tao naman, tinitingnan lang ito. Tss, alam nangang walang malay eh pinagtitinginan lang.

Paglapit ko, agad ko siyang hinila papunta sa akin.

Natumba kaming dalawa. Napahiga siya pati ako.

Wala pa rin siyang malay eh.

Tiningnan ko nga. Teka si ano to ah! Si…uh, hindi ko nga pala natanong kung anong name niya kasi bigla nalang akong hinila nila Vin at Rex noon.

Basta siya yung lalaking nakita kong umiiyak noon sa bar. Yung binigyan ko pa nga ng love advice.

Pinagmasdan ko yung kabuuan ng mukha niya.

Ang gwapo niya pala. Ang cute ng mga mata niya, ang kinis ng mukha, maputi, firm na ilong at maninipis na labi.

Overall, napakaperfect niya!

When starring at him, I felt something inside of me. Basta kakaiba.

Tinanggal ko na lang yung pag iisip kong iyon at triny na gisingin siya.

“Huy…” paggising ko sa kaniya.

Hindi siya nagising, triny ko uli.

“Huy, gumising ka nga!”

Ayaw talaga niyang gumising eh.

Siyempre no choice ako kung hindi ilayo siya dito dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadating ngayon.

Hindi ko naman alam kung nasaan yung bahay nila.

Alam ko na! Sa  bahay na lang kaya namin, tutal wala naman sila mama.

At malapit rin dito yung bahay namin.

Kaya ayun, binuhat ko na itong taong to.

Ugh…ang bigat pala nito eh.

Linakad ko papunta sa amin habang siya ay nakaakay lang sa likod ko.

Pagdating ko doon ay  nakalock pa ang gate. Sumigaw ako.

“Manang, pakibukas nga po yung gate!” sigaw ko.

Agad naman nilang binuksan yung gate. Bumungad si manang Cecil.

“Susmaryosep! Anong nangyari iho!?” gulat na tanong ni manang Cecil.

“Nahimatay po manang sa daan eh, nakita ko po. Hindi ko naman po alam yung bahay nila eh kaya naisipan ko pong dalhin na lang dito hanggang sa magising eh.

“Kilala mo ba siya?” si manang.

“Hindi po eh.” Sagot ko.

“Sige ipasok ko mo na iyan. Maghahanda lang ako ng pamunas sa kanya.” Si manang ulit.

“Sige po”

At yun nga inakyat ko na siya sa kwarto ko.

Vote / Comment / Share

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon