Chapter 42

14.3K 134 19
                                    

3 months later...

Kim's POV

Mela: "Panget, bilisan mo na diyan! Dadaanan pa natin ang cake sa pastry shop!"

Kim: "Oo, patapos na!"

1 month na simula nang lumipat kami ni Mela sa kinuha naming condo dito sa Ortigas. Ayaw ko pa nga sanang lumipat kami dahil nag aalinlangan pa ko sa sitwasyon ni Ara. Kaso siya din naman mismo ang nag insist kasi na may sariling buhay din naman kami ni Mela.

Sobrang worried talaga kami kay Ara, lalo na ngayon na nagmumukmok lang siya sa bahay niya. Di na siya lumalabas at hindi na rin nakikipagkita sa kung sinu-sinong mga babae. Pagkatapos ng huling pagkikita nila ni Mika sa Republiq, never na siyang lumabas ulit. Lalabas lang siya pag niyayaya namin or sa grill lang siya magiistay.

Si Cienne na lang ang nakakabisita sa kanya lagi kasi nasa kabilang block lang naman ang biniling bahay ni Gayle. Okay naman daw si Ara, kahit laging tulala at least hindi na namin kailangang sunduin sa kung saan saang bar gabi-gabi.

Si Camille umuwi na lang muna sa bahay nila sa Nova at nagcoconcentrate na lang ngayon sa PretTEA. Ayaw niya sanang umalis sa bahay ni Ara para may kasama ito. Pero gusto daw kasi ni Ara na mapag-isa muna at solohin ang mga problema niya. Wala naman kaming magawa kundi ang hayaan na lang siya.

Si Mika naman... Hay... Ewan ko dun. Simula yata nung nagpagupit siya ng buhok, pinandigan niya na talagang magmomove on na siya. Tuluyan na rin siyang humiwalay ng tirahan kay Ria at kinareer na rin ang pagsosolo sa buhay niya. Yun nga lang... sa training na lang kami nagkikita. Hindi na rin kami nakakapag usap masyado kasi laging nagmamadaling umuwi after training. Ewan ko ba. Pagkatapos kasi ng gabing yon, hindi na ulit siya nagpapakita kina Cienne. Sumasama din naman ang loob namin sa kanya pero hinahayaan na lang din namin. Way niya lang siguro yon para makapag move on na talaga.

Mela: "Hoy! Matagal ka pa ba?!"

Katatapos ko lang magbihis. Sunday ngayon kaya wala kaming training at house blessing din kasi ng bahay ni Gayle. Lumabas na ko ng kwarto at naabutang nakapamewang si Mela sa harap ng pinto.

Kim: "Kalma lang. 8am pa lang oh. 11am pa ang blessing."

Mela: "Kanina pa ko naghihintay sayo! Nagtext na ko sa shop na papunta na tayo!"

Nilapitan ko siya at niyakap.

Kim: "Masyado ka namang high blood! Kiss nga!"

Ngumuso ako sa kanya. Inilayo naman niya ang mukha ko sa kanya.

Mela: "Che! Wag mo kong daanin sa ganyan panget!"

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon