Chapter 46

16.8K 163 49
                                    

9 days later

Kim's POV

Ilang araw na din ang nakakalipas nung sinet up namin ng date sina Ara at Mika. At masasabi ko namang naging mabuti yun para sa kanilang dalawa. Dahil wala kaming training ngayon, ginawa naming bagong tambayan ang bahay ni Cienne at halos araw-araw naman pumupunta si Mika. At sa mga araw na yon, halos hindi na din sila mapaghiwalay ni Ara, but at the end of the day, consistent pa rin ang tagasundo niyang naka-Mazda. Hay. Pero masaya ako kasi parang bumalik lang kami nung college. Ang hindi ko lang mapagtanto ay kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ng dalawa. Tingin ko kasi nag settle na lang din naman si Ara na maging friends sila ni Mika... Si Mika naman. Ewan ko. Hindi ko maintindihan.

Kadarating ko lang ngayon sa bahay ni Gayle dahil nagpapatulong siya sa amin na mag prepare ng surprise niya para kay Cienne. 9th monthsary na kasi nila bukas.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan kong nagwawalis ang maid nila sa sala.

Kim: "Nandito na ba si Ara?"

Maid: "Ay. Nasa basement po sila ni Maam Gayle."

Kim: "Okay. Puntahan ko lang."

Maid: "Maam Kim, nagpapasabi po pala si Maam Gayle na kung hindi pa kayo nanananghalian eh kumain po kayo muna, ipaghahanda ko po kayo."

Kim: "Nakakatuwa ka! Wag ng Maam, ate na lang.. Hahaha. Pero salamat, kumain na ko. Sige."

Maid: "Ay.. Sige po ate Kim."

Katuwa naman yung maid nina Cienne. Mukhang masaya naman sa ginagawa niya.

Bumaba na ako sa basement at naabutang nagseset up nga flat screen TV at player sina Gayle at Ara.

Kim: "Oh? Para saan yan?"

Gayle: "Uy. Nandito ka na pala. Para sa videoke mamaya.."

Ara: "Ang arte ni Ciennang, nagparinig nung isang araw na sa monthsary nila ni Gayle gusto niya daw mag Khub sila kaya ito na lang muna."

Kim: "Hahahah! Nagparinig talaga?"

Gayle: "Alam niyo naman ang babaeng yun.. Uy Ara, try mo nga yung player kung na connect ko ng maayos sa likod."

Tiningnan naman yun ni Ara.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong basement. Napa repair na pala ito ni Gayle at napa repaint na rin kaya nagmukhang bagong gawa. Nung last time kasi ni bumaba kami dito nung tinulungan namin silang maglipat ni Cienne ay maalikabok pa dito at halos matanggal na ang kisame. Mabuti naman at nagawan niya ng paraan agad.

Kim: "Nasaan pala si Cienne?"

Gayle: "Ayun, pinakiusapan ko muna si Cams na magpasama siya kung saan hanggang late dinner.."

Kim: "Eh si Mika?"

Mika: "I'm heeeeere!"

Kakagulat naman ang babaeng to, bigla na lang sumigaw malapit sa tenga ko.

"Hi Tomsy!!!"

Tumakbo siya papunta kay Ara at niyakap ito.

"Miss me?"

Ngiti lang ang sagot ni Ara sa kanya na halatang kinikilig naman.

Maid: "Maam Mika!!"

Tsk! Isa pa tong kasambahay nina Cienne eh! Makasigaw lang! Hay. Bakit ba kasi dito ako tumayo talaga malapit sa hagdan kung saan lahat ng bababa dito dadaan pa sakin?

Mika: "Ano yun girl?"

Maid: "Yung cellphone niyo daw po oh, pinapabigay ng kasama niyo sa kotse."

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now