CHAPTER 9

16.8K 419 1
                                    

CHAPTER 9

MIKA

"favorite subject ko na ngayon ang English Min" kinikilig kong sabi.

"gaga, kaklase mo lang si Crush eh, favorite mo na agad ang english? Ang boring kaya ng professor natin" nakanguso nyang sabi.

"alam mo yun Min" hinawakan ko ang magkabilang balikat nya. "maybe were meant to be, diba?" pumalakpak ako at ngumiting nakapikit, dininig ang mga panalangin ko noong summer.

Pumalakpak din sya at napailing. "enough of your craziness Mik" mataray nyang sabi. "alam mo bang bumagsak sya sa entrance exam ng UI kaya nandito sya. He's frustrated that he was not able to part of his dream team? Tapos ikaw nagsasaya dyan? Where's your conscience?" naglahad sya ng kamay sa akin.

Napanguso ako, "oo na, ito na magluluksa na ako" sabi ko na kinailing nya lalo.

Kung hindi sya nakapasa sa entrance exam ibig sabihin hindi sya matalino? Napakagat ako ng ibabang labi ko at pinigilan ang sariling kiligin. "baka nakatadhana talaga kami na dito mag-aral pareho para magrant ang wish kong maging boyfriend sya?"

Napatitig sa akin si Min, "ano na naman yang ngiting yan?" inis nyang tanong.

Ngumuso ako at umiling. "she's not alien like Sungit so she cant read my mind" bulong ng isipan ko.

Nasa canteen kami ngayon. Namangha ako sa ganda at lapad nito. Maraming mga mesa at halos kasya ang lahat dito. Mahaba at marami ang pagpipiliang pagkain. Meron ding mga stall na nagdidisplay tulad ng zagu, waffle time, greenwhich, Belgian waffles, master siomai at kung ano pang mga nakikita sa mall.

Nakahanap kami ng bakanteng mesa sa gilid ni Min.

"Anong sayo Mik, ako nalang ang bibili" nakangiti nyang sabi.

Binuksan ko ang bag ko at buhat kaninang umaga pa hindi ko nasilip kong ano ang laman ng binigay ni Sungit sa akin. Sa loob ng bag ko itong rectangular leather wallet nyang binigay kanina binuksan, napangiti ako nang makita ang dalawang card, credit card at isa pang card na hindi ko na sinilip pa. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakabundle na pera sa wallet ko.

Napaisip ako bakit ang bait nya sa akin?

Nagulat ako nang hinampas ni Min ang mesa. "tulala ka na naman! Ano na?"

Mabilis akong bumunot ng isang pirasong papel na pera, isang libon iyon at inabot sa kanya. Siomai nalang at gulaman.

Tumango sya at umalis na.

Tinext ko si Sungit.

Ako:

San mo ninakaw itong pera na nilagay mo sa bag ko? Frame-up to noh?

Binalik ko na ang phone kong mumurahin sa bag ko, mahirap nang may makakita at sabihin pa nilang pobre ako.

Paglapag ni Min sa parehong order namin na pagakain, inuna ko kaagad ang pag-inom ng gulaman habnag nag-lalaro parin sa isipan ko ang wallet na nasa loob ng bag ko.

Nagvibrate ang phone ko at sekreto ko itong sinilip sa loob ng bag ko.

SUNGIT:

Nakalista yan sa utang mo kaya better save your money.

Napatawa ako bigla na kinagulat ni Min.

"ano na naman yang tawa mo MIkaila?" inis nyang tanong.

Napatitig ako sa kanya, maganda na sana itong babaeng ito kung hindi lang manang manamit at makapal ang suot nyang salamin. Pero di ka, matalino sya at mayaman. Mas mayaman pa sa amin.

Elite 1: Mr. SupladoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang