Chapter 26

18.9K 170 19
                                    

Ri's POV

"Hindi, Ri."

Hindi? Bakit parang disappointed ang mga mukha nila sa sagot ni Mika?

"Pero nililigawan niya ko ulit." from serious face to kinikilig na ngiti.

If so, pwedeng ligawan ko din siya, diba? Nanliligaw pa lang naman pala si Ara eh. Alam kong wala akong panlaban sa kanya. Mahal na mahal siya ni Mika. Pero bakit hindi niya pa ito sinasagot? Is she having second thoughts? Whatever the story behind is, I'll do everything I can to change her mind. Kung nakuha kong makapasok sa team to replace Ara, I'm sure, kaya ko ring i-replace siya sa puso ni Mika. Nagpaubaya na ako dati... Di ko na to palalampasin ngayon.

Napangiti naman si Ara sa sagot ni Mika. Kitang kita ko kung gaano pa rin nila ka mahal ang isa't isa. Pero hindi ito magiging hadlang para maipakita ko din kay Mika na mahal ko siya.

Ri: "Bakit hindi mo pa sinasagot?"

Tumaas ang kilay ni Cienne sa tanong ko pero hindi ko na lang pinansin. Kahit kailan talaga hindi kami magkakasundo ng babaeng to.

Mika: "SECRET! Hahaha! Pero mahal na mahal na mahal namin ang isa't isa."

"Kayo na talaga, Mika!" Sabay sabay na sagot nina ate Kim, ate Mela, at ate Aby. Si Ara naman umiling iling na lang. Hindi. Hindi ito ang makakapagpigil sa nararamdaman ko. Wala naman akong balak sirain sila. Gusto ko lang talagang maramdaman ni Mika na mahal ko siya. Malay natin baka nga magbago ang isip niya.

Nginitian ko lang si Mika at hindi na ako nagtanong pa ulit. Ayoko ng marinig pa ang mga isasagot niya. Masasaktan lang ako.

Patuloy lang silang nag uusap ng tungkol sa mga nangyari sa kanila dati. Nakikinig lang ako at pilit na pinagdudugtong dugtong ang mga events. May clue na ako kung ano ang reason bakit sila tumigil sa paglalaro. Medyo masaklap nga. Kung sa akin mangyayari to, hindi ko to kakayanin.

Nagkayayaan na kaming lahat na umuwi. Nagpaalam na rin ako, isasabay na daw sana ako nina ate Kim pero tinanggahan ko na lang.

Ara's POV

Nakita kong disappointed si Ria sa sinagot sa kanya ni Mika kanina. Alam kong babalik nanaman ang lahat sa dati. Hindi nga siya gagawa ng move para sirain kami pero gagawin niya ang lahat para maparamdam kay Mika na mahal niya pa rin ito. Ano naman ang magagawa ko diba? Hindi ko naman pwedeng pagbawalan si Mika na makipagkita sa kanya. Lalo na't makakasama na namin siya sa training simula next week. Haaaay. Pero hahayaan ko na lang muna. It's not a problem unless it's already a problem.

Kadarating lang namin dito sa bahay ngayon. Hindi ko mapagtanto kung bakit sa amin nakisabay si Cienne at mukhang bad trip. Di naman siya nag oopen up kaya di na lang namin siya tinatanong. Si ate Kim at FO naman diretso agad sa kwarto nila pagdating dito. Ganun din si Cams.

Mika: "Tomsy, mauna na kong maligo ha? Kating-kati na ko dito sa damit ko kanina pa.."

Ara: "Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na yan ang isuot mo. Hahaha. Sige na mauna ka na dun. Ayusin ko muna ang kalat dito. Sunod ako agad."

Mika: "I love you!!!" kiniss niya ko sa pisngi at tumakbo na papasok sa kwarto namin.

Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig nang makita ko si Cienne na nakatulala habang may hawak na isang bote ng San Mig Light at nakasandal sa counter.

Ara: "Oh. Kanina ka pa tulala Cienne.."

Cienne: "Ha? Eh wala to Vicky. May iniisip lang ako."

Ara: "Baka naman gusto mong i-share sakin?"

Cienne: "Hmmm.. Wala talaga. Baka ako lang talaga to." kinalahati ang iniinom niyang beer.  "Next time na lang pag sure na ko.."

Nilapitan ko siya at niyakap. "You know I'm always here, Cienney.. Tulad ng pagiging nandiyan mo rin para sa akin palagi. You can tell me anything.." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu