CHAPTER 11

17.4K 444 5
                                    

CHAPTER 11

MIKA

Hindi nagtagal ang pagkikita namin ni Kuya, sinabi nyang nagtutulungan sila ni Papa ngayon para maisalba ang kompanya namin, humingii raw ng tulong at naghahanap si Papa ng bagong investor sa Macau para hindi tuluyang maisara ang mga hotel namin.

Pagbalik ng penthouse ni Sungit, dumiretso ako sa kwarto para umiyak. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nagyayari sa amin ngayon. Dahil sa paglalayas ko siguro ay karma kami sa kahihiyang nagawa ng  pamilya ko sa pamilya ng matandang pangit na yun.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak, paggising ko nasa ibang kwarto na ako, dahan-dahan akong bumangon at napakusot ng mga mata. Napalingon ako at nakita si Sungit na nakatalikod, tahimik itong natutulog at yakap ang isang unan nya.

Sinikap kong tumayo at hindi makagawa ng ingay para hindi sya magising. Nagugutom ako at gusto kong kumain ngayon pero ayaw ko nang may maistorbo ako lalo na't hating gabi na at tulog na siya.

Tahimik akong kumain mag-isa, pagkatapos tumambay muna ako sa salas at nagmuni-muni. Matagal akong nakaupo sa sofa at inalala ang mga masasaya naming mga nakaraan ng pamilya ko. Ang mga bakasyon namin at mga salo-salo sa bahay, family events and parties ang Macau, ang bahay at ang kwarto ko.

Habang yakap ko ang tuhod ko, hinahayaan ko nalang na tumulo ang mga luha ko habang patuloy kong iniisip ang mga masasayang nakaraan namin ng family ko, bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko na syang dahilan nang pag-angat ko ng ulo ko.

Antok na mukha ni Sungit ang nakaabang sa akin, nakangiti sya at nakipagtitigan sa akin. Sumandal sya sa sofa at inangat rin ang kanyang mga paa tulad ng posisyon ko.

"not yet done blaming yourself?" antok nyang tanong sabay hikab at pag-unat ng mga kamay.

Umiling ako at napailig sa isang bahagi ng braso habang nakaharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang tangos ng ilong nya at ang ganda ng kutis ng mukha nya. Ang mga chinito nyang mga mata na syang nagpapaangas ng aura nya.

"losing is part of the game, without losing you cant think for a strategy and create for  another game plan" aniya ni Sungit habang nasa kisame ang mga mata nya.

"madali lang sabihin sayo kasi wala ka sa kalagayan ko" - ako.

"kaya nga nilagay kita sa kalagayan ko para hindi ka mahirapan" seryoso nyang sabi.

Umiling ako at napayuko ulit. "tinutulungan mo ba ako dahil naaawa ka sa akin o dahil kaibigan ni Kuya?"

Nakarinig ako ng mga tawa nya, pipikit na sana ako ulit nang bigla nya akong hinila palapit sa kanya, napasobsob ako sa dibdid nya nang niyakap ako ng isang braso nya. "tinutulungan kita kasi gusto kong tulungan ka at kailangang tulungan kita" sabi nya.

Umangat ako ng tingin sa kanya na syang dahilan ng pagtitigan naming dalawa. Imbes na magsalita pa sya ay napatawa sya at tinakpan nya ng palad nya ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

"halika na nga, tulog na tayo!" sabi nya at hinila ako patayo.

Bumitiw ako sa pagkahawak nya sa kamay ko, "sa kwarto ko nalang ako matutulog" sabi ko at tumalikod na pero di paman ako nakakalayo ay nahigit nya na ang isang braso ko at hinila paakyat ng hagdan.

"walang aircon ang kwarto mo, mainit doon, sa akin kana lang muna matulog hindi kita guguluhin!" sumabay ako sa paghila nya kahit hindi ko alam bakit ba pagdating sa lahat ng mga sinasabi nya para akong robot na sumusunod nalang bigla kahit may parte sa akin ang umaayaw.

Natulog kaming may dalawang unan sa pagitan namin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, pinilit ko agad ang sarili kong matulog kahit alam kong gising pa siya at pinagmamasdan ako.

Elite 1: Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon