CHAPTER 25

13.9K 377 0
                                    

Sasusunod na ang mga pictures ha? hina ng net, pasensya na... :)


CHAPTER 25

"Tom?" boses ni Min ang narinig ko. Nang tingnan ko ang kayakap ko, namilog ang mga mata ko, si Tom nga. Si Tom Arkins!

"thank you for helping her" dinig kong boses ngunit hindi ko na nakita kung sino yun, nagkatitig lang ako kay Tom at ganun din sya.

"come on Mik, thank you again!" napatingin ako sa humila sa akin, si Klitz at Alex. Nakabalot ako sa mga braso ni Klitz at si Alex naman ang nakasunod sa amin.

Nilingon ko ulit si Tom, nakatayo parin sya don at napatitig din sa akin.

Pinaupo ako ni Klitz sa sofa at tinabunan nya ng suot nyang leather jacket ang legs ko at kung ano ang kinakalikot sa phone nya.

Nilingon ko si Min na kausap si Tom, pero agad ding umalis si Tom at naiwan si Min doon.

Napadako ang mga mata ko sa mesa at may naiwan pang bote ng beer doon na hindi pa nabawasan, mabilis ko itong kinuha at ininom na syang kinagulat ni Klitz at Alex.

"Mik, stop it!" mabilis na inagaw ni Alex sa akin ang bote at inilayo.

"your drunk!" si Klitz.

Umiling ako at pinunasan ng kamay ko ang bibig ko. "sayaw tayo Klitz?" nakangiti ko syang niyaya na sya namang kinailing nya agad at kinangiti.

"you'll surely be dead later" sabi nya habang nakangiting napapailing.

Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa loob ng tiyan ko na syang dahilan para mapaluwal ako. Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko at tumayo, inalalayan ako nina Alex at Klitz palabas ng bar at pinalapit sa basurahan.

"Shit!" sigaw ni Klitz nang napaluwal ako at lumabas ang mga nainom ko.

"Mik hao le ma?" (are you okay) ramdam ko ang paghagod nya ng likod ko.

"ito!" napatingin ako sa gilid at nakita si Miller na may inabot na tubig at tissue.

"yan xu (push it) Mik, ipalabas mo yan" si Min.

Napatayo ako at kinuha ang tissue na inaabot ni Miller sa akin. Nagpunas ako at napangiti sa kanilang apat na nasa aharapan ko.

"sorry" tipid kong sabi.

Nakita ko ang pag-aalala nila sa akin, nahihiya ako dahil unang besis namin itong lumabas tapos ito pa ang nangyari sa akin. Im a big mess.

"what happened to her?" napaangat ako ng tingin kay Moo na nag-aalala. "are you okay?" nilapitan nya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi. Tumango ako at ngingiti na sana kaso...

"is she okay?" lumitaw si Jean sa likuran ni Moo.

Pinigilan ko ang mga luha kong dumaloy dahil ayaw kong magmukhang loser sa harapan nilang lahat. Tumango ako at ngumiti.nagtaas ako ng kamay at nagthumb -up.

"balik lang ako, ihahatid ko lang si Jean" si Moo.

"im okay Fred, i can go home all by myself. Mika needs you here" si Jean.

Umiling si Fred at may binulong kay Klitz, tumango si Klitz at tipid na ngumiti sa akin. "see you at home" ginulo nya ang buhok ko at ngumiti bago tumalikod kasama si Jean.

Nagtinginan silang tatlo at napailing.

"shit!" napailing at napasabunot si Alex ng buhok bago ako nilingon. Iba ang nababasa ko sa mga mata nya. Iba din ang nakikita ko sa mukha nya, para syang disappointed at naaawa sa akin.

Elite 1: Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon