CHAPTER 45

14.5K 429 3
                                    

Para sa mga nag-aabang ng update,  ito po muna. :) salamat po sa suporta.... 

CHAPTER 45

Naging masaya ang section namin sa pagsponsor "The Elites" sa concert namin, yan ang pinangalan nila sa grupo nila. Ayaw kasi nilang mabulgar na sila ang nagfund kasi baka ako raw ang kawawa.

Sa gabi ng concert, naging busy ang lahat. Instead na magpaticket naging free nalang ito at sinabay namin sa foundation week ng University.

Halos mapuno ang oval sa dami ng nanood.

"Mik, samahan ko lang ang mga kaibigan ko bumili ng maiinom" si Irah. Tumango ako at napangiti, kasama nya si Snow white ni Klitz.

Nagsimula na ang concert at puro hiyawan ang naririnig ko. Kasama ko ang mga kaklase at hindi ako pwedeng umalis dito sa gilid ng stage para incase na magkaproblema, hindi na madelay ang lahat para sa hanapan ng tao.

MOO:

Just text me if u need anyrhing! Nasa likod lang kami at nakatambay.

Napangiti ako, my super caring and loving fiancee. Nagtipa ako ng reply na okay lang ako.

"Mik, sabi ni Prof. Sanchez magprepare raw tayo ng tatlong intermission number para makapagpahinga ang sila" si Ruth.

Nagulat ako sa sinabi niya, ang naprepare namin ay dalawa lang, sasayaw ang street dancers at kakanta ang isa sa mga school band.

"paano yan dalawa lang naprepare natin?" - ako.

Napangiti si Gail sa tabi ko, may binulong sya kay Paw at Yam na kinailing agad ng dalawa, "hindi ko kaya, baha yan teh oh!" si Paw.

"bakit may naisip kayo?" - ako

"sabi ni Gil, ipresent raw natin yung ginawa nating music video, nakakahiya kaya!" si Yam.

Napangiti ako, tama yun ang pangatlo. Hindi naman cheap yung music video kasi nanalo sa batch namin. Napatingin ako kay Gail, "dala mo?" tanong ko.

Tumango sya, "mas maganda siguro kung tayo talaga ang kakanta" sabi nya.

"naku Gailor Sy, kung ano-ano nayang pumapasok sa isipan mo. Dilekado na yan teh, pacheck-up kana" si Paw.

"bakit ba, maganda naman mga boses natin ah?" si Gail.

"yun na, kakanta tayo!" - ako. "for the sake of grades!" pahabol ko.

Pumalakpak si gail habang si Paw naman ay malungkot. Nahihiya kasi sya.

Naghanda kami ng maayos, nagpractice sa backstage para hindi mapahiya ng kaunti kahit fresh pa yung memory namin sa ginawa naming yun.

Maingay sa labas, nag-eenjoy ang mga tao lalo na't may naisip pang palaro ang mga kaklase ko para hindi boring. Nagparaffle sila, may mga prizes kaming hinanda at special prizes pa tulad ng free picture with the whole members of the band, CD and fan sign.

Ang tanging basehan lang ay ang ID number nila kasi nagrequired kami ng ID as entrance nila para mapriority ang mga IU students.

"kayo na ang next Mik" si Ruth, sya kasi ang assigned sa flow ng concert, sila ni Jeff.

Pinakita ang music video naming ginawa, ung una nabalot ako ng takot lalo na't walang kaalam-alam si Moo sa ginawang pagshooting para dito. Ang sabi ko lang ay project pero hindi nya alam na may shooting at may mga scene pa akong hindi ko alam kong maayos ang kuha o pangit ako,

Naghiyawan ang mga tao, napalunok ako sa kaba dahil unang besis ko itong kakanta sa harap ng maraming tao, hindi lang marami dahil sa harapa mismo ng buong school. Kung mapapahiya man ako tonight, next semester maglilipat na ako ng school.

Elite 1: Mr. SupladoWhere stories live. Discover now