The Mystery of St. Mary University

710 36 5
                                    

Noong 2014, naibalita sa mga radyo, dyaryo, at telebisyon ang karumal dumal na kamatayan ng isang dalaga na nagngangalang Lucy Carmel, sa kanilang mismong eskwelahan. Lumipas ang dalawang taon, at nagkaroon ng usap usapan tungkol sa kaluluwa ng naturang dalaga na hindi natatahimik at nambibiktima ng mga estudyante.

Kilalang kilala si Lucy Carmel sa buong campus. Siya ang pinakasikat at pinakamatalino sa lahat, kaya nabansagan siya na Campus Queen, lalong lalo na sa angking ganda at pag uugali ng dalaga.

Si Lucy ay may mahabang itim na buhok, napaka puting balat, maamo, makinis, at magandang mukha, maganda ang hubog ng pangangatawan at nagmula sa isang napaka yaman na pamilya.

Ngunit, dahil sa kanyang labis na pagkasikat, maraming kababaihan ang naiingit sa kanya, at dahil sa kanyang labis na kagandahan, maraming lalaki ang may pagnanasa sa kanya.

Hindi niya batid, na ang kanyang marangyang buhay ay magbabago sa isang saglit. Ang istorya ng isang dalagang punong puno ng pangarap ay mauuwi sa isang kahindik hindik na katapusan.

Isang araw, natagpuan ang kanyang duguang katawan sa tabi ng pinakamataas na building sa unibersidad. Walang nakaaalam kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naging malaking dagok ito sa reputasyon ng eskwelahan, at nagpasya silang hindi magbigay ng tugon sa social media sa takot na maubos ang kanilang mag aaral at magiging mag aaral.

Labis ang naging paghihinagpis ng mga magulang ni Lucy dahil sa nangyari, at isang araw, bigla na lang nawala ang mag asawa sa kanilang bahay, na ngayon ay abandonado na at karirinigan ng mga nakakakilabot na misteryo.

Sa kamatayan ni Lucy, napansin ng ilan ang isang libro na kanyang hawak na nababahiran ng dugo, at tila inialay ni Lucy ang huling hinga niya sa pagsalba ng libro na iyon. Bilang pag alala sa kanya, sinulatan nila iyon ng mga katagang In loving Memory of Lucy Carmel at itinabi ng mga guro ang libro na iyon sa isang sulok ng eskwelahan kung saan walang sinuman ang makapag uungkat ng madilim na nakaraan.

Lumipas ang dalawang taon at nananatiling misteryo ang dahilan ng kanyang kamatayan, at kung sino ang kasangkot sa kanyang kamatayan. Ayon sa mga estudyanteng nag aaral sa St. Mary University, nananatili parin daw ang kaluluwa ni Lucy sa eskwelahan at nararamdaman parin ang kanyang presensya sa ilang bahagi ng paaralan kagaya ng palikuran, sa kanilang abandunadong classroom, at lalong lalo na sa mga corridors ng eskwelahan, lalo na malapit kung saan nakatago ang kaniyang pinakamamahal na libro.

Year 2016

Hanggang sa kasalukuyan, nanatili parin ang mapaghiganting kaluluwa ni Lucy sa naturang eskwelahan na humahanap ng hustisya at kaligtasan mula sa kanyang masasamang huling alaala na naging rason upang hindi matahimik ang kanyang kaluluwa.

Madalas siyang makita na nakasuot ng school uniform, itim ang mga mata na lumuha ng dugo, duguan ang katawan at madalas ay umuungol ng paghingi ng tulong...

Maniniwala kaba? O hindi?

Maniniwala kaba? O hindi?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~~~~~~~~

Author's Note

If you like the story, please consider giving it a vote by hitting the star button. Malaking galak po para sa akin na isang manunulat ang bawat botong natatanggap ko. It inspires me as a writer. Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa! It really means a lot to me.

At kung may oras po kayo, please comment down sa dulo ng story kung ano ang naramdaman niyo sa pagbabasa ng buong storyang ito.

Please encourage me to keep writing stories by giving feedbacks gaya ng comments or votes!

At higit sa lahat, please enjoy reading!

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon