CHAPTER 47

14.5K 359 5
                                    

CHAPTER 47

Natapos ang defense ko ng maayos, nakaupo ako ngayon sa isang bench at hinihintay si Moo, nagtext syang dadaanan nya ako at kakain kami sa labas ngayon for celebration.

Napadpada ang mga mata ko sa mga folders ko na ginamit kanina sa presentation, napangiti ako at napailing. Naalala ko ang surpresang nabasa ko kanina sa edited papers ko.

Source of Fund: Sy-Han Group of Companies

Relation: Mr. Seigfred 'Shin' Sy-Han, CEO Han's Mall and Super Market, Husband

Nabigla ang lahat ng panel members ko nang pinakita ko ang isang page ng slide na may ganong sulat. Kahit ako rin ay halos napaawang ang bibig sa nakita ko. Hindi yan ang sinulat ko doon. I put my fathers's name their as my Source of Fund, pero biglang nagbago.

Ang isang panel member ko ay natawa pa dahil masyado daw matayog ang pangarap ko na pati raw si Siegfred ay sinali ko pa sa papel ko. Gusto ko sanang sabihin na were engaged and yes, were planning to get married soon but i failed to do so.

Napatawa ako at kunindatan ang Prof kong yon at sinabing "malay mo maam magkatotoo diba?" natawa sila sa sinabi ko.

"hindi malayong mangyari yan Ms. Chong, your both Chinese, right?" tanong nya na kinatango ko naman agad.

Pumara ang ang SUV ni Boo sa harapan ko, mabilis syang bumaba at tinulungan akong maipasok ang mga gamit ko sa likuran, pinagbuksan nya ako ng pintuan sa front seat.

"san tay--?" tanong ko kaagad pagkaupo nya.

Mabilis nyang hinigit ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi, "i miss you" at paulit-ulit akong hinalikan sa labi.

" i miss you too, thank you sa help mo" sabi ko habang magkadikit pa ang mga ilong namin. Nakakadik ang bango nya at ang hininga nyang parang may binaon na bomba ng menthol sa lalamunan nya. "thank you din for funding my resort, husband?" natatawa kong sabi na kinatawa nya.

"pinalitan mo ang source of fund ko. Buti nalang nakalusot ang biro ko sa kanila" sabi ko na kinanuot ng noo nya.

"ayaw nilang maniwala na magkakatuluyan tayo Moo, ambisyusa raw ako" sabi ko. Natawa sya at hinalikan ako sa labi. Namumuro kana sa halik Moo halata ko lang, adik ka ba?

"hayaan mo na yan ang importante, totoo" sabi nya at kinindatan pa ako. Napangiti ako, sa loob ko kinikilig na ako.

Kumain kami sa reaturant ni Ate Seina, the same time bibisitahin narin namin ang bagong membro ng pamilya, si Tyrone. Excited akong makita ang baby nya ni Ate lalo na't matagal nilang inantay na magkababy sila.

Pagdating palang sa restaurant, halos gusto ko nang tumakbo papunta sa office ni Ate, pagkabukas ni Moo ng pintuan dinig ko kaagad ang iyak ng pamangkin ni Moo.

Gusto kong magdiwang nang tinawag ako ni Ate at pinalapit sa anak nya. Sabay kaming lumapit ni Moo, binati nya ang kapatid nito at niyakap, ako naman ay nasa baby lang ang mga mata ko. Halos tumulo ang mga luha ko sa sobrang cute nya.

"ikaw Mika, when do you plan to give Tyrone a playmate?" nakangiti nyang tanong sa akin.

"ahh--"

"after her studies ate" si Moo ang naunang sumagot.

"okay din naman shin if ngayon na para mas mahaba ang time nyong maenjoy ang mga anak nyo" sabi ni Ate pero agad na umiling si Moo.

Napanguso ako sa mga sagot nya, bakit kaya ayaw nya pang magkaanak kami?

May kumatok sa pintuan na kinalingon naming tatlo, "maam nasa line po si Sir" sabi ng tauhan nya. Tumango si Ate at sinagot agad ang tawag ni Kuya Erwin na asawa nya.

Elite 1: Mr. SupladoWhere stories live. Discover now