Chapter 16 - Cienne's POV

17.8K 137 9
                                    

Cienne's POV

*ping*

1 new interaction

@GayleLim11 hi @cruzcienney care to see me later?

OMG! Today is the day! Finally, magkikita na rin kami in person ni Gayle! Ito lang talaga ang hinihintay ko mula kagabi, dumating na kasi siya dito sa Manila. Matagal tagal na rin kaming magkatext pero hindi pa kami nagkikita in person. Actually, siya ang dahilan kung bakit di natuloy ang pagsagot ko kay Van dati. Anyway, si Gayle na nga. Siya na talaga! Kilig vibes all over the place! Nagsimula lang naman lahat ng to nang humingi ang friend ni Vic ng fansign namin ni Cams at Kimmy through ate Wensh para sa kanila nitong si Gayle. Simula nun, naging persistent talaga siya para mapansin ko. Ako naman na overwhelm kasi di niya ko tinatantanan. Kahit pa kasi sa social networks lang kami nagcocommunicate, na fi-feel kong mabuti siyang tao. Di naman siya nanliligaw pero okay lang. Ako na lang ang gagawa ng move. Hahaha. Desperate ba? Para sakin kasi hindi naman eh.. Uso kaya to ngayon! Agad naman akong nagreply, pa demure muna at pang asar para hindi halata.

"@GayleLim11: hi @cruzcienney care to see me later?" - text me. baka pagkaguluhan tayo ng tao pag nalaman nila san date natin. lol.

Grabe kinikilig talaga ako! Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin, kagigising ko lang kasi at ito agad ang bumungad sakin. Baka mamaya, tinubuan pala ako ng pimple habang natutulog ako kagabi.. masira pa ang pretty face ko.

Shet! Ang ganda ko naman. Gandang ganda ako sa mukha ko ngay...

*buzz*

Gayle <3 calling...

AHHHHHHHHHHHHHH. Sabi ko text lang, tinawagan ako? Wait. Sagutin ko muna.

Cienne: "Hello?" pilit kong tinatago ang kilig sa boses ko.

Gayle: "Good morning beautiful! How's your sleep?" di talaga marunong magsinungaling ang babaeng to.

Cienne: "Ahmm. Okay naman. Eto, kagigising lang. Ikaw?"

Gayle: "Eto, kagigising lang din. Ikaw na agad naiisip ko."

Tinakpan ko muna ang bibig ko at inilayo ang phone ko, baka kasi di ko talaga mapigilan at mapatili ako.
Sakto namang sasagot na sana ulit ako ng magsalita siya ulit.

Gayle: "Cienne.. Are you still there? Hello? Cienne?"

Cienne: "Hey. I'm still here. May kinuha lang ako."

Gayle: "Akala ko binabaan mo na ko. Nagbreakfast ka na ba? Gusto mo sabay tayo?"

Cienne: "Ha? Now? Di pa ko naliligo. Wait. Mag aayos muna ako.. " nataranta ako kasi sabay daw kami magbebreakfast ngayon.

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now