Chapter 30

18.1K 122 53
                                    

Ara's POV

Bumaba na kami mula sa stage. Pagbalik namin sa aming mesa ay nakahanda na ang aming dinner. Lahat paborito namin. Grabe naman magsurprise tong si Daks, organized talaga lahat.

Ara: "Thank you..."

Mika: "Mamaya ka na magthank you Tomsy.. Kain ka pa. Ito pa oh."

Ara: "Ako na, Daks.."

Nginitian niya ako ng pinaka matamis niyang ngiti. Fully reaching her eyes.

Pagkatapos naming kumain ay magkahawak kamay kaming naglakad sa gilid ng dagat. Hawak ko sa kabilang kamay ko ang aming mga tsinelas.

Ara: "Hindi ka ba nilalamig, Daks? Buong araw na naka two piece ka lang, sipon ang aabutin mo niyan eh. Dapat nagdala ka kahit sarong man lang."

Mika: "Matibay yata immune system ko Tomsy.. Ako pa! Wait lang."

Kinuha niya ang phone niya sa loob ng kaniyang tote bag at nagsimulang magtext. Malapit na kami sa Discovery Shores, wala ng masyadong tao at wala ng mga bar sa bandang dito. Naupo kami sa buhanginan. Inunan ko ang bag niya at pinahiga ko naman siya sa braso ko. Maya maya pa ay biglang nagsiputukan ang fireworks sa kalangitan.

Ara: "Fireworks! Ang galing. Timing naman!"

Nginitian lang niya ako at ibinalik ang attention niya sa fireworks.. Tiningnan ko ang kanyang mga mata, nagkikislapan ang mga yon, happiness in it, and literally the fireworks' reflection. Tumingin ulit ako sa langit at napangiti na lang din. Tumagal ang fireworks display ng halos mga 15 minutes. Finale na siguro kaya malalaki na ang mga pagsabog nito at sobrang colorful na lahat. Napaupo naman ako nang tatlong magkasunod na fireworks ang sumabog at nakaform na number 8 ang sa gitna, sinundan pa yon ng isa na naka form ng heart, ang kahuli hulihan naman ay tatlo ulit at yung sa gitna nagform ng number 3. I didn't expect this. All part of her surprises...

Naupo siya at nagside hug sa akin. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

Ara: "Daks..."

Mika: "I love you so much, Tomsy.. And I'm really sorry."

Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. Naluha na rin ako.

Ara: "I'm sorry... Sorry, Daks. I don't know. Mahal na mahal kita.."

Mika: "Kalimutan na lang natin ang nangyari, Tomsy.. Hinding hindi na ulit ako magsasalita ng mga masasakit against you. I'm really sorry.."

Ara: "Hindi lang naman yun eh. Sorry din. Feeling ko parang pinabayaan kita at mas pinili ko pang pumunta at mag enjoy dito kesa kausapin ka.."

Mika: "Ako din naman eh. Sana mas nauna kitang kinausap kesa kay Riri. Sumama pa tuloy ang loob mo sakin.." pinahiran ang mga luha niya at sunod namang pinahiran yung sa akin. "Pero tapos na yun diba?"

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now