Chapter 23

21.6K 164 20
                                    

Ara's POV

It's supposed to be our 11th anniversary today. Kahit wala na kami, nagcecelebrate talaga ako every year on my own. But since nandito na siya, magkasama kami at okay na samin ang lahat, I had to celebrate it with her. I wanted to surprise her kaya kahit alam kong nagtatampo siya, hinayaan ko na muna siya hanggang pumasok na siya sa kwarto namin. Napaisip ako sa sinabi ni Mama about starting over again and learn from my mistakes. So why not start now, right? Why not court her? Hindi ko nagawa yun dati. Gusto kong gawin yun ngayon, para this time, my strong foundation talaga ang relationship namin. I love her, and I want to work hard for everything before I officially win her back. Isa yan sa mga bucket list ko this year. Gusto kong mas maging deserving...

Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng CR. Halos mga 1 hour na akong naghihintay, ang tagal tagal kasi maligo. Tsk. Kahit parang matutunaw na ang icing ng favorite niyang Raspberry Cheesecake naghihintay pa rin ako. Pagpasok niya kasi kanina ay nagpatulong ako agad kina Cienne na i-prepare yung cake at candles. As usual, OA na naman daw ako sa sweetness sabi nila. Pero di bale ng OA basta para kay Mika.

Narinig kong palabas na siya kaya ako tumayo agad para abangan siya...

"Happy 3rd of the month, Daks..."

Hindi ko ngayon mapagtanto ang reaction ni Mika. Tumulo ang luha niya, gusto ko munang ilapag ang cake at yakapin siya pero hindi ko yun ginawa dahil sigurado akong magbe-break down din ako at hindi ko na matutuloy pa ang sasabihin ko. Instead, I closed the distance between us in a single step and wiped her tears away.

"I wasn't able to do this 11 years ago, Mika. Gusto kong gawin ito ngayon..."

Yumuko ako, pinigilan din ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. I sighed first then looked at her straight into her eyes.

"Pwede ba akong manligaw?"

Mika: "Tomsy..."

Nginitian ko siya at nilapit sa kanya ang cake. "Before anything else, blow the candles first.." Buti pala at may exhaust akong pinalagay dito, dahil kung wala mag aamoy kandila itong kwarto namin. Ni-blow naman ni Mika ang candles saka niya ko ni-greet. "Happy 11th anniversary, Tomsy... I love you."

Ara: "I love you too. Gusto mo na bang kainin to?"

Mika: "Bukas na lang? Busog pa ko eh.."

Ara: "Ikaw? Busog? Imposible!"

Mika: "Grabe ka naman.. Busog na talaga 'ko eh.."

Ara: "Sige, ilalagay ko na lang muna to sa ref mo."

Yes. May mini Ref po ang mahal nating si Mika dito sa kwarto niya.

Mika: "Bihis lang ako, Daks..."

Ara: "Sige. Higa na ko.."

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now