CHAPTER 36

15.6K 411 2
                                    

SALAMAT sa ng nag-aabang nitong kwento ni Fred at Mika!

CHAPTER 36

Kumain kami sa labas kahit galit si Moo sa ginawang pagyakap ni Miller sa akin. Napatawa sina Klitz at Alex habang kabadong nagpapaliawanag si Miller sa kanya.

"Rich Guy, nadala lang ako! Promise!" paliwanag nya.

"ulitin mong hawakan sya ulit Miller mawawalan ka ng career!" galit syang binalaan ni Moo. Nagtago ako sa likuran ni Moo at bumelat kay Miller na kinatawa ng nina Alex at Klitz.

Sa akin naman ay wala lang yun, naiintindihan kong masaya si Miller sa ginawa ko at yun ang naging reaksiyon nya.

Alam kong alam ni Moo na wala lang yun but he's possessive and you cant blame him for acting weird after that hug!

Pagdating sa bahay, napansin ko ang ilang maleta na nasa salas. Napatingin ako kay Klitz at napangiti lang sya.

Masaya kong tinanong si Moo kung sa bahay nya titira si Klitz. Tumango sya at tinuro ang kwarto ko.

"sa atin titira dahil yun ang hiningi kong kapalit kina Tito at Tita para dito sya makaaral" bulong nya habang naka yakap sa akin.

Masaya akong tumango. "go Klitz, you can use my room" nagwink ako sa kanya.

Lumabas si Manang galing sa kwarto ko bitbit ang mga kobre kama ko at kumot. Pinalitan nya siguro kahit kakapalit lang namin noong isang araw dahil kulay pink ang mga ito.

"san ako matutulog?" bulong ko kay Moo.

Napangiti sya at yumuko para sagutin ako, "sa kwarto ka muna pansamantala, ipapaayos ko yung isang guest room para maging kwarto mo" sabi nya na kina iling ko kaagad.

"sayo nalang ako tatabi, tutal nasilipan naman kita ng ilang besis kaya wala kanang maitatago sa akin" nagwink ako na kinakunot ng noo nya, nilingon ko sya ulit at ng peace sign, maniwalang kang Joke, pero totoo yun kung tulog ka.

Napailing sya at napahawak sa kamay ko, hinila nya ito bigla at napayakap ako sa kanya, "i know how you throw jokes Moo, and that one is not funny!" matama nya akong tinitigan, napatawa ako at niyakap sya.

"mapapasaakin din naman kasi yan kaya okay lang kung nauna ko na syang binisita" natatawa kong sabi.

Madiin nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "im serious!" inis nyang sabi.

"totoo nga, nastress nga ako kasi tama pala yung sabi ni Min para nga talagang talong yung ---" ngumuso ako pababa nya.

Uminat ako ng kamay pataas, "pagod na ako Moo, mauna na ako ha?" mabilis akong umakyat at naiwan syang nakanganga sa sinabi ko.

Humalakhak ako at nilingon sya, "mean joke! Funny pala sya Moo" nagwink ako sa kanya na kinasingkit lalo ng mga mata nya.

Napadapo ang mga mata ko kay Klitz, na natatawa sa aming dalawa ni Moo.

"naughty girl!" sabi nya sabay turo sa akin.

Buong gabi akong hindi pinansin ni Moo. Sineryoso nya yung sinabi kong jokes. Hindi yun totoo, kwento lang yun sa akin ni Min nong huling tawag nya.

Sinubukan kong kulitin sya sa library nya, umupo ako sa kandungan nya at nagtanong-tanong tungkol sa mga ginagawa nya pero nagulat ako dahil ni isang tanong ko hindi nya talaga sinasagot .

Inis akong naunang umalis sa library kahit sana maglalambing pa ako sa kanya. Nauna ako sa kwarto at nahiga na.

"bwesit na yun, masakit pa naman ang paa ko" inis kong bulong.

Elite 1: Mr. SupladoWhere stories live. Discover now