Quattro

47 1 0
                                    




"I spilled all my emotions tonight, I'm sorry.
Rollin', rollin', rollin', rollin', rollin'.
How many more shots until you're rollin'?
We just need a face to face.
You could pick the time and the place.
You spent some time away.
Now you need to forward and give me all.."

Work - Rihanna ft. Drake



*****************************

Pag dilat nang mga mata ko ay nasa harap ko ang huling lalaki na nakita ko bago ako mawalan nang malay. Nakangiti lang siya habang tumingin ako sa paligad, pag tingin ko sa may sofa ay nandun si Harry katabi si Louis at nakatayo naman sa gilid nito si Liam. Parang gusto ko sumigaw pero parang nawalan ako ng lakas sa buong katawan. Nanlaki ang mata ko nang ngumiti si Louis kay Harry at tumayo naman si Harry at lumapit sa akin.

"How are you, darling?", malambing na tanong ni Harry habang naupo siya sa kama sa tabi ko.

Nagulat naman ako sa pagiging malambing ni Harry dahil akala ko na nagalit siya sakin nang makita niya kami ni Louis. Teka! Nung nakita niya kami ni Louis? Louis and Harry. Harry and Louis. Larry. OMG! Larry is real!! Napangiti naman ako sa naisip ko at biglang lumapit na rin si Louis at naupo sa may banda kung nasaan ang aking mga paa.

"Are you okay, Anna?", nag-aalalang tanong ni Louis.

Napangiti ulit ako dahil nag-aalala sakin ang mga taong tinatawag  ko na idolo. Parang sasabog ako sa sobrang saya.

"Yes **tumango ako habang tiningnan ko si Harry at Louis** Thank you! Ano pala ang nangyari?", tinanong ko ang dalawang binata sa harap ko.

Bigla naman lumapit si Liam na para bang may tinatagong ngiti sa labi.

"Hinimatay ka kasi nang makita mo si Niall.", pinipigil ni Liam ang tawa niya habang sinasabi niya ito.

May malakas na tawa ang nagpalingon sakin at nakita ko si Niall. Lalo tuloy ako naiinlove sa kanya, lalo na ngayon na narinig ko na ang tawa niya sa personal. Parang musika ang tawa niya. Napatitig na lang ako sa kanya habang palapit siya kay Liam. Inakbayan ni Niall si Liam at nginitian niya ako. Jusko! Hihimatayin nanaman ata ako. HAAALP!

"Okay ka na ba, darling?", tanong sakin ni Harry habang hinawakan niya ang kamay ko.

"Parang hihimatayin ata ako.", pabiro kong sinabi.

"Oh, not again.", sabay tawang sabi ni Louis.

Natawa din si Niall at natawa kaming lahat sa tawa nito.

Sobrang saya ko talaga. Hindi ko inaakala na makikita ko ang mga idolo ko sa personal. Sobrang thankful talaga ako at ako pa ang napiling ampunin nila mom Johanna. Sinugurado nang mga binata na okay na ako at nakipagbiruan sila sa akin. Sabi ni Harry ay para daw masanay na ako na lagi silang kasama. Napaka babait talaga nila at lalo pa yatang lumalalim ang nararamdaman ko para kay Niall. Makalipas ang halos 2 oras na kulitan at biruan ay nag desisyon na kami bumababa dahil hinahanap na ako ni Lottie para ipakilala ang bago nitong boyfriend.

Nauna na ang apat na bumababa habang inaayos ko pa ang nasira kong make up pagkatapos ng sleeping beauty scene ko. Kaloka yun!

Habang bumababa ako ay parang nakita ko si Ashton ng 5 seconds of summer. Isa sa mga paborito kong band ay ang 5sos, nagmadali ako para sundan ang binata ngunit bigla akong nalaglag at pagdilat ng mata ko ay may lalaki sa harapan ko, nasa ulo ko ang isang kamay nito at nasa bewang ko naman ang isa pa nitong kamay. Napasigaw ako at bigla namang tumayo ang binata. Pag tayo ay sisigaw na sana ako nang narinig ko ang boses ni Luke. WHAT? Luke Hemmings? Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at isang Luke na nag-alala ang lumapit samin ng lalaki na na tumulak sa akin.

Cast Away - cthKde žijí příběhy. Začni objevovat