Nove

39 0 0
                                    




"Now you were standing there right in front of me
I hold on, it's getting harder to breathe
All of a sudden these lights are blinding me
I never noticed how bright they would be

I saw in the corner there is a photograph
No doubt in my mind it's a picture of you
It lies there alone in its bed of broken glass
This bed was never made for two

I'll keep my eyes wide open
I'll keep my arms wide open

Don't let me
Don't let me
Don't let me go
'Cause I'm tired of feeling alone"


Don't Let Me Go - Harry Styles


**********************************************************


Nagising si Anna sa malakas na ring ng telepono nito. Tiningnan muna ni Anna ang oras bago nito sagutin ang tawag mula sa best friend nito. Bigla itong nag-alala kung bakit tumatawag si Calum ng alas 4 ng umaga. Alam kasi ng dalaga na laging late gumising ang binata at ito ang unang beses na tumawag ito ng ganung oras.

"Cal, what's wrong?", nag-aalalang sagot ni Anna.

"I need you to get up and go out with me. Nandito ako sa baba, hihintayin kita.", seryosong sabi ng binata.

"Cal?", nag-aalalang tanong ulit ng dalaga.

"We need to talk, Anna. Like right now.", sagot ni Calum.

Kinabahan ang dalaga sa sobrang pagkaseryoso ng binata kaya dali-dali itong tumayo at nag-ayos para lumabas kasama ang best friend.

Sa ibaba naman ay isang Calum na nag-iisip kung pano nito sasabihin ang desisyon ng management na maaring maka apekto sa pagkakaibigan ng dalawa.

Pagkatapos ni Anna magbihis ay pumunta ito sa banyo para mag-tooth brush at mag ayos ng buhok. Tinali na lang ng dalaga ang buhok. (naka pony tail siya)

At dali dali itong bumaba.



Anna's POV


Pagbaba ko ay isang malalim ang iniisip na Calum ang nadatnan ko, lalo tuloy akong kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin nito. Dahan-dahan ako lumapit sa kanya habang hinahanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang dahilan ng pagpunta ni Calum dito.

"Cal", halos hindi ko na rin marinig ang sarili kong boses sa kaba.

Tumingin sakin si Calum at pumasok sa loob ng kotse. Nung una ay naguguluhan ako. Muling bumukas ang pintuan ng kotse nito at sinilip ako ng best friend ko.

"Anna, get it.", seryosong sabi nito.

Anna, tinawag niya ko sa pangalan, kahit kailan ay hindi ako nito tinawag sa pangalan kahit nag-aaway kami. Makalipas ang ilang segundo ay sinundan ko na si Calum at pumasok sa loob ng kotse nito. Pag-upo ko ay tiningnan ako nito na para bang natatakot ito nahawakan ako at nang pinilit ko ngumiti ay tumingin ito sa harapan nito

"Fasten your seat belt.", seryoso ulit nitong sinabi.

Nilagay ko ang seat belt at ini-start na ni Cal ang kotse. Sa buong byahe ay walang nag salita saming dalawa. Takot ako na mag salita dahil baka magalit pa ito at mag-away lang kami.

Makalipas ang 15 minutes ay huminto na ang kotse at tumingin naman ako sa paligid. Nasa isang parking lot kami. Tinanggal ni Calum ang seat belt nito at bumaba, ginaya ko naman ang best friend ko at sumunod sa kanya habang nag lalakad ito at pumasok sa isang lumang kahoy na gate. Patuloy ako sa likod ni Calum ng napansin ko na, na sa isang beach pala kami.

Cast Away - cthWhere stories live. Discover now