SWK 8: The Camp Part 1:3

124 7 0
                                    

YSREL'S POV

Kriiiiiiinnngggg!!!! Kriiiiiiinnngggg!!!!

Tunog ng alarm clock ko ngayong umaga. Haay nako! Istorbo talaga!

Sarap sarap ng tulog ko eh!

Pero kailangan ko kasing magising ng maaga. School camp kasi ngayon eh.

Hindi naman ako excited, hindi rin bored. Kumbaga 50:50 ako ngayon.

Bumangon na ako at ginawa ang aking morning rituals then naligo at bumaba na.

Naabutan ko si mama, si papa pero napansin kong wala si Yves. Siguro tulog pa. Wala ata silang pasok ngayon eh.

"Nak, halika na. Kumain na tayo. Sabayan mo na kami." aya sa akin ni mama na kasalukuyang naghahain ng kanin sa lamesa.

Si papa naman ay abalang abala sa pagbabasa ng dyaryo at paghigop ng kape.

Naramdaman naman ni papa yung presence ko kaya inaya nya rin ako.

Umupo na ako sa hapag at nagsimulang kumain.

Kinuwento ko na rin sa kanila na may camp kami ngayon. Approved naman sila. Buti nga pumayag sila eh kasi medyo may financial problem kami ngayon. Hindi naman kasi kami mayaman. May kaya lang.

"Oh nak, naihanda mo na ba yung mga gamit mo? Alalahanin mo na three days yun at baka kakaunti lang dalhin mong damit mo ha!" pagpapaalala sa akin ni mama habang kumakain kami.

"Opo ma. Alam ko na po iyon" sagot ko naman." sagot ko.

"Kung ganon eh magiingat ka na lamang  doon ha!" panermon naman ni papa.

"Opo pa. Sige po at aalis na ako. Baka maiwanan pa po ako ng bus eh."

"Sige"

Umalis na nga ako ng bahay at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Pagdating doon ay sumakay agad ako.

Pagdating ko sa school ay may nakita akong 3 bus sa school parking lot. Siguro ito yung mga gagamitin namin ngayon.

Pumunta muna akong room. Sabi kasi ni maam eh dito daw muna kami magkikita kita at ioorient daw muna kami about dun sa camp.

Pagdating sa room eh bumungad agad ang napakaingay na bunganga ni Melody.

"Ysreeeellll!!!! Omagash!! Kasama ka ba? Alam mo ba kung sino yung kasabay nating mag camp na section ngayon? Yung seeeeccction B!!! Ahhhh!" aba malandi.

"Huy bunganga mo! Oh ano naman yun kung section B yon?" tanong ko dito sa haliparot na to. Kung makareact kasi eh parang may James Reid or Enrique Gil ang meron sa section B.

"Kasi andun yung three hunks!!!" sabi naman ulit ni Melody habang paupo kami sa aming mga upuan.

"At sino naman yang three hunks na yan?" eh sa di ko kilala eh. Di ba nga wala naman akong pake dito sa school.

"Basta mga gwapo!"

Buti na lang at dumating agad si maam para matigil yung bunganga neto.

At yun nga nagmeeting kami. Sinabi rin ni maam yung mga rules and regulations doon sa resort at kung ano daw ba gagawin sa camp.

Pagkatapos ng lahat ng kaekekan, pinapunta na kami sa desired buses ng bawat section.

Pagdating doon sa parking lot eh wala na yung isang bus. Siguro yun yung para sa section B. Nakaalis na siguro sila.

Sumakay na kami ng bus. Siyempre katabi ko si daldalita na daldal ng daldal habang nandito kami sa loob.

Sa ingay nito eh naisipan ko na lang munang matulog tutal 2 hours naman daw ang byahe.

****

Pagdating sa resort eh nganga agad kami. Pati nga si Melody na natural na maingay eh nanahimik.

