★★Chapter 5★★

479 272 40
                                    

"Mahal kita pero hindi na pwede, malapit na akong mawala Dylan. Iiwan rin kita, ayokong masaktan ka pa kapag dumating yung oras na mawawala na ako. Sa oras na mabubura na ang pangalan ko sa mundong to. Darating at darating rin yung oras na yun. At alam kong malapit na malapit na ang panahong iyon" umiiyak kong sabi

"Rieanne, alam mong mahal na mahal din kita noon pa man iba? Kaya nga nandito ako para sa iyo kasi ayaw kong nakikita kang nasasaktan, nalulungkot at nahihirapan. May awa pa ang Diyos, Rieanne kumapit ka lang may pag asa pa. Hindi mo ako iiwan kasi gagaling ka pa, mabubuhay ka pa" sobrang lungkot na sabi ni Dylan.

"Nakakapagod na ding umasa, kasi dahil dun lagi nalang tayong nasasaktan. Madalas tayong madisappoint kasi hindi naabot yung mga expectations natin sa buhay" sabi ko kay Dylan.

"Pero wala namang masamang umasa at magtiwala Rieanne. Basta dapat maging masaya tayo kahit ano mang mangyari, okay? Dapat sulitin mo ang bawat araw at oras na ibinibigay ng Diyos sayo. Kapit lang Rieanne, wag kang bibitaw" puno ng pag asang sabi ni Dylan.

"Oo Dylan tama ka, kapit lang. Kakayanin ko to, magiging malakas ako para sa sarili ko" sabi ko kay Dylan

"Laro nalang tayo?"

Tumakbo kami ng tumakbo palibot sa buong resort, ang saya saya pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa pagkabata. Dahil kay Dylan nakita ko ang positive side ng buhay natin. Dahil kay Dylan naniwala akong walang imposible sa buhay. Dahil kay Dylan natuto akong umasa at magtiwala.

Napagod na rin kami kaya napagdesisyunan na naming mag pahinga. Tinawag na rin kami ni ate kakain na pala kami.

"Rieanne, Dylan halika na, kakain na tayo" tawag ni Ate sa samin ni Dylan.

Agad naman kaming napunta ni Dylan at sumabay sa kanila sa pagkain. Yesss paborito ko yung ulam, fillet. Habang kumakain, biglang na open ni Dylan yung topic tungkol sa sakit ko. Napag desisyunan naming subukang magpa gamot , malay mo, may biglang milagrong dumating. Sabi nga ni Dylan, ay walang imposible sa buhay kung marunong kang umasa at magtiwala sa buhay. Sabi naman nubg doctor na kahit malala na yung sakit ko, may pag asa pa din namang gumaling ako kung magpapa chemo therapy ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Ilang araw muna pala kaming mananatili dito. Masarap kasi dito, sobrang nakaka relax, baka sakaling makatukong sa pag galing ko. Sana nga may pag asa pa, sana may milagrong dumating. Sana................

A Dream Where stories live. Discover now