★★Introduction★★

1.3K 306 74
                                    

"Lahat ng bagay, may dahilan kung bakit nangyayari."

xxRieannexx
"Daddy, someday I want to be a doctor, I want to help others po"

"That's good sweetie, so you want to be like daddy?"

"Yes dad, someday I want to be like you"

Naalala ko na naman ang pangarap ko. Pamilya ko lang naman ang inspirasyon ko sa buhay eh. Someday gusto kong maging pediatrician. Pangarap ko kasi na balang araw makatulong ako sa mga batang may sakit.

Napakarami ko nang napagdaanang pagsubok sa buhay ko, pero pinili kong maging matatag at huwag sumuko. Bawat araw iniisip ko kung gaano ako ka swerteng tao kasi mayroon akong pamilya na nandyan para sa akin, na proud na proud sa mga achievements na nakukuha ko.

Nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Mommy? Pero bakit parang kinakabahan akong sagutin. Parang may pumipigil sa akin sa wag kong sagutin. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ang telepono.

"H-hello?"

"A-nak w-wala na ang dati mo, patay na siya" iyak ng iyak si Mommy, rinig na rinig ko yung mga hagulhol nya

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga narinig ko.

"M-ma, a-ano p-pong n-nangyari?, Nasaan po kayo pupunta ako" kinakabahan kong sabi sa kanya, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nanginginig ang mga mga kamay ko. Ano bang nangyayari? Unti unti nang tumutulo ang mga luha galing sa mga mata ko.

Pumunta agad ako sa ospital kung nasaan si Daddy at nadatnan ko siyang wala nang malay, wala na sya, wala na. Bakit? Bakit namatay pa ang Daddy ko, ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa amin nila Ate.

Lumipas ng ilang araw ang burol ni Daddy, puro "condolence" lang ang mga salitang naririnig ko. Ang hirap pala pag ang taong mahal na mahal mo ang nawala sa tabi mo kasi sobrang hirap mag adjust.

Ito na yung huling araw na makikita ko si Daddy. Ang araw na ito, ang libing nya, ang huling paalam namin para sa kanya.

"Ang dad ko, pinaramdam nya sa akin, sa amin kung gaano niya kami kamahal. Pinaramadam niya sa akin kung gaano siya ka proud sa mga achievements na natatamo ko. Mahal na mahal kita Dad, hindi man kita makita araw araw pero nadito ka parin sa puso ko at hinding hindi ka mawawala kahit kelan. Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng pangako ko Dad. Paalam Dad" umiiyak na sabi ni Ate Selena

"Daddy, thank you for everything. Thank you for being my number 1 fan, dad. Salamat po kasi kahit kailan, hindi mo pinaramdam samin na hindi mo kami mahal. Salamat po kasi kahit kelan, hindi ka nawalan ng time para samin nila Ate. Daddy, bantayan mo po ako sa heaven okay? Daddy mahal na mahal ka namin. Paalam Dad" humagagulgol kong sabi.

Sobrang sakit, hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Napakasakit isipin na wala na talaga sya. Na kahit kelna, hindi na sya babalik pa.

Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sya. Sabi ko magiging malakas ako pero bakit kada araw na lumilipas unti unti akong nanghihina, unti unti akong sumusuko. Parang hindi ko na kayang tumayo pa mag isa, pagod na pagod na akong umiyak. Minsan naiisip ko kung bakit napaka unfair naman ng buhay, ibibigay nga lahat ng gusto mo ng sabay sabay at tsaka babawiin kung kelan mahalaga na ito sayo.

Ilang araw narin akong hindi pumapasok. Pakiramdam ko wala na namang saysay kung magiging doctor ako. Wala na si Dad eh, si Mommy at Ate nalang yung nandyan para suportahan ako, wala na eh. Hirap na hirap na akong huminga sa kakaiyak. Ilang beses narin akong kinomfort ni Mommy at Ate pero wala paring epekto. Alam kong nasasaktan din sila ng sobra pero pinipilit nilang maging okay kahit hindi naman talaga. Ganun naman talaga eh, tinatago lang natin ang lahat sa isang ngiti, akala ng iba okay lang tayo pero tayo mismo sa sarili natin, alam nating hindi talaga tayo okay. Gusto ko nang sumuko, ngayon ko lang na-realize na madali lang palang sabihin na maging matatag pero mahirap pala talagang gawin.

Naglakad lakad ako at nag babaka sakaling gumaan naman ang pakiramdam ko, nakakita ako ng isang tulay gusto kong tumalon, baka pag namatay na ako makasama ko na dun si Daddy. Hindi na rin mahihirapan sila Mommy sakin. Tatalon na sana ako nang may lalaking pumigil sa akin na wag kong gawin, na huwag kong ituloy ang pagpapakamatay, napaupo nalang ako sa sahig at nag simulang umiyak.

"Bakit ka mag-papakamatay, sasayangin mo lang ba ang buhay mo dahil hindi mo na kaya ang problemang dala dala mo?" medyo pagalit na sabi nya sa akin.

Hindi ako umiimik pero patuloy parin ako sa pag iyak. Oo, may point sya sa sinabi nya pero hindi nya alam ang pakiramdam ng ganto. Oo madali lang para sa kanya na sabihin na wag akong magpapadala sa mga pagsubok ng buhay pero sa tingin nya, kung sya kaya ang nasa sapatos ko, ang nasa kalagayan ko. Masasabi nya parin kaya ang mga salitang iyon? Hindi diba? Kasi hindi naman niya alam ang pakiramdam na mawalan ng taong minamahal.

Hinatid nya ako pauwi sa bahay namin. Pagod na pagod na ako gusto ko nang magpahinga, gusto ko nang mamatay wala na rin namang kwenta yung buhay ko eh. Para saan pa kung mabubuhay ako diba? Sana nga mamatay nalang ako. Sa sobrang kakaiyak, hindi ko na namalayan sa sarili ko na nakatulog na pala ako.

A Dream Where stories live. Discover now