Napakaganda kasi. Biruin niyo, labas pa lang yan ha, maganda na. Paano pa kaya sa loob.

May na kasulat din na Montemayor Water Park (Gawa-gawa ko lang po! Hehe) sa labas. Mga Montemayor siguro may ari neto. Di na ako nagtaka. Eh sa napakayayaman nila eh.

Pagkatapos ng sight seeing eh pumasok na kami sa loob at.....

Boom! Super ganda talaga! Para kang nasa ibang bansa.

Tiningnan ko ang relo ko at 11 na pala ng umaga.

Pumunta muna kami sa main hall ng resort na ito para sa briefing.

Nakakapagtaka. Kung ganito kamahal ang resort na ito eh bakit dito kami pumunta. Entrance fee pa lang eh nakakalaglag panga na eh.

Baka may isang student dito na may ari neto.

Pagkatapos napagusapan lahat ng kailangang gawin eh pumunta na kami sa desired na rooms. Magkahiwalay daw ang babae sa lalaki.

So bale dalawang bahay siyang malaki. Isa sa boys, isa sa girls. Halo halo na rin ang bawat section. Sa isang room eh apat ang tao. Dalawang bed each room so magkatabi yung dalawa.

Papunta na ako doon sa rooms eh biglang may nakita akong pamilyar na tao na palabas ng CR.

Si Gray ba yun? Teka... Oo si Gray nga.

Tug-dug-tug-dug

Ayan na naman yang feelings na yan. Nakita lang si Gray eh.

Sa sobrang hiya ko eh yumuko na lang ako at nag derederetso sa hagdan. Nakita niya yata ako kasi tinawag niya name ko eh.

"Uy Ysrel! Kasama ka pala dito!" bungad niya nang makalapit ako.

"Ah eh oo eh...hehehe" umayos ka Ysrel, umayos ka.

"Ah, papunta ka ba sa mga kwarto? Sabay na tayo!" sabi niya ulit.

Siyempre no choice na ako kaya pumayag na ako. Konting kwentuhan lang naman hanggang makapunta na kami sa bungad ng isang pinto.

Bubuksan na sana ni Gray yung pinto nang may tumawag sa kanya.

"Sir Gray, eto na po yung pinapadala ninyong kumot!" sabi ng isang maid.

Teka nga...Ano daw? Sir? Tinawag ba nung maid na yun na sir itong si Gray?

"Sige , salamat!" sabi naman ni Gray.

Hinintay ko munang makaalis yung maid bago ako nagtanong kay Gray.

"Uy, bakit tinawag kang sir non? Siguro ginawa mong slave ano?" tanong ko sa kanya.

Instead na sagutin ako eh humagalpak pa siya ng tawa. Aba! Tawanan ba naman ako!

"Hahahahahaha! Grabe ka naman! Actually, sa amin itong resort. Kaya konti lang ang binayaran. Tsaka diba nga may nakasulat na "Montemayor Water Park" sa labas!" pagpapaliwanag niya.

"Ah..." nasabi ko na lang.

Nganga naman daw ako dun. Diba ritskid.

Tatanungin ko pa sana kung sa iisang kwarto kami or may kasama kami o kaya sa ibang kwarto ba ako.

Pero huli na bago ako makapagtanong nang mabuksan na niya ang pinto.

**********

Hi guysssss!!!

Salamat! Salamat! Salamat!

Sa mga nagbabasa ng story na to.

Kahit na 12 lang ata kayo. Hahaha. Okay lang at least may nagbabasa diba.

Thanks sa support niyo guys!

Please spread this story, vote this story, and have a comment para naman po makuha ko mga opinion niyo.

Salamat po!

-blackfoxsenpai

PS,

May book 2 po ito. But 75:25 % pa po ang chance na gagawa ako ng book 2. Siyempre sa 75 yung gagawa ako, at sa 25 yung hindi. Abangan niyo na lang po kahit di pa tapos itong story na ito.

Love lots :3 <3


Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon