Chapter 27

16.9K 131 18
                                    

Ara's POV

from: Daks

Tomsy, sunduin mo na ko pls. Dito kami sa Shaija malapit lang sa FEU. Naiinis na ko dito kay Ria!

Ano na naman tong problema ni Ria? I'm sure she's talking Mika out into giving her a chance. Di niya siguro itinatak sa isipan niya ang sinabi ko sa kanya kanina. If she wasn't able to understand what I said, ipapaintindi ko sa kanya..

Agad naman akong nagreply kay Mika.

to: Daks

Coming. Hintayin mo ko jan.

"Guys, susunduin ko lang si Mika ha? Kayo na muna bahala kay Cienne. Babalik kami agad dito.."

Umalis ako agad patungo sa Shaija. Tinawagan ko si Gayle along the way na puntahan sila sa restaurant. Whatever their problem is, it should be fixed. Tonight. Awang awa na ko kay Cienne, ilang araw na rin siyang nagkakaganiyan. Pero mamaya ko na sila iisipin pagbalik namin ni Mika dun.

Na-disappoint naman ako pagdating ko sa restaurant kasi nakita kong nagtatawanan pa sila habang nag uusap. Akala ko ba naiinis siya dito? Bat may pa hampas hampas pa siyang nalalaman? Pumasok ako agad at tiningnan ng masama si Ria.

Mika: "Riri, mauna na kami ha? Thanks sa dinner! Bye! Tara na Tomsy.."

Ara: bumulong ako sa kanya. "Mauna ka na sa labas. Sunod ako agad."

Nauna na nga siyang lumabas. Si Ria naman nakayuko lang. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa kaya siya napatingala sa akin.

"When I told you I'm going to claim what is rightfully mine, it meant kasama na roon si Mika. Wag mong kakalimutang akin din siya." mariin kong sabi sa kanya.

Tumayo naman siya at hinarap ako.

Ri: "Talaga? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ka pa niya sinasagot. So what makes you think na pag aari mo siya?" nakataas ang kilay na sagot niya sakin.

Ara: "Why not ask her?"

Kinuom ko ang palad ko.

Ri: "Di dahil mahal ka niya ay sayo na siya."

Ara: "Tara sa labas doon tayo mag usap!"

Lumabas na ako agad at sumunod naman siya. Si Mika naman nasa loob na ng kotse ko at naka earphones pa.

Ri: "Bakit mo ko niyaya dito sa labas? Ayaw mong marinig ng mga tao sa loob kung gaano ka kadesperado?"

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinuntok ko na siya sa mukha. Napaupo naman siya pero agad ding nakatayo at bumawi ng suntok sa akin. Nakailag ako ng konti pero natamaan niya pa rin ako. Sabay naming nahawakan ang kwelyo ng polo ng isa't isa, nakabwelo ako kaya ko siya napasandal sa dingding ng kabilang shop. Pinagtitinginan na kami ng tao pero wala akong pakialam. Kung mapapaaway ako dahil kay Mika, okay lang. Hindi ako nakapag focus agad kaya natamaan ako ng suntok niya malapit sa bibig ko. Binawian ko din siya ng suntok at sapol yon sa kanyang mata kaya napaupo siya at napasandal sa hood ng kotse ko.

"STOP IT!!!"

Susugurin ko pa sana siya pero itinayo siya ni Mika. "Stop it Ara! Now!" Napaatras naman ako pagkasabi nun ni Mika. Napahawak na lang ako sa bibig ko at pinahiran ang dugo galing sa sugat na natamo ko sa suntok niya.

"What are you, guys doing?! Anong problema niyo?!" sigaw sa amin ni Mika na nakatayo sa gitna naming dalawa.

Ara: "Itanong mo diyan sa magaling mong bestfriend!"

Ri: "She started it! Wala akong planong makipagbasag ulo pero nauna niya kong sinuntok!"

Mika: "Ara!! Ano bang nangyayari sayo?! Hindi ka naman ganyan dati ah..." bumaling naman siya kay Ria. "At ikaw naman, ayusin mo yang sarili mo at umuwi ka na!"

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now