Special Chapter

35 0 0
                                    




I decided na ipakita senyo yung mga text ni Anna kay Calum nung 1 week na nakalipas sa chapter 10. Para din malaman niyo yung part ni Calum. Enjoy!


* * *


"When you're with him, do you call his name

Like you do when you're with me? Does it feel the same? Would you leave if I was ready to settle down? Or would you play it safe and stay?

Girl you know this, we got a love that is hopeless" 

Secret Love Song - Little Mix ft. Jason Derulo


*****************************************************************************


Calum's POV

Sa buong byahe ay walang ginawa si Luke kung hindi tingnan ako ng masama at magparinig kung gaano wala akong kwentang tao.

Walang karapatan si Luke na magsalita dahil hindi niya alam ang tunay na nararamdaman ko. Gago rin naman kasi ako na nagmamatigas pa ko.

Ginagawa ko ito para kay Anna, mas masasaktan lang ito pag nanatili pa ako sa buhay nito. Mas gugustuhin ko na lang na ako ang masaktan kesa naman siya ang masaktan. Takot ako na mawala sakin ang best friend ko pero kung yun lang ang paraan para hindi siya masaktan ay gagawin ko, handa ko i-sakripisyo ang lahat para sa kanya dahil mahal ko siya..

..bilang isang kaibigan. Dahil best friend ko siya.



* * *


Pag dating namin sa airport ay ang manager namin ang sumalubong sa amin. Nakangiti nito kaming sinalubong. Naasar ako sa ngiti ng lalaki na ngayon ay nasa harap ko na, lumapit ito at humawak sa balikat ko.

"Did you do what I've asked you?", pabulong nitong tanong.

Tiningnan ko muna sila Luke, Michael at Ashton na nag-uusap usap ngayon bago ako tumingin at tumango sa lalaki sa tabi ko.

"Good", nakangiting sagot nito habang tinatapik ang balikat ko,

Gusto ko na suntukin ang matandang lalaki sa nakakaasar nito mukha pero natatakot ako na baka totohanin nito ang sinabi niya sa akin kahapon. Hindi hindi ko makakalimutan ang piang-usapan namin.


Flashback


Kaka-uwi ko lang sa bahay nang tumawag sakin ang managment at sinabi na kailangan ako kausapin nang manager namin. Kaya dali-dali akong bumalik sa kotse at nag drive papunta nang Hi Or Hey Building.

Pagdating ko doon ay pinaupo ako nang manager sa isa sa maraming upuan nito sa office niya. Pag-upo ko ay hinagis nito ang ilang newspaper sa harapan ko sa ibabaw ng desk table nito.

Ilan sa mga article na nakasulat dito ay tungkol samin ni Anna.


" Calum Hood and Anna Tomlinson dating?"


"Calum using Louis' new sister for fame."


"Calum Hood ginagamit si Anna para pasikatin ang 5sos na unang binigyan nang ingay nang One Direction"


Cast Away - cthWhere stories live. Discover now