Quindici

37 0 0
                                    

"I'm all out of faith. This is how I feel. I'm cold and I am shamed. Lying broken on the floor. Illusion never changed. Into something real. I'm wide awake and I can see. The perfect sky is torn. You're a little late. I'm already torn."

Torn - One Direction (Version)

***********************

**ring ring**

Nagising ako sa lakas nang tunog ng cellphone ko. Tamad na tamad kong tiningnan kung sino ang tumatawag.

Lukey :* calling..

Nagulat ako dahil alas 9 pa lang ng umaga. Laging late kung gumising ang apat.

Sinagot ko ang tawag at nilagay ang cellphone sa tenga ko.

"Luke?", inaantok na sagot ko sa telepono.

"Hey Anna, good morning!", malambing na sabi ni Luke.

Sa boses nito halatang halata na kanina pa ito gising.

"Good morning, Lukey!"

Umikot ako sa kumot para magbalot, medyo malamig ngayong umaga.

"Nagising ba kita?", tanong nito.

"Yes, aga ha?"

"Yep, wanna hang out?", mabilis na tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ulit ang oras.

9.06 am.

"Really Luke?"

Biglang tumawa ito, namiss ko talaga sila, nakakamiss ang mga araw na wala kaming ginagawa kundi mag tawanan.

"C'mon Anna, maaga ako nagising e. Tara Starbucks?"

"Baka tayo naman ma-issue niyan Luke ha?", pabiro kong sabi dito.

Natawa ulit ito.

"Okay okay, dito na lang sa apartment like old times?"

"Okay, I'm coming.", mabilis na sagot ko dito.

"We're waiting! Bye Anna banana."

"Lukeeeey!"

Tumawa ito nang malakas bago mag paalam ulit at patayin ang tawag.

***

Nasa salas kami sa apartment nila Ashton, Luke at Michael.

Wala kaming ginawa buong mag hapon kung hindi maglaro, magbiruan at mag tawanan. At buong mag hapon na rin na puro chips, ice cream, pizza, noodles at kung ano ano pang junk foods ang kinain namin.

Ngayon ay nakahiga kaming apat sa carpet.

Si Luke ay nakayakap sa bewang ko habang pinaglalaruan ko ang buhok nito.

Si Michael naman ay nasa taas ni Luke at nakaunan sa balikat ko.

Si Ashton naman ay nasa kabila at nakayap din sakin.

Nakatulog na si Luke at Michael habang nag kwekwento si Ash tungkol sa relasyon nila ni Briana.

"One time nga, inaaway niya ko dahil may tumawag na babae sakin na hindi nakasave yung number. That time nagpalit nang number si mom. Ayaw maniwala ni Bry nun.", tumawa ito. "Siya yung sumagot, kung ano ano pinagsasabi tapos napahiya siya kasi si mom talaga yun. Naiiyak pa siya after dahil sa hiya kay mom.", natatawa nitong kwento.

"Oh my god!", sobrang lakas nang tawa ko.

Napahinto ako sa pagtawa nang gumalaw si Luke at nagreklamo sa lakas ng tawa ko.

Cast Away - cthUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum