★★Special Chapter★★

345 107 35
                                    

Yeyyy, so dahil 2 months na tong story na to sa wattpad, bibigyan ko kayo ng Special Chappiee. Sana magustuhan nyo. Salamat sa 2k na votes. Labyouu
★★★★★★★★★★★★★★★★★★

6 months later

Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon pero hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na buhay pa ako. Na hanggang ngayon, nandito pa ako. Pero nakakalungkot isiping hindi totoo si Dylan. Na isa lamang siyang laman ng panaginip ko. Isa lamang ang hinihiling ko sa Diyos ngayon, ang makita ulit si Dylan kahit sa panaginip lang, kahit isang beses lang. Sana naman mapanaganipan ko sya ulit, kahit sandali lang. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa kanya, dahil sa kanya nabago ang pananaw ko sa buhay.

Rieanne, Rieanne tawag niya sa pangalan ko. Agad naman akong lumingon para hanapin kung sino iyong taong tumatawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Dylan, oo si Dylan nga. Dylan!! sigaw ko sabay lapit sa kanya. Yinakap niya ako, ang saya saya ko. Nakita ko ulit siya. Kung panaginip na naman to, ayoko nang magising. Gusto ko ulit makasama si Dylan pero bakit ganon, parang sinasadya ng tadhanang paglayuin kaming dalawa. Para bang langit siya, lupa ako.

"Rieanne, mag iingat ka mahal ko. Andito lang ako sa tabi mo palagi." sabi sa akin ni Dylan.

Umiiyak ako, yung para bang mixed emotions ganun. Malungkot na masaya yung nararamdaman ko ngayon. Masaya kasi nandito siya ngayon sa tabi ko. Malungkot kasi pwedeng mamaya, wala na sya....

Nakita ko si Dylan, unti unti siyang lumalayo, unti unti siyang naglalaho.

"Dylan, iiwan mo ba ako ulit? Dito ka nalang pleasee" pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak.

"Dylan! Dylan! Hindi mo na ba ako mahal? Sabi mo di mo na ako iiwan." sigaw ko sa pangalan niya. Pero wala na, wala na siya.

Rieanne!, Rieanne!
Nagulat ako nang makita ang nag aalalang mukha ni Ate Selena

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

Bakit ganun, hanggang panaginip nalang ba kita makikita Dylan? Umiiyak na naman ako. Ang sakit isiping hindi siya totoo na imposibleng makasama ko si Dylan dahil hanggang panaginip ko lang siya.

Nakakita ako ng isang puting paru paro, sinundan ko ito. Wala lang parang feeling ko kasi may something dun sa paru paro na yun. Sa pagsunod ko dito, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Dylan nakita ko, oo si Dylan. Nananaginip na naman ba ako? Ipinikit ko ang mga mata ko at saka muling dumilat pero hindi talaga ako namamalik mata.

"Dylan! Dylan!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya lumilingon. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya naabutan. Pero isa lang ang sigurado ako, totoo si Dylan. Nakita siya ng dalawang mata ko. Sana balang araw makita ko siya.....

"Minsan talaga iniiwan tayo ng mga taong mahal natin, pero hindi ibig sabihin nun hindi nila tayo mahal. Minsan kasi yun lang talaga yung mas makabubuti sa atin.



A Dream Where stories live. Discover now