★★Chapter 7★★

466 267 39
                                    

At dahil sa sobrang curious ko kung ano na nga ba ang nagyayari sa akin, naglakas loob akong magpunta sa ospital para magtanong kung anong na nga ba ang nangyayri. Ilang beses akong nagtanong kila Mommy pero kahit kailan, hindi man kang nila ako sinagot. Nang makarating ako sa ospital, agad akong nagunta kay Dr. Madrigal, natatakot ako sa mga bagay na pwede kong malaman, pero wala naman kasing mangyayari kung hindi ko haharapin ang takot ko.

Nang makarating ako sa clinic ni Dr. Madrigal, agad ko siyang tinanong.
"Doc, ano na po bang lagay ko? Ano na po bang nangyayari sa akin?" Deretchahan kong tanong kay Dr. Madrigal.

"Ahm, Rieanne tatapatin na kita, I'm sorry to say pero hindi na talaga nagrerespond yung katawan mo sa therapy na ginagawa natin, wala na akong naiisip na paraan para mapagaling ka. Sandaling sandali nalang ang panahong natitira sayo, wag mo sasayangin ang mga oanahon na iyon, Rieanne. Mag iingat ka"

Parang pinag baksakan ako ng langit at lupa sa mga narinig ko. Kaya pala, kaya pala tinago sa akin nila Mommy ang tungkol dito. Kaya pala ayaw nilang sabihin sa akin kasi ayaw nikang masaktan nila ako, pero mas masakit yung sa iba ko pa nalaman ang tungkol sa bagay na to.

Namumugto ang mga mata ko nang umuwi ako sa bahay. Sobrang nasaktan talaga ako kanina kasi Doktor na mismo ang nagsabi ni wala na talagang pag asa. Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko si Dylan, as usual lagi naman siyang andyan eh.

"Rieanne, anong nangyari, saan ka nagpunta?! Bakit hindi ka man kang nag paalam sa amin kanina pa kami nag aalala sa iyo" nag aalalang sabi ni Dylan.

"Bakit, bakit Dylan hindi nyo man lang sinabi sa akin na malala na pala, na hindi na pala, na hindi na pala ako gagaling pa pinaasa nyo lang ako Dylan, pinaasa. umiiyak kong sabi.
Hinang hina na ako nahihirapan na akong magsalita, nahihirapan na akong gumalaw, nahihirapan na akong huminga. Nagulat ako ng makita ko si Mommy, alam kong nasasaktan di siya sa nangyayari sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Anak, pasensya na kung nagsinungaling si Mommy sa iyo, ayoko kasing isipin mong mamamatay ka na, ayokong tumigil ka sa pag asa na gagaling ka pa" sabi ni Mommy

"Mommy tama na, alam kong wala na Ma, ayoko ng umasa. Doktor na mismo ang nagsabi na wala na talagang pag asa, wala na mamamatay na ako. Ayoko nang mabuhay pa sa kasinungalingan Ma, tanggapin na natin. Ayoko na suko na ako" umiiyak ko paring sabi...........

A Dream Where stories live. Discover now