CHAPTER 60

15.4K 411 22
                                    

malapit na guys! kunti nalang, matatapos na ito... salamat sa lahat ng suporta ninyo! :)

CHAPTER 60

Buong gabi akong umiyak, sa harapan ni Moo umiyak ako. Nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ginawa ko kay Alex. Buong tawag ko nakatitig lang si moo sa akin at alam kong may mga namumuo nang desisyon sa isipan nya pero hindi ako papayag na sya ang gagawa ng desisyon, ako ang dapat lumayo. Ako lang at wala nang iba.

Pagkatapos ng gabing iyon. Umiwas na ako sa kanya, nagkakasalubong kami minsan pero pinipilit kong hindi sya pansinin. Ito ang nararapat kong gawin, im married and entertaining his feelings for me is a sin.

Ayaw kong isipin ni Moo that im taking advantage of the situation, ayaw kong pareho silang paiikutin ko sa mga palad ko, im not that kind of a girl. I respect him as my husband.

After ng work-ex ko, hiningi ko kay Moo na sa Macao na muna ako hanggang matapos nila ni Miller ang feasibility project nila. Pumayag sya pero isang buwan lang ang binigay nya, ayaw nyang maapektuhan ang barkada dahil lang umiiwas ako kay Alex.

Nasa Airport ako ngayon at pauwi na ng Pilipinas. Nasa pre-departure na ako at naghihintay ng eroplano.

Tumunog ang phone ko, feeds ang mga lumabas.

Napangiti ako nang makita ang post ni Alex, "on the way to fetch u friend @ShinGuard!" isang eroplanong papel ang nasa larawan. Napangiti ako, may dalawang buwan narin ang nakalipas after that night, sana okay na ang lahat.

Sabi ni Moo, hinayaan nyang bugbugin sya ni Alex sa loob ng boxing ring sa bahay namin. Solusyon raw yun para makamove on si Alex sa akin, nagalit raw kasi ito nong nakita ang singsing sa kamay ko na kapareho sa singsing nya.

"sana okay na, ayoko nang mastress pa." umiling ako at napapikit.

Tumunog ulit ang phone ko at feeds na naman ulit ang nakita ko, mga comments sa post ni Alex.

'pwede wag isama si @MillerBOi, @ALexKovdER?' si Camilla. I miss this bebang. Hindi parin sya nakakamove on kay Miller thing!

'ikaw @Clamzy ang hindi dapat isama kasi pabigat lang yang nalunok mong pakwan!' si Miller

Napatawa ako sa dalawang ito, sana kong mabuntis man ako hindi si Miller ang mapaglihian ko, naaawa na ako sa kanya.

'duh! at least ako pakwan sayo? Anong tawag mo dyan sa mga inipit mong longanisa sa tiyan mo? Hahaha' si Cam.

Ang sabi ni Moo ibang-iba naraw si Miller, tumaba at gumanda ang katawan. Alagang gym raw kasi ito ngayon.

'hahahaha @Clamzy, longanisa? Fuck! Abs to, wala nito si @Klitzni Cam!' sagot ni Miller.

Natatawa ako sa dalawang ito, ganito sila magbangayan sa chat, ano nalang kaya sa personal? Na excite na tuloy akong umuwi, pakiramdam ko, i missed a lot of pages dahil sa work-ex ko.

Sobrang tatlong buwan rin akong nawala sa kanila, siguro hindi ko na mahahabol pa ang mga bonding nila.

'now i know bakit ayaw na ni @ShinGuarded magpost, nagiging chatbox pala ang account natin dahil sa dalawang ito' si Alex.

'@ALexKovdER, yup!' si Moo.

Napangiti ako, naexcite tuloy akong umuwi na.

Paglapag ng eroplano, nakangiti akong lumabas agad papuntang arrival. Luminga ako at hinanap sila.

 Luminga ako at hinanap sila

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
Elite 1: Mr. SupladoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora