CHAPTER 6

18.8K 515 12
                                    

CHAPTER 6

MIKA

Tinanggal nya ang seat belt naming dalawa at galit na lumabas ng pintuan. Nagulat ako nang pinagbuksan nya ako ng pinto at hinawakan sa kamay.

Naglakad kami papasok na hila-hila nya ang kamay ko, maraming napapatingin sa amin pero para syang deadma na walang pakialam.

"good afternoon Master Fred" bati ng lalaking nakatayo sa tabi ng elevator.

Hindi sya pinansin ni Sungit, hinila nya ako papasok ng elevator at may pinindot sya roon na syang dahilan ng pagsara nito.

Pagbukas nito ay bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Manang na syang bumati sa aming dalawa.

"Master Fred" nakangiti sya at biglang nawala nang makita ako. "Maam?" at ngumiti ulit, siguro ay kinikilala nya muna ako. "kayo ho pala" nahihiya nyang sabi.

"manang maghanda na ho kayo ng pagkain" sabi nya habang patuloy parin ang paghila sa akin na hindi ko alam bakit parang ayaw nya akong bitawan.

Pumasok kami sa alam ko at natatandaan ko na library nya, "seat down!" utos nya na mabilis ko nang sinunod.

Umupo sya sa swivel chair nya at sumandal minahase nya ang kanyang ulo at tsaka ako tinitigan.

"dito ka muna turira hanggang kaya mo nang bumalik sa inyo" nangunot ang noo ko dahil bigla nalang ito bumait.

Napatingin ako sa kanya at napailing, kawawa naman si sungit gwapo na sana may bipolar ngalang.

"nakakahiya naman sayo, maghahanap nalang ako nang trabaho para nakaalis ako agad dito" yumuko ako at napaisip.

Napatawa sya na dahilan para mapatingin ako sa kanya. "ano naman ang naisip mong trabaho?" tanong nya.

Kumatok at pumasok si Manang, pareho kaming napalingon. "Master Fred handa na po ang pagkain" sabi nya at mahinang isinara ang pintuan.

"so ano nang trabaho?" tanong nya ulit na syang kinainis ko na. Chismoso!

"basta, basta maghahanap ako!" inis kong sabi.

"ikaw ang bahala" sabi nya at tumayo na.

sinundan ko sya kahit hindi nya ako sinabihan, umupo sya sa at napatingin sa pagkaing nakahanda na sa harapan nya.

"hindi ka kakain?" taas kilay nya akong tinanong.

Napatingin lang ako sa kanya, inis ko syang tinitigan at sa isipan ko minumura ko na sya.

"ang yabang mo, gwapo ka pero wala kang abs! Wala!" sigaw ko sa isipan ko at matama syang tinitigan ng masama.

Napatawa sya at napailing, tumayo sya at tinaas ang damit nya sa harapan ko. Nakita ko ang maganda nyang katawan na may tamang laki at kurba ng mga maliliit na pandesal. Hmmp! Yummy!

Napakagat ako ng ibabang labi ko at napaestatwa.

Napatawa sya ng malakas na nagpukaw sa aking pagkatameme.

"so ano ngayon kong may abs ka?" mataray kong sabi at napahalukipkip ng mga braso ko. "halata namang bakla ka!" sabi ko sa isipan ko at tatalikod na sana ngunit nahablot nya ang mga kamay ko at biglang hinawakan ang magkabilaang pisngi ko at hinalikan, halos hindi ako makahinga sa mga halik nya. Napatameme lang ako at hindi alam ang magiging reaksyon.

"Tangina! first kiss ko yun ahh!" nangunot ang noo ko sa ginawa nyang paghalik sa akin.

"bakla pala ha?" sabi nya at bumalik na sa pagkakaupo nya at nagpatuloy nang kumain.

Elite 1: Mr. SupladoWhere stories live. Discover now