★★Chapter 1★★

848 298 64
                                    


"Doc, ano pong nagyayari sa akin, bakit mo madalas akong dumudugo ang aking ilong at nagalalagas ang aking mga buhok?" tanong ko

"Mayroon kang leukemia, iha"

Flashback
Nakaharap ako sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok, napansin kong unti unti itong naglalagas, unti unti na akong nakakalbo. Napansin ko rin na nung mga nakakaraang araw, madalas akong nawawalan ng ganang kumain. Natatakot na ako, ano bang nangyayari sa akin? Natakot na ako kaya agad akong nagpa konsulta sa doctor.

End of Flashback

Mukhang tinutupad na nga ng Diyos ang panalangin ko. Mukhang gusto na rin niyang makasama ko si Daddy sa heaven. Malungkot ako kasi pwedeng one of these days mawala na ako sa mundong to, maiiwan ko na si Mommy at Ate. Habang nag iisip ako ng paraan kung paano ko sasabihin kila Mommy at Ate tungkol sa sakit ko, nakita ko si Dylan na palabas ng bahay nila.

"Oh, bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo, may problema ba?" concern na tanong niya sa akin.

"Pwede ba kitang makausap kahit sandali lang" tanong ko

Gusto ko rin namang magkaroon ng makakausap, gusto ko sanang mang hingi ng advice sa kanya, baka sakaling matulungan nya ako.

"Sige,may alam akong magandang lugar para dyan" masaya niyang sabi.

Sumunod naman ako sa kanya at sumakay kami sa kanyang sasakyan. Ilang minuto lang ay dumating narin kami sa lugar kung saan niya ako inayang magpunta. Masasabi kong napakaganda ng lugar na ito, maraming mga puno at halaman. Masasabi kong napaka peaceful ng lugar na ito nakakarelax

Siguro kahit sa sandaling panahon, nakalimutan ko ang mga problema ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Siguro kahit sa sandaling panahon, nakalimutan ko ang mga problema ko.

"Oh, ano bang pag-uusapan natin?" biglaan niyang sabi habang nakahiga kami sa ilalim ng puno.

"Gusto ko lang sanang humingi ng advice, may problema kasi ako" sabi ko naman. Sabay tingin sa mga mata niya.

"Ano naman yung problema mo?" tanong nya.

"Paano kung may gusto kang sabihin na isang bagay pero hindi mo magawa kasi natatakot kang mag alala sila para sayo" malungkot kong tanong sa kanya.

"Alam mo habang maaga sabihin mo na, kasi pag pinatagal mo pa mas masasaktan sila at the same time mas lalala yung sitwasyon" sagot niya sa tanong ko.

"Ahh, ganun ba yun. Ito pa may isa pa akong tanong, pano kung malapit ka na palang mamatatay, ano yung gagawin mo? Yung konting oras nalang yung natitira para buhayin mo yung buhay mo" tanong ko uli sa kanya.

"Ako ang gagawin ko, I'll live my life to the fullest, atleast bago man lang ako mawala sa mundo, naging masaya naman ako at nagawa ko yung mga bagay na gusto kong gawin. At yung mga bagay na yun, ay ang makasama ang mga taong mahal ko. Sandaling panahon man ang matira atleast sa sandaling panahon na yun na enjoy ko yung mga bagay na nangyari sa buhay ko at naging memorable ang mga naging huling araw ko" sagot niya sa tanong ko. Medyo tinamaan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko kasi alam kung paano pa ba ako magiging masaya sa konting araw na natitira sa akin. Hindi na ako umimik pa. Ayoko na, baka mas lalo lang akong masaktan sa mga sasabihin niya.

Inaya na nya akong umuwi na. Medyo napagod na kasi ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila mommy ang tungkol sa sakit ko. Ayoko ng magpagamot pa kasi alam kong mamamatay na rin naman ako. Wala narin naman saysay yung buhay ko eh, mas magiging pabigat lang ako kila mommy at ate kaya siguro mas mabuting mamatay nalang ako.........

A Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon