Chapter 8: Ang Nakaraan

263 18 2
                                    

St. Mary University (2014)

Jia POV

Gusto kong simulan ang aking kwento sa amin ni Tammy.

Naging best friend ko si Tammy kahit noong nasa middle school pa kami. Masayang masaya kami sa isat isa. Mayroon pa nga kami na litrato kung saan napakasaya naming dalawa nung malapit na kaming mag graduate.

Parehong pareho kami ng mga nakaugalian. Ang pananamit, hairstyle, paraan ng pagtawa, at marami pang iba.

Sinasabi na nga ng ibang tao na para kaming kambal. Hindi kase kami mapaghiwalay dalawa.

Kahit nung high school kami, naging classmate ko siya. Pero nung naging mga senior na kami, nagbago ang lahat..

Nabarkada si Tammy sa grupo ng mga malalandi at malditang mga babae. Dahil doon, malubha siyang naimpluwensyahan.

At ang mas masaklap, hindi na niya ako sinasamahan. Madalang na lamang niya akong kinakausap. Palagi niyang kasama ang mga barkada niya sa kalokohan, at madalas siyang pagalitan ni Mrs. Kim dahil medyo palasagot siya.

Lumipas ang ilang buwan. Natuto na lamang ako mabuhay mag isa.

Hindi pa ako masyadong hiyang sa pagbabasa ng mga librong nobela, ngunit ginawa ko na rin. Sa gayong paraan, hindi iisipin ng mga tao na nalulunkot ako mag isa, at ayaw ko na munang magkaroon pa ng mga kaibigan.

Ngunit..

May isang bukod tangi..

Si Lucy..

Si Lucy ang tanging tao na lumapit sa akin noong araw na nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng nobela na iyon.

"Hi Jia! Gusto mo rin pala yang story na yan. Ang ganda, diba? Favorite ko kaya yan.", nakangiting sabi sa akin noon ni Lucy.

"Ah eh.. oo. Tunkol ito sa isang epikong labanan ng mga anghel at demonyo na bumubuo sa dalawang tribo na ilang bilyong taon na nag gigyerahan. At saka.."

Ngumiti si Lucy at tumabi sakin, "Nakaka kilig, hindi ba?"

Napangiti narin ako, "Naku oo! Ang galing nga ng author nito. Ramdam na ramdam ko yung init ng labanan nila."

Nasa ilalim ako ng lilim ng puno. Mag isa lang ako na nagbabasa noon, at tutal mahaba ng oras ng lunch break namin.

Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Nagsimula kaming magkuwentuhan ng mga bagay bagay at sa maikling panahon, naging best friend kami.

Ansaya saya ko nung araw na iyon. At mas lalo akong masaya sa tuwing kasama siya.

Isa si Lucy na magandang role model sa school. Siya ang pinaka sikat sa lahat, dahil sa katalinuhan niya. Siya ang paboritong estudyante ni Mrs. Kim at ng buong campus teachers.

------------------

Isang araw..

"Jia! May binili akong blankong libro! Pang diary naman siya. Sa ating dalawa ito ha? Dito natin isusulat lahat ng mga bagay na naiisip natin.", nakangiting sabi sa akin ni Lucy. Tumabi siya sakin sa upuan ko.

Nangiti naman ako, "Wow naman! Parang personal diary natin yan ah! Sige sige tara na at simulan na natin ang pagsulat diyan."

Doon namin isinulat ang mga buod ng aming mga lessons, mga personal na karanasan, mga cute na mensahe at drawing ni Lucy, pati na ang kanyang crush na si Mr. Kwon, ang asawa ni Mrs. Kim. Ako? Wala akong crush!

Ewan ko ba kung bakit wala pa akong nagiging boyfriend sa buhay ko, pero alam ko naman na kapag dumating na siya, siya na ang naka tadhana sa akin.

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora