Chapter 3 - Mika

20.7K 152 12
                                    

Mika's POV

Katatawag lang ni ate kimmy sa kambal, at excited naman ang mga ito. Di ko alam ang mga pangyayari simula ng umalis ako. Oo, umalis ako. At sa pagkakatanda ko, sobrang nasaktan ko si Victonara Galang. Ang pag aakalang kailangan ko lang mahanap ang sarili ko ay umabot na pala ng walong taon...

flashback 8 years ago

Ara: "Anong ginagawa mo baby? Ba't kailangan mong umalis? Kung gusto mo ako na lang. Im sorry baby. Please. I love you so much.." umiiyak na siya at nagpupumilit na mag hug sa akin

 

Mika: "anong ginagawa ko? eh di aalis! yan! yan ang problema ko Vic! masyado kang clingy at nasasakal na ko! sa lahat na lang ng oras nandiyan ka. lahat ng ginagawa ko, kailangan may part ka! masyado ka nang nagiging controlling, Vic! Hindi ko na kaya!" malakas at madiin ang pagkakasabi ko num kaya napabitaw siya sa pagkayakap.

 

Ara: "baby, i only want the best for you... please. pag usapan natin toh. kung gusto mong magbago ako para sayo gagawin ko." hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak

 

Mika: "i don't want what's best for me. all i want is to be happy. Free. Do the things i want nang walang inaalala. I want to be independent. At hindi ko lahat magagawa yon dahil parati kang nandiyan." naiiyak na rin

 

Ara: "bakit Mika, di ba kita napapasaya?"

Mika: "tama na vic. it's not you, it's me. just please, let me go... we both need this."

 

di na nakasagot si Ara. Alam kong alam niyang tama ako. Mahal ko si Ara, mahal na mahal kung yun ang itatanong nyo. Pero, i have to love myself more. Pagdating ng araw, maiintindihan din nya ako at sigurado akong mas mamahalin ko pa siya ng lubos dahil mas magiging buo na ako.

 

Umalis na ako at umuwi na ng Bulacan. Alam ng family ko ang decision kong ito kaya naging supportive naman sila. Pinadala nila ako sa Tita ko sa States at doon na pinagpatuloy ang aking pag aaral. Psychology pa rin ang course ko sa Chicago State University. Marami din naman akong nakilalang pinoy doon, naging good friend naman ako sa kanila pero nandoon pa din ang ' crab mentality '. So, i stayed distant. Naging introvert ako. Naglalaro pa rin naman ako ng volleyball during intrams. Nag graduate ako with flying colors but i did not continue may profession kasi kinuha ako ng volleyball team ng Chicago para maglaro sa mga inter-state division meets.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now