Chapter 1

27.3K 216 14
                                    

Ara's POV

"Ate Kim, nakita mo ba ang phone ko? May lakad kasi kami ni Ria, baka nagtetext na 'yon." kung kelan ako may lakad saka pa nakikipaglaro sakin ang phone ko.

"Aba malay ko! bahay mo to, ba't sakin mo hahanapin phone mo?" irap niya sakin.

It's Sunday, kaya may lakad kami ng girlfriend ko. Sunday na lang kami nagkikita ngayon kasi yun lang ang day off nya and yun lang din ang araw na walang training ang RP-WVT. 

Ria and I have been going steady for a while now. A year and a half. I love Ria, she's everything anyone could ask for. Perfect. Just perfect. Tinanggap nya ako at tinulungan at my worst. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal na ibinigay ko para sa taong nanakit sa'kin 8 years ago...

Napukaw ang atensyon ko sa pagtapik sakin ni ate Kim, "hoy! bat natulala ka dyan? eto na phone mo, nakita ko sa kitchen. nga pala, pwedeng matulog si Mela dito mamaya?" simula kasi nang maipatayo ko itong bahay ko, ito na ang naging meeting place ng teammates ko, nakikitulog ang iba pa minsan minsan. ok lang naman kasi mag isa lang ako dito.

"may naalala lang kasi ako... ah, si FO ba? pwedeng pwede. di ba sabi ko naman sa'yo, ituring mo na ding bahay ito. di mo na kailangang magpaalam." sagot ko.

"andrama mo ha? Naaalala mo pa rin ba sya?" nasa poolside kami ngayon ni ate kim, umiinom ng kape. at nagtext din pala si Ria na hindi kami matutuloy ngayon kasi may emergency meeting daw sila ng boss nya.

" 8 years ate kim, everybody has moved on. i've moved on. sobrang random lang talaga na naisip ko siya bigla." kinalahati ko na ang iniinom kong kape at nagsindi ng Marlboro red. 

Yes, i've been smoking simula ng iwan niya ako. Smoke has been my anti-depressant eversince. buti nga lang at nakakaya naman ng kantawan ko kahit puspusan ang training.

"really, Vic? have you? paano pag one day, magkita kayo ulit? willing ka na bang makipag friends sa kanya? nawala na ba talaga lahat ng galit diyan?" sabay turo sa puso ko.

Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.

capt. rachel calling...

"good morning captain. what's up?"

"hey, vic! morning. nothing much, but. we have to go to coach ramil's place now, urgent daw. may announcement, sigurado akong nandiyan si kimmy kaya sayo nako tumawag. pakisabi na lang please. at mag ayos na kayo diyan. that's an order!" at nag hang up na siya. bigla naman akong nagka goosebumps.

"oy, ano daw? bat nagsisitayuan yang mga balahibo mo? yosi mo ubos na, di ka man lang naka sip!" nakahiligan na talagang manggulat nito ni ate Kim.

"ewan ko ba ate. i have a bad feeling about this. tara, mag ayos na tayo. pinapatawag daw tayo ni coach ramil." sabi ko saka tumayo na.

-----

"good morning bomberinas. ayoko ng magpa ligoy2 pa. your teammate here, sue (roces), has to go on a vacation with her family. i can't say no, kasi pamilya nya ang kumausap sa akin. actually, dapat 2 months ago pa ito, pero hindi pa ako nakahanap ng papalit kay sue. ngayon, meron na, and i'm granting sue's leave... at" Nagsasalita pa man din si Coach pero isa isa ng nagsisagutan ang teammates ko.

"sino naman yun coach? bat biglaan? baka hindi namin feel?" protesta ni Alyssa.

"oo nga coach! baka di naman sya kasing galing ni kuya sue!" singit naman ni motherF.

"aba! kakainin nyo lahat ng sinabi nyo pag nalaman nyo kung sino." sagot ni Coach Ramil.

"coach wag na kasing pabitin.. sino ba yan? baka di ko makasundo?" curious na tanong ko.

"hmmn..." at nginitian lang ako.

"girls, whoever it is, kailangan nating tanggapin para makapag adjust tayo agad, malapit na ang seagames. wag tayong nega, ok? im sure, di sya kukunin ni coach kung makakasama lang sya sa team..." pagpapakalma naman sa amin ni ate Rach.

*ding dong*

"ayan na yata siya..." baling ni Coach sa gate.

Author's POV

Napatayo ang Philippine Bomberinas. Si Coach Ramil na ang bumukas ng pinto. Si Ara naman ay lumabas muna sa backyard para makapag yosi. Kanina pa kasi siya tense na tense.

"girls, meet your new teammate, i'm sure na miss nyo siya inside the court." at iniharap ang babae.

"miss me?!" ngiting ngiti na bati ng babae sa kanila.

"oh my God!!!" napatakip sa kanyang mga labi si Aby.

"you?!" nanlalaki ang mga mata na bulalas ni Dindin.

Si Alyssa naman ay humarap kay coach ramil "how?!"

"bakit ikaw?" napalakas ang boses ni Kim at nadinig naman yun ni Ara, papasok na rin naman kasi siya.

Natigilan sya nang makita kung sino yun. Natulala. Namalayan na din ng teammates nya na nandoon siya. They all stayed like that for a few minutes - longest awkward moment ever. *bakit ikaw pa? di tayo magkakasundo. wait, calm down ara. ok ka na. ok na ang lahat.* akmang tatalikod na sana siya nang...

"vic..."

Napi-feel ng lahat ang tension. Lahat nag iisip ng maaaring sabihin. Hindi alam ni Ara kung lilingunin nya ito o dederetso siya pabalik sa likod. Di rin nya alam kung bakit ganun na lang ang nararamdaman nya. Binasag ni coach ramil ang katahimikan at napaharap na lang si Ara.

"girls, she needs a place to stay in during the duration of the whole season. her family's in the states as we all know, at masyadong malayo na kung uuwi pa sya sa kanila."

"no coach, it's okay... maghahanap na lang ako ng apartment or dorm or..."

"stay with us, Mika." yan na lang ang nasabi ni Ara.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now