Chapter 49

16.1K 144 52
                                    

2 days later

Kim's POV

"OT, tapos ka na ba? Yung tuwalya ko naipasok mo na ba sa bag ko?" sigaw ni Mela mula sa labas ng kwarto namin. Lumabas na ko bitbit ang bag naming dalawa.

"Nandito na lahat. Wala ka na bang nakalimutan?" patong ko ng bag namin sa mesa at kinuha ang phone ko para tawagan si Cienne.

"Wala na. Wait lang CR muna ako." sabay takbo niya papasok ulit sa kwarto namin.

Susunduin namin si Mika ngayon sa apartment niya. Tutal ako lang naman ang nakakaalam kung saan ang apartment ni Mika kaya ako ang inatasan ni Cienne na sunduin siya. Hindi nga niya alam na nagplano bigla si Cienne kahapon na bigyan siya ng despidida eh. Natatawa pa nga ako kahapon kasi praning na praning si Cienne, akala mo naman kung ilang taong mawawala si Mika eh magbabakasyon lang naman.

Hindi na rin namin napagusapan ang status nina Mika at Ara. Wala naman kasi kaming magagawa. Nasa sa kanilang dalawa na ang huling say.

Hindi ko pa nada-dial ang number ni Cienne ay nakatanggap na ko ng incoming call mula sa kanya na agad ko namang sinagot.

"Morning.."

"Good morning, Kimy! Nakaalis na kayo?"

"Paalis pa lang kami ni Mela para sunduin si Mika.. Kayo?"

"On the way na kami ni Gayle. Si kambal sinundo na ni Ara. Wag niyo masyadong gulatin si Mika ah? Take your time lang. 6am pa lang naman.."

"Okay. Sige na. Alis na din kami. Ingat kayo.."

"Okay. Bye Kimy! Kayo din mag ingat!"

"I'm done! Okay na, panget?" kalabit ni Mela sakin. Ngiting ngiti siya at nagsmack pa. Napangiti naman ako at kinuha na ang bag namin sa mesa. "Sino yung tumawag?"

"Ah. Si Cienne. Nauna na sila ni Gayle dun.." inakbayan ko na siya at inakay palabas ng pinto. Kumapit din siya sa bewang ko.

Dumiretso na kami sa parking lot at lumulan na ng kotse. Nagsimula na kong magdrive at tinungo na nga ang apartment ni Mika.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now