SWK 6: The Start of Something New...

136 6 0
                                    

YSREL'S POV

"Hoy Ys, ba't ganyan ka na ah! Hindi ka na namamansin eh!!" childish na pagkakasabi ni Melody sa akin.

Si Melody ay isa sa mga kaibigan ko dito sa school. Ewan ko ba kung bakit naging isa sa mga campus crush ito eh. Oo at sa maganda siya pero...sa ingay ba naman  ng babaeng ito eh, nagugustuhan pa nila.

Isa rin ako sa mga campus crush dito sa school eh. Sinabi ko na nga sa kanila na ayoko ng mga ganun ganun pero sinama pa rin nila ako. Gwapo daw kasi ako at malakas ang dating. Hinayaan ko na lang sila.

Bagay rin sa kanya yung pangalan niya na Melody dahil magaling siyang kumanta. Buti hindi niya ako nagustuhan eh. Sabi niya kasi hindi niya daw ako type. Gusto niya daw ng nerdy but hunky type of guy.

"Oy grabe siya oh! OA mo ah! Dalawang araw lang na hindi nagkita eh ganyan agad makareact!" sabi ko naman sa kanya.

"Oh Edi wooow!" ayan at sinabayan niya pa ng halakhak. Sinabi ko na sa inyo eh na takas sa mental itong kaibigan ko.

"Ano bang kailangan mo sa akin at nangiistorbo ka? Alam kong may kailangan ka ha! Kabisado ko na yang mga   style mong yan eh!" andito kasi ako sa cafeteria at kasalukuyang naglulunch.

Eh bigla bigla ba namang sumugod itong babaeng ito.

"Eh kasi may practice match daw ngayon ang varsity team ng school! Samahan mo ako at baka may mahanap akong bf ko daliii!!!" sabi niya naman at walang anu-ano eh hinila niya agad ako palabas ng cafeteria.

Hindi ko pa ubos pagkain ko eh!

Sa sobrang bilis ng paglakad niya habang hila hila ako eh nakarating kami agad sa covered gymnasium ng school at totoo nga na may practice match dito.

Andami ring tao lalong lalo na ang mga girls na todo support sa mga gusto nilang player.

Agad kaming pumasok sa loob at naghanap ng mauupuan sa bleachers.

Nang makahanap na kami at makaupo na sa upuan eh nagsalita naman itong takas sa mental.

"Buti na lang daii at nakaabot pa tayo! Tulungan mo akong maghanap bilis!" sabi niya.

Dahil no choice naman ako eh pumayag na ako. Naghanap ako ng players o mga manonood na type niya.

Sa paghahanap ko eh may nakita akong lalaki. Nakatalikod siya at nakaupo sa bench katabi ng coach at nila yun.

Ewan ko ba parang nakita ko na siya dati eh. Parang familiar yung bulto ng katawan niya.

Hindi ko muna ito pinansin at tiningnan ko muna si Melody na parang tanga na nagmamsid sa mga players.

Sakto at nagtime out na. Napakaingay naman ng mga tao sa tabi namin. Nakakbingi.

"Uy, bantayan mo itong upuan ko ah.  Baka may umupong iba diyan, ilalasap ko sayo ang tawag na kalikasa!! Mag ccr lang ako!" sabi niya.

"Oo na, oo na! Bwisit naman to eh!" pagmamktol ko naman at yun nga nagpunta na siya sa CR.

Ilang saglit lang eh nagstart na ulit yung game pero may substitution na nangyari.

Ilinabas ng coach yung isa nilang player at pinasok yung katabi niya kanina.

Hiyawan naman ang mga tao.

Nakatalikod pa rin siya sa akin.

Pero nagulat ako ng bigla siyang humarap. Siya!! Siya pala yun!

Bigla na lang bumagal ang lahat. Parang naging slow mo sa pelikula. Para akong naging bingi na ang tanging naririnig lang eh ang pagtibok ng aking puso.

Tug-dug-tug-dug-tug-dug...

Hala!! Ano nanaman to! Nakita ko na siya bigla naman akong nagkaganito. Parang naramdaman ko na to dati eh.

Alam ko na! Nung nanligaw si...

Hindi pwede, hindi pwede...Dapat siya lang ang taong pwedeng makapagpadama sa akin nito. Pero bakit ganito? Bakit...

Ugh!! Ang gulo...

Tinanggal ko muna sa isip ko ang mga iyan. Sakto naman na dumating ang bruha kong kaibigan.

"Oh My Gaassssh!!! Ahhhhhh!!! OMG! Si Gray! Nasa game!" malanding pagkakasabi ni Melody.

Kitams! Nababaliw nanaman! Nakita lang si Gray eh! Hay nako!!

Nasa Varsity pala ng basketball si Gray! Hindi ko alam yun ah! Siguro dahil wala naman talaga akong pakialam dati dito sa school eh.

At yun nga nagpatuloy na ang game.

At since nandito na kami, sinagad sagad na ni Melody at ayaw akong paalisin ni bruha! Sabi niya eh wala naman daw gagawin. Magkaklase kasi kami.

Kaya ayan! Alas tres na nang hapon at katatapos lang ng game. Pinalabas muna namin yung bugso ng mga tao.

Marami rin ang nagcongratulate sa mga players tutal nanalo naman sila.

Nang makalabas na ang lahat eh tumayo na rin kami.

Palabas na kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Napatingin naman kami ni Melody sa nagtawag.

Nakita ko siya na lumalapit sa amin at nakangiti. Halos mamatay naman sa pagpigil ng kilig itong kasama ko.

Eto nanaman ang slow motion effect! Bwisit eh! Bakit kasi pag si Gray ang lumalapit eh nagkakaganito ako.

"Hi Ysrel!" sabi niya pagkalapit niya sa amin. " He-hello d-din!" hala! Bakit ako nauutal! Umayos ka Ysrel! Umayos ka!

"Bakit m-mo pala a-ko ti-tinawag?" pagsabi ko naman.

"Uhmm sasabihin ko lang sana na sabay na lang tayo umuwi at pwedeng ihatid na rin kita bilang start ng friendship natin!" nakangiting saad niya naman.

"Okay lang! Sige na ihatid mo na siya!" sabi naman ni Melody. Siniko ko nga ang gaga!

"So tara na!" At hinawakan niya ako sa kamay.

Boom! Parang napakaraming kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako. Parang maraming butterflies ang lumilipad sa tiyan ko!

Pwede ba Gray! Tigilan mo na to!!

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora