★★Chapter 3★★

586 283 47
                                    

Pagbaba ko sa bahay namin, nakita ko si Dylan na kausap si Mommy, lumapit ako sa kanila para mapakinggan ang pinaguusapan nila.

"Pasayahin mo ang anak ko iho ha? Gusto kong sa sandaling oras na natitira sa buhay niya ay maging masaya siya" sabi ni Mommy

"Opo, tita gagawin ko po ang lahat para mapasaya siya, mahal na mahal ko po si Rieanne" sabi ni Dylan.

Medyo nakaramdam ako ng konting lungkot, papasayahin nya lang ba ako kasi malapit na akong mamatay?

"Oh, Rieanne andyan ka pala" nagukat ako ng may biglang nagsalita natulala pala ako, hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Dylan.

"Ah, oo kadarating ko lang, nakita ko kasing nag uusap kayo ni Mommy kaya hindi muna ako lumapit sa inyo" sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba, Nga pala pinapaalam na kita sa Mommy mo, gusto ko sanang magbonding naman tayo, okay lang ba sayo?" Tanong niya sa akin

"Oo naman, kelan ba?" Sabi ko

"Ngayon sana, busy ka ba?" tanong niyang muli sa akin

"Actually, wala talaga akong gagawin today, sooo we can have our bonding" nakangiti kong sagot sa kanya.

Dinala niya ako sa isang playground, teka parang familiar tong place na to ahhhh?

"Alam mo, parang nakapunta na ako dito dati" sabi ko kay Dylan

"Nakapunta ka na talaga dito dati, Rieanne" sabi ni Dylan
Huh? Ano bang ibig nyan sabihin?

Flashback
May isang batang lalaki ang laging malungkot, lagi siyang umiiyak. Isang araw lumapit sa kanya yung isang magandang batang babae.

"Hello bata anong panagalan mo, ako nga pala si Riea" nakangiting sabi ng batang si Riea sa batang lalaki.

"Bakit mo ko linapitan *sobs* aawatin mo din ba ako tulad ng ginagawa sa akin ng iba?" umiiyak na sabi ng batang lalaki kay Riea

"Hindi kita aawayin noh, mabait kaya ako tsaka gusto ko sanang maging friends tayo. Promise pag naging friends tayo magiging masaya tayo, lagi ka ng ngingiti at hindi na iiyak" sabi ng batang si Riea

"Talaga?! Sige friends na tayo, ako nga pala si Lan"

End of Flashback

"OMG, ikaw si Lan? Grabe tagal na kitang nakakasama pero hindi ko.man lang napansin na ikaw pala si Lan, kaya ka ba laging nasa tabi ko? Kaya ba gusto mo akong maging masaya?" tanong ko sa kanya.

"Oo, naaalala mo pa ba yung promise natin sa isa't isa? , na lagi tayong magiging masaya , kaya andito ako para tuparin muli yung promise na yun, okay ba yun?" Tanong ni Dylan

"Oo naman" sabi ko

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong mayroong nagmamahal parin sayo kahit sino ka man, yung tanggap kung sino talaga yung totoong ikaw. Naalala ko tuloy si Daddy sa kanya, ganyan din kasi si Daddy, gusto niyang lagi akong masaya, ayaw niyang nakikita akog malungkot at umiiyak.
Naglaro kami ni Dylan sa park, parang nung mga bata palang kami.

Salamat kay Dylan kasi dahil sa kanya, natutunan ko kung paano nga ba maging masaya.

A Dream Where stories live. Discover now