Dodici

28 0 0
                                    




"Oh, tear ducts and rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean

Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
That we're not broken just bent
And we can learn to love again"

Just Give Me A Reason - Pink ft. Nate Ruess


**********************************************************


Anna's POV

Nang narinig ko ang tanong ni Danielle kay Gigi ay nanlaki ang mga mata ko.

Saan kumuha nang lakas ng loob si Danielle para itanung yun kay Gigi, alam naman niya na nandito din si Perrie.

Hinawakan ko ang kamay ni Perrie, tumingin naman ito sakin at ngumiti.

"3/4 months ago.", sagot ni Gigi habang nakatingin kay Perrie.

Kung wala lang tao dito ay baka nasabunutan ko na si Gigi.

How is she para gawin niya to kay Perrie? Wala naman ginagawa ang best friend ko sa kanya.

Hindi ko napansin na umikot na pala ang bote at tumapat ito kay Louis.

Pinaikot naman ito ni Louis, huminto ang bote sa harap ko nang biglang tumawa si Niall.

"Good luck, Anna. Si Louis yan.", babala ni Niall habang tumatawa.

"But I'm his sister.", mabilis kong sagot kay Niall.

"Oh no dear, no sister or brother here. Cmon, truth or dare?", natutuwang sabi ni Louis.

"Truth.", sagot ko sa kapatid ko.

"Sooo.", nag-isip si Louis. "Are you with Calum?"

Nagulat ako sa tanong ni Louis.

"What do you mean? He's in LA and I'm here.", sagot ko sa kapatid ko.

"I mean, are you guys together? Like in a relationship?", paliwanag nito.

Napatingin ako kay Niall na napansin ko na nakatingin sakin.

"No, we're not.", mabilis na sagot ko. "We supposed to be.. ..best friends.", mahina kong dugtong.

Napansin ni Louis na hindi niya dapat binanggit ni Calum at nag sorry ito nang pabulong sakin. Pinilit ko lang ngumiti para hindi mag-alala ang kapatid ko.

At inikot ko na ang bote.

* * *

"Okay ka lang best?", tanong ni Perrie.

Nakaupo kami ni Perrie sa sofa sa salas ngayon habang umiinom ng red wine.

"Oo naman, ikaw, okay ka lang?", nag-aalalang tanong ko kay Perrie.

"I'm okay", malungkot na sagot sakin ni Perrie.

Nasasaktan ako para kay Perrie, napakahirap nang pinag dadaanan niya ngayon. Ang sakit na nasa harap mo yung taong nanakit sayo at patuloy na nananakit sayo ngayon.


Lasing na halos ang lahat, ang iba ay nag-uwian na rin maliban kay Zayn at Gigi, pinigil kasi ni Liam si Zayn na umalis. Tumingin ako sa paligid ko at inoserbahan ang mga kaibigan ko.

Sa sahig ay nakahiga sila Liam, Zayn, Niall and Harry habang nagtatawanan at nag uusap-usap. Nakakamiss na makita na ganito ang limang to.

Sa kabilang sofa naman ay naka-upo sila Gigi at Danielle habang nag-uusap.

Si Lottie at ang kasintahan naman nito ay umaakyat ng hagdan para magpahinga na, lasing nanaman kasi si Lottie.

Si Cher naman ay palapit samin ni Perrie.

"Okay lang kayo girls?", tanong nito.

"Yup, maybe we just need to rest.", pagod na sabi ni Perrie.

"Sige na girls, pahinga na kayo sa taas.", malambing na sabi ni Cher.

Ngumiti kami ni Perrie at naglakad na papuntang hagdanan, habang naglalakad kami ay nakita ko na nakatingin si Gigi kay Perrie.


* * *


Los Angeles, California


Naka-upo si Calum sa isa sa maraming upuan sa bar, habang iniinom ang pang sampu nitong beer. Sa ganito na lang umiikot ang buhay ni Calum: gigising sa hapon, lalabas papunta nang bar, mag-iinom at mag lalasing. Kung minsan ay nag uuwi nang babae na pang sandaling kaligayahan lamang. Simula nang dumating si Calum sa California ay tanging sa alak na lang umiikot ang buhay nito.

Wala nang nakakaintindi sa binata, kahit sila Luke, Michael at Ashton ay sumuko na sa pag iintindi dito.

'Di nila ako maiintindihan', laging sinasabi ni Calum sa sarili.

Kahit si Anna ay tumugil na nag pagtetext sa binata nang matanggap nito ang text mula sa binata. Nagsisi si Calum na sinabi niya ang mga iyon sa dalaga, nag sisisi din ito dahil kahit hindi niya sinasagot ang mga text ni Anna ay iyon lang ang nagpapalakas ng loob niya para ipag patuloy na mabuhay.

Pero naisip din ni Calum na sa isang banda ay maayos na rin yun para hindi na siya lapitan ni Anna at magalit ito sa kanya para hindi na siya mahirapan na layuan ang dalaga.


May lumapit na dalaga kay Calum habang iniinom nito ang pang labing dalawa na bote ng beer nito.

"Mukhang may problema ka, Calum Hood.", sabi nang isang boses.

Tumingin ang binata dito at hinalikan ang dalaga. Dali dali naman na sinamantala ng dalaga ang kalasingan ng binata.

Matagal nang inoobserbahan ng dalaga si Calum ngunit sa dami ng babae na lumalapit dito ay hindi siya makalapit. Gustong gusto nito si Calum.

Dinala ni Calum ang dalaga sa hotel na tinutuluyan nito.

Habang naghahalikan ang dalawa sa kama ay tinangal ng dalaga ang t-shirt ni Calum.

Pagkatapos ay ang dress naman ng dalaga ang hinagis sa hindi alam na parte sa kwarto ni Calum.

Masayang masaya ang dalaga dahil sa wakas ay mapapa sa kanya na si Calum.

Habang si Calum naman ay imahe ni Anna ang nasa isip nito.

Nakangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ang binata.

"Calum", malabing na tawag ng dalaga.

"Anna", sagot ni Calum sabay hawak sa mukha ng dalaga.

"Anna?!"

-

Oh sheeeet. Patay ka ngayon Calum! Sorry ngayon lang nakapag update, wala kasing time :(( yan ha, kahit may sakit ako nag update ako lel.

Cast Away - cthWhere stories live. Discover now