Cinque

38 0 0
                                    



"She's got a rose tattoo but she keeps it covered,
I play guitar but she's into drummers,
She's seen my face around but she doesn't even know my name

I pierced my lip so she thinks I'm cool,
I ripped my jeans and dropped out of school,
I followed her 'round the town but she thinks that I'm a weirdo now"

Try Hard - 5 Seconds Of Summer

************************

Calum's POV

"Cal", malakas na tawag ni Luke.

"Dude.", kalma kong sagot sa binata.

Pag tingin ko kung nasaan si Anna bago dumating si Luke ay napanisin ko na paalis ito kasama sila Lou, Lottie at Fritzy. Sinubukan ko sundan ng tingin kung san sila nagpunta ngunit paulit ulit akong tinatawag ng binata sa tabi ko.

"Cal, did you get it?", naiinis na tanong ni Hemmings.

"What?", nagtatakang tanong ko.

"Si Ash galit na galit na kay Michael.", nag-aalalang sagot ni Luke.

Napatakbo naman ako kasama si Luke kung nasaan si Michael at Ashton.
Pag kita ko sa dalawa ay nagsisigawan ito. Mabuti na lang ay nasa kusina ang mga ito at wala halos tao. Pinilit ni Luke na pakalmahin si Ash habang nasa tabi naman ako ni Michael para pagtanggol ito kung man na maubos ang pasensya nito sa paulit ulit na tawa ni Clifford sa bawat sasabihin nito.

"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hindi ako interessado sa ibang babae, Mike!", galit na paulit ulit na sinasabi ni Ash.

Isang babae ang lumapit samin kasama ni Fritzy.

"Ashton?"

Nang laki ang mata ko ng makita ko na si Anna pala ang naghahanap kay Ashton, magkakilala ba sila?

"Yes?", naguguluhang sagot ni Ashton.

"Oooooh Anna!" **inakbayan ni Michael si Anna** "Guys guys! Siya yung sinasabi ko sa inyo, yung new Tomlinson! Ang ganda niya no?", pakilala nito samin.

Hindi ko akalain na siya pala ang bagong Tomlinson. Hindi ko masisisi si Michael na magandahan sa kanya dahil tunay naman talagang maganda ang dalaga.

Natingin sakin si Anna at ngumiti.

"She is Anna, my sister. They are Michael, Ashton, Luke and..", hindi pa natapos ni Fritzy ang sinasabi nito nang biglang magsalita si Anna.

"Calum.", nakangiting tingin sakin ni Anna.

"Oh do you know them already?", nakangiting tanong ni Fritzy kay Anna.

"Yes. I mean no. Fan kasi ako ng 5 Seconds Of Summer kaya kilala ko sila.", paliwanag ni Anna.

Kinilala naman nila Luke, Michael at Ashton si Anna habang ako ay nakatingin lang sa dalaga at inaaral ang bawat information about her. Mabait at pala tawa din ang dalaga. Madali lang siya nakasundo nang tatlo, kung titingnan mo nga sila ay para na silang magkakakilala nang matagal na.

"Diba Cal?", nakangiting tanong sakin ni Ash.

"Ha?", nagtatakang tanong ko.

Napatawa naman si Anna at bigla siyang lumapit sakin. Hinawakan ang balikat ko para ma abot niya ang tenga ko.

"Sabi ni Ash, ikaw na lang daw ang gay sa gruppo dahil hindi ka pa daw nagkaka-girlfriend", bulong nito.

Natawa ito at napatingin na lang ako sa sobrang ganda nang tawa nito. Natural na natural at walang halong pag papanggap.

"Hano Calum", malakas na tawa ni Ash habang nakatingin sakin.

Ang tanging sinagot ko lamang kay Ash ay ang middle finger ko na nakataas habang malakas naman ulit na tumawa si Anna.

~~~

Anna's POV

4am na nang matapos ang party. Papasok na sana ako nang kwarto namin ni Lottie nang bigla akong tinigil ni Louis.

"Anna, that isn't your room anymore. Sundan mo ko ", nakangiting sabi sakin ni Louis.

Nagtataka naman ako sa sinabi ni Louis pero sinundan ko narin siya. Umakyat pa kami nang hagdaan kung saan naghihintay si Harry. Nagulat naman ako nang makita ko na nandito pa pala si Harry. Nakangiti sakin ang binata.

"Tatlo lang ang kwarto dito. Isa, yung room ko, etong nasa gitna ay guest room pero parang kwarto na yan nung tatlo pag nandito sila" **bahagyang tawa ni Louis** "at iyon naman, yung nasa dulo, yun ang room mo. Inaayos na yan ni mom kanina. Hope you like it!", nakangiting sabi ni Louis.

Nagulat naman ako sa sinabi nang kapatid ko, sa sobrang saya ko ay niyakap ko ito nang mahigpit.

"Magpahinga ka na, late na.", malambing na sabi sakin ni Louis habang nakayakap ito.

Tumango lang ako at nag good night ako kay Harry at Louis nang nagkiss ako sa pisnge nila.

Papunta na ko sa kwarto ko nang napalingon ulit ako sa dalawa na nakita ko na pumasok sa kwarto ni Louis. (LARRY IS REAL)

Pagbukas ko nang pintuan ay nagulat ako, napalagay na lang ako ng kamay sa bibig ko at pinilit ko na wag sumigaw. Napaka ganda talaga nang kwarto na ito, napakagaling talaga ni mom Johanna mag-design ng kwarto.

Kumuha ako ng magkaternong pijama sa isa sa malalaking aparador at nahiga na ko.

Bukas ko na lang bibisitahin ng ayos ang kwartong ito. Thankful talaga ako sa lahat ng blessings na nangyayari sa akin. Lalo na para akong nasa isang napakagandang panaginip. Papikit na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.


From 321-6869-465
Good night Anna x


Nagulat naman ako, sino kaya ang maaring nagtext sa akin, tanging ang pamilya ko lang ang nakaka alam nang numero ko maliban kay Lou. Meron naman akong numero ni Lou kaya impossibile na siya ito.


To 321-6869-465
Who are you?


Pagkatext ko ay bigla na lang pumikit ang mga mata ko sa sobrang pagod.

-

I wanna scream and shout! Ilang ang Larry Shippers dito? :)
Alam ko na may nagbabasa jan, kahit isa ka lang or dalawa haha paramdam tayo! ☺️

Sino kaya yung nagtext kay Anna?

Larry is real?

Have a nice day! :)

Cast Away - cthWhere stories live. Discover now