CHAPTER 26

14.4K 391 1
                                    

AdrbleNakiXOXO and @majic_girl... i miss you guys... hahahaha... see u around the campus...

CHAPTER 26

Maaga akong nagising pero wala akong ganang gumalaw, binabad ko sa tubig ang sarili ko para matauhan ako at mawala ang katamaran ko.

MIN:

Lets talk later about Tom. Ginaganahan ako!

Napangiti ako sa text ni Min. Sabagay, mabuti naman at nadivert na ang problema nya kay Tom.

Hinarap ko ang walk in closet ko at kinuha ko ang isang damit at isang skirt tsaka pumunta sa gilid para suotin ito.

"Maam Mika, nakahanda na po ang almusal" pumasok si Manang at kinuha ang mga madumi kong damit sa tray.

"okay lang po ba manang?" inayos ko ang sarili ko at pinakita kay manang ang bagong damit. Ngumiti sya at tumango. Isang chiffon cloth na long sleeve at isang puting skirt.

"bagay po maam, mas bagay kayo sa mga ganyang damit dahil nagmumuka po kayong dalaga at sosyal" masaya nyang sabi na kinanguso ko naman.

"bakit po yung mga dati ko bang sinusuot hindi bagay sa akin?" ngumuso ako sa kanya.

"hindi naman po, naninibago lang siguro po ako" nakangiti nyang sabi bago umalis.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at inayos ang mukha ko, tinuruan ako ni ate maglagay ng make-up noon, kaya kahit papano ay marunong ako ng kaunti maglagay. Kaunti sa kilay, blush on at lip gloss lang, mapula na ang labi ko kaya no need to put lip stick.

Dala ang binder ko, inihanda ko ang sarili ko sa paglabas ng kwarto. Dahil alam kong nasa mesa na si Moo tulad ng nakasanayan tuwing umaga, lumabas ako ng kwarto na binabasa ang gawa reminder ng teacher ko last meeting namin.

Nilapag ko ang binder sa mesa at ang bag ko. Umupo ako at kumuha agad ng pagkain, kumakain ako na nasa plato ko ang mga mata ko. Pansin ko ang mga titig nya sa gilid ng mga mata ko pero hindi ko parin sya pinapansin.

Napatingin ako sa relos ko at inayos ang sarili bago ako tumayo.

"maaga pa, aalis kana?" tanong ni Manang pagkalapag nya ng sopas.

"exam ko po kasi ngayon manang" nakangiti kong sabi. "manang huwag nyo nalang po muna ayusin yung study table ko, ako nalang po mamaya pagdating ko" ngumiti ako at tumango naman sya.

Hinarap ko si Moo, medyo nagulat ako dahil tumayo sya at nakangiti. Kadalasan kasi hinahatid nya ako hanggang elevator o hanggang baba, alam kong gagawin nya iyon ngayon.

"alis na ako" tipid akong ngumiti at naunang naglakad. Nakasunod sya sa likuran ko pero mas binilisan ko pa. Pagbukas ng elevator, nilingon ko sya at at tamad na ngumiti sa kanya.

Alam kong nagtataka na sya sa inaasal ko, kahit sino gagawin to kung sa kanila ginawa ang ginawa nya sa akin. Napailing ako lalo na't pagnagtatampo ako, mahirap akong suyuin.

Pagdating ng school, nakaabang na si Min sa akin sa main door ng corridor. Nakangiti at parang blooming narin.

"Tom sanity?" umiling ako sa paglapad ng ngiti nya.

"i cant believe his back!" excited nyang sabi.

"so what kung bumalik sya?" nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"so what kung blooming ka ngayon at babae? Isn't it Tom sanity?" kinikilig nyang tanong.

Kumaway ako sa harapan nya at ngumuso. "im taken, isn't it obvious?" umirap ako at kinilig pa sya lalo.

Elite 1: Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon