★★A Dream★★

506 256 42
                                    

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, paano akong napunta dito? Sobrang naguguluhan na talaga ako. Tumayo ako para tignan ang sarili ko sa harap ng salamin. Pero bakit parang iba ang itsura ko. Malayong malayo sa itsura na nakita ko kanina. May buhok ako, at hindi rin nanghihina ang pakiramdam ko. Ano ba talagang nangyayari?

May nadinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak, gising ka na ba?" si Mommy pala yung kumakatok. Agad kong binuksan ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang siyang yinakap. Para bang pakiramdam ko, napakatagal naming hindi nagkita.

"Anak, ayos ka lang ba?" nakakunot noong tanong sa akin ni Mommy.

"Opo, ayos lang po ako." sabi ko naman kay Mommy

Inaya nya akong kumain sa baba, naabutan kong nakaupo sa lamesa si Ate Selena.

"Good Morning, Rieanne" nakangiting bati sa akin ni Ate.

"Good Morning din Ate" nakangiting bati ko din sa kanya.

"Kamusta tulog nyo mga anak?" tanong sa amin ni Mommy habang kumakain kami.

"Ayos lang naman po Mommy, ang gamda nga po ng panaginip ko eh." nakangiting sabi ni Ate Selena.

"Ako naman po, kakaiba ang naging panaginip ko." Pagkasabi ko non ay sabay silang tumingin sa akin.

"Bakit, tungkol saan ba ang panaginip mo?" tanong ni Ate Selena.

"Nanaginip po ako, na may sakit akong malala. Yung akala ko po mamamatay na ako. Akala ko po mawawalay na ako sa inyo. Pero alam nyo ba, sobrang ganda nung naging panaginip ko. Naramdaman ko kung gaano nga ba kasarap mabuhay. Siguro naging masakit yung panaginip ko, pero sobrang dami kong natutunan." naluluha kong sabi sa kanila. Pero hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na isa lang pala yung panaginip. Isang makabuluhang panaginip.

"Diba nga kasi Rieanne, na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan." sabi ni Ate sabay tingin sa akin. Ngitian ko sya pabalik. Siguro oo nga. Lahat ng bagay na nangyayari may dahilan. Nangyayari ang mga bagay bagay na yun kasi may purpose yun sa buhay natin. At sa bawat nangyayari na yun, may matututunan tayo.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Basahin nyo po ulit yung Introduction kung naguguluhan kayo. Comment lang po kayo kung may questions. Thanksss

A Dream Where stories live. Discover now