i

6.3K 262 159
                                    

Luhan

"Eomma, ti Appa!" sigaw ni Hansol.

"Ti bulol!" asar ni Kharin tsaka ginulo ang buhok ni Hansol at dumapo ang tingin nya kay Sehun. "Sehun, uy long time no see? Gwapings pa rin ah. Hindi kumukupas ang kagwapuhan natin pareho ano?! Lamang ka lang talaga ng isang tabo sa akin." Tinapik nya agad ang balikat nito. Pinagsasasabi nito ni Kharin? Nakasurive sya sa TBI (Traumatic Brain Injury). It took him a few more months no, almost a year ding treatment. Hindi naman totally naparalyze ang kalahati ng katawan nya. Nagagalaw nya pa rin pero may times na nangangalay agad sya.

"Mat gwapo po kayo appa!"

"Biased masyado tong si Hansol ano? Mat gwapo ako? Mat gwapo ka kaya." sabi nya at kinurot ang pisngi nito. Si Kharin lang ang kasundo ni Hansol. Hansol is more an introvert kind of a kid. Lagi kasi syang takot tsaka mahiyain sa maraming tao. He don't usually speak that much na sya namang kinadaldal ng kakambal nyang si Luna.

"Kaya nabubulol lalo yan eh." ani ko.

"Ako, kamukha Luna si Eomma."

"Hindi kaya!" pagdedeny ko sa sinabi ni Luna. Napabusangot at napanguso sya. "Hahaha! Tignan mo nga yang nguso mo? Akin ba yan? Sa tatay mo yan!" Napahinto ako at napatingin kay Sehun. Tahimik lang syang nakatingin sa kambal kaya napaubo tuloy ako para makuha ang attensyon nya. "Sehun, pasensya na. Maingay lang talaga kaming apat 'pag magkakasama." I said.

"No, it's okay." he shook his head, "I just want to ask how old are they?" aniya.

Luna raised both of her hands. Binaba ko lang yun. Pauna una mali naman. Sinulyapan ko muna si Kharin sandali. "Three years old." I answered. Premature ang kambal kaya ayan at kulang kulang. A creased formed in Sehun's forehead. Na tila confused at kinokonekta. Naiisip na, 'Paano kami magkakaroon ng anak ni Kharin kung nasa ospital pa at nagpapagaling sya ng mga panahong yun?' Malamang ganun.

"Three years?" he settled his confused eyes on me but then I bowed my head, avoiding his gaze. "I see. They got your eyes and I can't see any features from Kharin? Mukhang nakuha nilang lahat sayo, Luhan." Hindi ako nakasagot. Hindi si Kharin ang ama ng kambal. Yes, I lied to everybody. Kami lang ni Kharin ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. "Hindi ko alam pero natutuwa akong tignan sila. Ang gaan sa pakiramdam."

Tinignan ko sya habang nakatingin sya sa kambal. "Sehun, aalis na kami?" ani ko at tila gumuho ang pagiisip nya. He glanced at his watch. "Kadarating lang din kasi namin galing flight." Pinunasan ko agad ng tissue ang kamay ng dalawa tsaka kinuha ang bag ko. "Hope to see you at the welcome party and it's nice seeing you after almost four years? I don't mind if you bring Yna. Isa pa, baka magtampo sya kung malaman nyang pupunta ka sa welcome party ng 'EX' mo. Hindi ba?" Napatitig sya sa akin.

"I will try," Sehun said. Dumating ang bill at binayaran nya. Sabay na kaming lumabas ng resto na yun. Susunod na sana ako kela Kharin kaso hinawakan nya ang braso ko. "Luhan, tell me, ako ba ang tatay ng kambal? I mean, may nangyari sa atin bago ka umalis di ba? Paano nangyaring si Kharin ang ama? Tell me the truth." he said, holding my arm tightly. I stared at him.

"Sehun, sa tagal nating nagsama, ni hindi mo ako nabuntis tapos sa isang araw na yun, naisip mong jumakpot ka? Hindi. Nung hinatid mo ako nun galing ospital, pinuntahan din ako ni Kharin." Nangunot ang noo nya, "Oo may nangyari sa amin. At pagalis nya, dumating si Vina. Binalikan ako ni Kharin kaya naligtas nya ako. Hindi tayo compatible. Hindi ikaw ang ama ni Luna and Hansol." I explained and his grip loosen up. "Mauuna na kami" dugtong ko.

HunHan [Book 3]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Where stories live. Discover now