Quattordici

28 0 0
                                    

"We touched and we felt more beautiful

Add two hands reachin' outFilled with so much longingIt felt good insideThere is no denying I'm in love.

Add two hands reachin' out

Filled with so much longingIt felt good insideThere is no denying I'm in love."

So It's you - Christian Baustista


******************************************************************

1 week after..

Isang linggo. Isang linggo na kami araw-araw na lumalabas ni Niall. Halos nakakalimutan ko lahat nang problema ko pag kasama ko siya, maliban lang kay Calum, tuwing uuwi na ko sa bahay ay ulit ulit kong binabasa ang old conversations namin ni Calum. Hindi ko itatanggi na miss na miss ko na ang best friend ko.

Oo, may iba akong kaibigan at nandyan naman si Perrie pero iba parin si Calum. Si Perrie ay parang nakakatanda kong kapatid, siya ang laging nagsasabi sakin kung ano tama kong dapat gawin. Si Calum naman ay hinahayaan ako gawin kung ano ang gusto ko at lagi lang siya naka-supporta sa kung ano man ang desisyon ko.

Yung katahimikan na nararamdaman ko pag niyayakap ako ni Calum at kung paano niya ako napapangiti kahit ayaw ko.

I miss him. I miss Calum so much.

Gusto ko lang malaman kung kamusta na siya at kung anong ginagawa niya ngayon.

Buti na lang ay dadating na sila Luke, Michael at Ashton bukas. Nag-extend ang bakasyon nila kaya ang unang linggo ay napag desisyonan nila na bumalik ng Sydney to spend some quality time with their families.

At bukas naman ay dadating sila dito sa London to visit us. Miss na miss na namin sila kaya napag-usapan ng barkada na hindi na muna kami pupunta ng club bukas at mag-stay na lang kami sa apartment ni Perrie na hindi makakalabas dahil may sakit ito.

Sobrang nag-aalala na ako kay Perrie, simula nang makita niya ulit si Zayn ay parang nag-iba ito. Hindi na siya yung Perrie na masayahin tulad nung una bago niya ito makita muli.

Naiinis naman ako kay Zayn dahil wala lang para sa kanya na magpakita kasama ang bagong niyang barbie. Wala siyang konsiderasyon sa nararamdaman ni Perrie.

Ganun ganun lang ba maka-move on?

Mas mahirap mag move on kesa magpapayat!

Biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may nag text kaya kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text.

From Nialler :)

Good night sweet heart! I enjoyed a lot today. See you tomorrow :*


Napangiti ako sa text ni Niall. He's the sweetest.

Pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano na ba talaga ang status namin dalawa.

Araw-araw kami lumalabas at ilang beses na rin ako nito hinalikan. Tuwing lumalabas kami at tinatanong nang paparazzi kung ano ang meron samin pero kahit kelan ay hindi nito tinanggi kaya nga lahat ng tao ay naniniwala na may relasyon kami na kahit ako ay hindi ko alam kung meron ba talaga.

Madami ang naniniwala dahil sa dami nang pictures namin na magkayap at magka holding hands na kumakalat sa tumblr at twitter.


Cast Away - cthWhere stories live. Discover now