★★Chapter 8★★

479 262 35
                                    

Okay na nga pala kami nila Mommy at Dylan, ito kasi yung nangyari kahapon.

Flashback

Pagkatapos ng madramang speech namin kahapon ni Mommy, nagpunta sya sa kwarto ko para kausapin ako tungkol sa mga nangyayari.

"Anak pasensya na talaga kung hindi sinabi sayo ni Mommy. Ayoko kasing ma depress ka sa kakaisip mo sa sakit mo. Gusto kong maging masaya ka kahit sa mga huling sandali ng buhay mo" paliwanag ni Mommy sa akin.

Niyakap ko si Mommy pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa akin.

"Mommy pwede po bang magpunta ulit tayo sa resort nila Dylan? Gusto ko po sanang manatili duon at sulitin ang mga huling sandali ng buhay ko"

Tumango si Mommy. Alam ko namang payag na siya. Isa na kasi to sa mga last wish ko. Tinawagan ni Mommy si Dylan para sabihing pupunta ulit kami doon, sa beach resort nila. Hinanda ko na yung mga damit na dadalin ko.

*Dingdong**Dingdong*

Bumaba na si Mommy andun na kasi si Dylan sa baba. Tapos na rin naman akong mag ayos kaya tinawagan ko si ate Selena para tulungan akong bumaba hirap na rin kasi akong maglakad.

Ilang oras din ang naging byahe namin. Tuwang tuwa ulit ako yung parang nun first time ko lang na nakapunta dito. Ang sarap nung simoy ng hangin. Hapon na rin kasi kaya hindi na masyadong maaraw, hindi na masama para sa akin. Inaya ko si Dylan na maglakad lakad sa may beach.

"Dylan, lakad tayo?" tanong ko sakanya

"Pero sandali lang kasi maggabi na okay?" Sabi niya sa akin.

Tumango lang ako, inalalayan nya ako habang naglalakad lakad kami. Sobrang laki pala talaga ng resort nila Dylan.

"Hinka dito, nuod tayo ng sunset" aya niya sa akin. Sabay turo dun sa spot kung saan kitang kita talaga ang araw.

"Alam mo Dylan, ayoko ng nakakakita ng sunset, yun kasi yung nagpapatunay na wala talagang forever, na lahat ng bagay nawawala, na lahat ng bagay nagbabago" malungkot kong sabi sa kanya

"Nako, Rieanne ayan ka na naman sa pagiging negative thinker mo. Naniniwala ako na ang sinisimbolize ng sunset ay pag asa. Kahit kasi lumubog man siya ngayon, sa susunod na araw tataas ulit sya, babalik ukit siya sa dati. Parang tao lang, tuwing may pagsubok sa buhay natin sobra tayong nadodown pero dahil sa tulong ng mga taong mahal natin, unti unti tayong bumabangon at nagsisimulang muli" sabi ni Dylan

Hindi ako umimik sa mga salitang sinabi ni Dylan may point kasi siya sa mga sinasabi niya. Bawat bagay pala sa kanya, may mas malalim na kahulugan. Lahat ng bagay may paliwanag. Maya maya pa, bumalik na rin kami kila Mommy malamang ay kumakain na sila. Pagdating namin nila Dylan, nakita namin sina Mommy at Ate Selena sa labas na nag iihaw ng ulam, kumaway sila nung makita kami. Nakisali din kami sa pag iihaw nila. Ang saya pala pag kasama mo sila, pag kasama mo ang mga taong mahal mo.

Natapos ang pagkain namin na puno ng tawanan, biruan at mga kwentuhan, halos hindi na nga ako makahinga sa katatawa namin.

Nagpunta ako sa garden namin at duon umiyak. Alam kong pwedeng mamatay na ako ngayon, dito mismo sa lugar na to. Habang umiiyak ako, naalala ko lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Yung mga masasayang panahon na kasama ko ang pamilya ko, at yung mga panahon na yun, isang magandang ala ala nalang siya ngayon. Naalala ko yung mga panahon na una akong mag aral, yung mga panahong hindi pa ako marunong sumulat, yung mga panahong nagiging proud sa akin ang pamilya ko dahil sa mga achievements ko, yung nga girls talk namin nina Mommy at Ate, yung mga bonding namin bilang pamilya, yung panahon na nawala si daddy, yung mga panahong sumuko ako, yung mga panahong hiniling kong mamamatay.

Sana pala hindi ko nalang hiniling yung bagay na yun kasi hindi pa pala ako handang iwan ang mundong ito, di pa ako handang iwan at saktan ang mga taong mahal ko. Pero wala na eh, huli na ang lahat, wala na akong magagawa pa.

Lord, sana po bigyan mo pa ako ulit ng chance na mabuhay. Pangako ko pong hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibibigay mo, please

Pagkadilat ko ng mga mata ko, iba ang nakita ko. Bakit parang kakaiba ang paligid? P-paano ako napunta sa kwarto ko?

A Dream Where stories live. Discover now