★★Chapter 2★★

713 292 67
                                    

"Bakit mo nga pala tinatanong sa akin yung mga bagay na yun kanina?"

"Alam mo kasi may taning na yung buhay ko, malapit na rin akong mawala sa mundong to" sabi ko sa kanya.

"Bakit ka naman mamamatay" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"May leukemia na ako Dylan, wala ng pag asang gumaling ako at mabuhay pa ako. Para saan pa kung mabubuhay ako kung hindi naman ako magiging masaya." sabi ko sa kanya.

"Nagkakamali ka sa mga sinasabi mo kasi ang buhay puno yan ng pag asa, sa buhay walang imposible kung maniniwala ka. Kaya dapat pahalagahan natin ang mga bagay na meron tayo. Dapat mas kumapit tayo sa Diyos" puno ng pag asang sabi ni Dylan

"Sa Diyos? madaya naman sya eh. Kinuha nya sa akin ang lahat, hindi naman niya ako mahal eh" sabi ko

"Nagkakamali ka, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan kung bakit nga ba nangyayari, gusto nang Diyos ang bagay na kung anong makabubuti sa atin Rieanne, may magandang plano siya para sa atin" sabi niya

"Tsaka para san pa kung mabubuhay ako eh wala na namang nag mamahal sa akin" naiirita kong sabi sa kanya

"Walang nagmamahal sayo? Sigurado ka? Akala mo lang yun Rieanne, akala mo walang nag mamahal sayo pero marami sila Rieanne, sadyang masyado ka lang nagbubulagbulagan." sabing muli ni Dylan.

"Nagbubulag-bulagan? H-A-H-A-H-A seryoso ka?" sarcastic kong sabi.

Nakauwi narin ako sa bahay, pero bago ako bumaba sinabi niyang,

"Maging masaya ka habang nabubuhay ka pa, baka mamaya kung kelan malapit nang mawala ang buhay na pinahiram sayo, saka mo lang narealize kung gaano pala kasayang mabuhay" iyan ang mga salitang sinabi niya bago ako bumaba sa sasakyan niya.

Wala naman akong pakielam sa mga sinasabi niya tsss. Kakausapin ko nga pala si Mommy, sa tingin ko kailangan na din naman niyang malaman ang tungkol sa sakit ko, ayoko namang balang araw sisisihin niya ang sarili niya sa pagkamatay ko. Ayoko namang matulad siya sa akin na sibrang na-depress nung namatay si Daddy.

Pinuntahan ko si Mommy sa may kitchen, nadatnan ko siyang nagluluto.
"Mom, pwede po ba kitang makausap"

"Oo naman anak, bakit may problema ba" tanong ni Mommy

"Kasi po, may leukemia na ako ma, malapit na po akong mawala"
*sabay bigay sa kanya nung mga tests results*
Nang mabasa niya ang mga ito, nakita kong natulala siyang bigla, nakita ko rin ang mga tumulong luha sa kanyang mata.

"Anak hindi ito totoo di ba?" mangiyak ngiyak niyang sabi sabay yakap sa akin. Nalulungkot din naman ako, ayoko rin naman siyang iwan, pero wala na eh mamamatay at mamamatay na rin naman ako. Hiniling ko to eh kaya dapat panindigan ko. Hindi na ako sumagot kay Mommy, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya.

"Hindi ako papayag na mawala ka anak, mag papagamot ka okay?" puno ng pag asang sabi sa akin ni Mommy. Tumango nalang din ako sa mga sinasabi niya kahit hindi naman talaga ako sang ayon. Wala rin naman kasing mangyayari kung kokontrahin ko pa sya.

Ayoko nang umasang gagaling pa ako, kasi ako mismo sa sarili ko, alam kong hindi na, wala nang pag asa. Pakiramdam ko ay unti unti na ring humihina ang katawan ko masyado nang malala ang sakit ko. Actually stage 3 na nga eh, may pag asa pa ba?
wala na diba?

A Dream Where stories live. Discover now