Diciassette

27 0 0
                                    

 "I'm faded once again, I don't know where I am
But I just know I'm driftin' far from you
I'm tryna keep my head strong, but my heart
Won't just let me grow away from you
Don't you know we're driftin' off, driftin' off?
I know you think that it's my fault for fallin' off
All this hope and disregard, driftin' off
I know you think there ain't no fault, I fall apart
And now I'm missin' your love."

Drifting - G Eazy ft Chris Brown & Tory Lanez

*****************************************************************************


"Anna!", malakas na sigaw ni Louis.

"Tell me Lou!", pasigaw na sagot ko din para marinig ako ni Louis na nasa kusina.

Inaayos ko ang mga gamit ko papunta nang gym.

"Someone's here for you!", sabi nito.

Sino naman kaya ang bibisita sakin? Walang nakaka alam kung san kami nakatira ni Louis ngayon.

Pagkatapos nang nangyari sa London ay wala na akong nakausap na kahit na sino maliban kila mom.

"Coming!", sigaw ko dito habang pinupusod ko ang buhok ko.

Paglabas ko nang kwarto ay dala ko na ang bag pack na gagamitin ko pag puntang gym.

Pag dating ko sa salas ay isang lalaki na nakatingin sa bintana ang nadatnan ko.

Kilalang kilala ko na ito kaya hindi kailangan nang binata humarap para malaman ko kung sino ito.

"Hey", mahina kong tawag dito.

Humarap ito at pilit ngumiti.

"Anna", lumapit ito at hinalikan ang isang pisnge ko. "How are you?"

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Pagod na akong sumagot sa paulit ulit na tanong.

"What do you think, Luke?"

Biglang lumapit sakin si Luke at hinila an kamay ko.

"You'll be okay Anna, you will!", sabay yakap nito.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pag baba. Masaya ako na may mga tao pang natira para sakin.

Kahit papano ay masaya ako dahil alam ko na nandito pa si Luke at lalong lalo na si Louis para sakin.

"Shhhh.", malambing na bulong ni Luke. "Matatapos din lahat nang yan."

Lalo akong napa-iyak dito at niyakap ko pa nang mahigpit si Luke.

"I hope so.", mahinang bulong ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagbaba.


 * * *

Buong mag hapon na nag stay si Luke kasama namin sa apartment ni Louis. Buong maghapon ay nanuod lang kami nang films, nagbiruan at kumain nang kung ano ano.

Biglang tumunog ang telepono ni Luke at pinasa ito sakin at sinagot.

Naguguluhan ko naman na nilagay ang telepono sa tenga ko.

"Lu.."

"Hello?", tanong ko dito.

"Oh my goooood, Annaaaaaa!", malakas na sigaw ni Ashton.

Cast Away - cthWhere stories live. Discover now