★★Chapter 6★★

464 268 31
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung umuwi kami galing sa bakasyon sa beach resort nila Dylan.
Gusto ko nga uling bumalik dun eh. Masaya kasi dun tsaka maraming memories ang naiwan sa lugar na yun. Dun kasi sa lugar na yun, naniwala akong may milagro,na may pag asa pa. Pupunta nga pala kami sa ospital ngayon dahil ito yung magiging unang araw ng chemo therapy ko, sana nga maging succesful eh. Gusto ko pang gunaling, gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama ang mga taong mahal na mahal ko.

Ang hirap pala, nahihirapan na ako. Ramdam na ramdan ko na kung gaano na nga ba kalala ang sakit ko. Gustong gusto ko nang sumuko pero sa tuwing tinitignan ko kasi si Mommy, Dylan at Ate nasasaktan ako sa tuwing iisipin kong iiwanan ko sila. Pinipilit ko paring maging malakas para sa kanila, para sa mga taong mahal na mahal ko.

Unti unti na akong nauubusan ng buhok, unti unti na akong nagiging kalbo. Nagiging buto't balat nalang ako. Pero sabi ni Mommy epekto lang daw yun ng therapy, pagkatapos ng mga hirap na to, gagaling din ako. Konting tiis na lang kakayanin ko din to, matatapos din lahat ng hirap na nararanasan ko. Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na gagaling pa ako kahit alam kong may malaking posibilidad na hindi na. Totoo nga ang kasabihan na "Be careful on what you wish for because you might just get it and more" Dahil sa hiniling kong gusto ko nang mamatay, eto na binibigay na sakin ngayon pero bakit ganon, sobrang nagsisisi ako dahil hiniling ko pa ang bagay na yun, hiniling ko pang mamatay. Siguro nga ito na ang karma ko. Tama sila nasa huli talaga ang pagsisisi.

Alam kong alam din nila Dylan ang posibilidad na malapit na nga akong mawala, pero naniniwala pa rin sila na may milagro pa, na magagamot pa ako dahil sa chemo therapy. Pilit silang umaasa, nagtitiwala kahit alam nilang pwede silang masaktan sa huli. Marami parin naman daw kasing dahilan para umasa sila. "Walang imposible" isang salitan pilit nilang pinapaniwalaan, isang salitang maraming kahulugan.

Naka ilang session na rin kami sa pag papachemo therapy. Pero parang wala namang nangyayari, parang wala namang nagiging epekto. Marami narin kaming nagagastos para sa pagpapa gamot ko. Hirap na hirap na kaming umasa, ulit ulit nalang. Ulit it na rin akong nahihirapan. Pakiramdam ko'y malapit nang bumigay ang katawan ko. Hinang hina na ako. Sa tuwing tinatanong ko si Mommy at Dylan tungkol sa kung ano nang lagay ko, lagi nalang nila iniiba ang topic na pinag uusapan. Ano ba talagang nangyayari bakit parang hindi ako aware......................

A Dream Where stories live. Discover now