Undici

35 0 0
                                    




"I won't, I won't, I won't
Cover my scars
I'll let 'em bleed
So my silence
So my silence won't
Be mistaken for peace

Am I wrong for wanting us to make it?
Tell me your lies
Because I just can't face it

It's you."


iT's YoU - ZAYN


***********************************************************************************************



Perrie's Pov

Nandito kami sa bahay ni Liam ngayon, si Liam ang isa sa may pinakamagagandang bahay sa grupo. Lahat kami ay may maayos na bahay pero hindi lahat ay may malalaking bahay tulad ni Liam, Louis at Harry.

Kung gugustuhin naman ni Niall ay kaya din niya kumuha nang villa tulad ng tatlo pero dahilan nito ay mag-isa lang siya dito sa London, bakit pa siya kukuha nang villa.

Inaayos namin ni Anna at Lottie ang mga chips at mga desserts habang ang iba naman ay abala sa pag-aayos nang bahay.

Nagulat ako nang inimbita ni Liam si Eleanor, Louis' ex, dahil nandito din ang new girl friend daw ni Louis na si Danielle. Dahilan naman ni Liam ay naging kaibigan din niya si El, lalo na at malapit ito kay Lou at Lottie.

Kung hindi lang kay Cher baka naimbita pa ni Liam ang ex nito na si Sophia.

Victory party ito nang One Direction dahil na rin sa kahit hindi na sila lumalabas ay nananalo parin sila ng mga awards. Thanks to their lovely fans!

Nawala ang mga iniisip ko nang mabagsak ni Anna ang lalagyan sana nang chips na kinuha nito.

Ilang araw nang tulala si Anna at nag-aalala na ko dito. Alam ko na may problema ito pero hindi ko alam kung ano. Ngunit sigurado ako na si Calum ang dahilan nang lahat ng ito.

"Are you okay?", nag-aalalang tanong ko rito.

"Yes.", sagot nito at pinilit ngumiti.
Tumingin naman samin si Lottie. Pati ang dalaga ay nag-aalala na sa kapatid.

*drin drin*

May nag door bell at pumunta naman si Lottie para buksan ito.

"Anna you sure?", tanong ko ulit sa best friend ko.

Tumango lang ito at tumingin ito sa likod ko at tiningnan ulit ako nito na para bang nag-aalala ang mukha.

Niyakap ako nito bago ko marinig ang isang boses.

"Who missed me?"

Kilalang- kilala ko ang boses na iyon. Hinding hindi ko ito makakalimutan.

Parang mag-break down na ako, pero hindi ko ipapakita sa kanila na mahina ako, lalong lalo na sa kanya.

Bumitiw ako sa yakap ni Anna at tumingin agad ito sakin at nag-aalala.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nito.

"I'm okay.", pilit akong ngumiti.

Pag talikod ko ay nasa harap ko ang binata na binabati si Lottie.

Napatingin ito sakin at parang nagulat. Ngumiti lang ako dito.

"Zayn", pagbati ko dito.

Cast Away - cthWhere stories live. Discover now