Extra Part: Paglisan

158 9 0
                                    

July 24, 2014 ~
At Manila North Cemetery ~

Ito na marahil ang pinaka malungkot na araw para sa pamilyang Carmel. Punong puno sila ng paghihinagpis, kalungkutan, pangungulila, at pagdadalamhati habang sinusundan ang itim na karong lulan ay ang bangkay ng dalagang si Lucy Rose Carmel.

Umuulan ng malakas ng araw na iyon. Walang sinuman ang hindi mababakasan ng kalunkutan sa kani kanilang mga mukha, lalong lalo na ang kambal na kapatid ni Lucy na si Jennifer at ang kanilang magulang.

Walang makikita sa buong paligid kundi ang kulay ng itim at puti na simbolo ng pakikiramay sa hindi inaasahan at biglaang pagkamatay ng isang estudyante na tinaguriang modelo ng buong paaralan.

Kasama sa mga nakikiramay sa huling hantungan ni Lucy ay ang buong klase nila sa paaralan, ang guro na si Mrs. Kim, ang matalik na kaibigan na si Jia, kasama ang isa pang kaibigan na si Tammy.

Walang humpay sa pag iyak ang mga taong nagmamahal sa kanya..

"Oh anak ko.. bakit mo kami iniwan mag isa!", taghoy ni Mrs. Carmel na halos mapiga na ang panyo sa sobrang pag iyak.

Si Mr. Carmel naman ay tahimik lamang na tumatangis habang hawak hawak ang itim na karo ng bangkay ng kanyang anak.

Samantalang ang kanyang kambal na kapatid na si Jennifer, ay blanko lamang ang expresyon at tila wala ng mailabas at mapigang luha ang mga mata.  Naglalakad lamang siya, hindi alintana ang malakas na ulan na malamig na dumadampi sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay mas malamig pa ang kanyang nararamdaman  kesa sa lamig na dulot ng ulan.

Hindi sukat akalain  ng kanyang pamilyang iniwan na mangyayari ang gantong bagay sa kanilang pinakamamahal na anak at kapatid. Kahit ano mang hiling nila na gumising sa bangungot na kanilang nararanasan, ay hindi talaga magagawa..

Kailangan na nilang tanggapin ang reyalidad na.. wala na si Lucy Carmel.

"Sana ako nalang ang namatay!", ang pagtangis ng kanyang ina habang niyayakap ang itim na kabaong ng kanyang anak na ilalagay na sa kanyang huling hantungan.

Bago siya ipasok doon, binuksan muli ang kabaong ng dalaga upang sa huling pagkakataon, ay makapag paalam pa ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Bumungad sa kanilang lahat ang tahimik na pagkakahimbing ni Lucy. Mas lalong umiyak ang kanyang ina ng haplusin nito ang kaniyang malamig na mukha.

"Kung pwede ko lang sanang makita muli ang iyong napaka tamis na ngiti, aking anak.. Pero wala akong magagawa.. Paalam, mahal kong Lucy. Mahal na mahal ka namin ng papa mo."

Pagkatapos ay humagulgol ito at siya ang niyakap ng kanyang asawa.

Sumunod ay si Jennifer na nagsimulang humagulgol at kinuha ang kamay ng kanyang pinakamamahal na ate at inilagay sa kanyang pisngi, "Paalam, mahal kong  kapatid. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muling pagkikita."

At ang panghuli, sina Jia at Tammy na walang magawa kundi ang umiyak at sabihing, "Lucy.. patawarin mo kami. Nawa'y makahanap ka ng kapayapaan sa kabilang mundo. Paalam.."

Lumapit na ang pari sa kabaong ng dalaga upang basbasan ito. "Tayo ay yumuko at magdasal."

Pinapayungan ng mga sakristan ang pari at ito ay nagsimulang magdasal.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Nawa'y bigyan ng hustisya ang malagim na trahedyang sinapit ng iyong anak na si Lucy Rose Carmel. Bigyang kasagutan lahat ng katanungang hindi pa naliliwanagan. Ang Ama nating nasa langit ang  siyang magbibigay sala sa taong may pananagutan sa lahat ng ito. Panginoon aming Diyos, nawa'y magsilbing aral ang lahat ng mga magagandang alaala na kanyang iniwan dito sa lupa. Patawarin ninyo po siya, aming Ama, sa kanyang nagawang sala." 

Kinuha ng pari ang isang maliit na botelyang naglalaman ng banal na tubig at isinaboy para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Lucy.

"Ama namin, ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang, ang aming dahilan ng pag iral, at sa iyo galing ang aming hiram na buhay, kaya sa alabok kami'y nanggaling, sa alabok din kami babalik. Buong kababaang loob po kaming nananalangin sa iyo at nagmamakaawa, kalugdan mo ang kaluluwa ng aming namayapang kapatid na si Lucy Rose Carmel na pumanaw sa mundong ito at nananatili sa iyong mga kamay. Kunin mo siya at bigyan ng katahimikan upang siya'y maging karapat dapat sa inyong walang hanggang kalinisan. Nasa inyong kamay, Panginoon, ang kanyang kaligtasan. Iahon mo siya mula sa apoy ng impyerno at bigyan ng puwang sa iyong kaharian. Magkaroon nawa ng katahimikan ang kanyang kaluluwa gayundin ang kaniyang espiritu at makapiling ang inyong walang hanggang kaluwalhatian, kadakilaan, at pag ibig na wagas. Amen."

Isinara na muli ang kabaong ng dalaga at binuhat ng mga sepulturero papasok sa kanyang libingan. Sa taas ng libingan na iyon ay ang isang rebulto ng anghel na nagmistulang nagdadalamhati kasabay ng pagbuhos ng ulan at nakadaop ang mga kamay na pinagdadasal ang katahimikan ng kaluluwa ng naturang dalaga.

Matapos ang ilang sandali ay tinakpan na ang butas ng kanyang himlayan at nagsialis na ang lahat ng tao maliban kay Jia na basang basa na sa ulan.

Tumigala siya sa langit at niyakap ang diary book nila ni Lucy na nasa loob ng waterproof na  lalagyan. Yun lamang kasi ang tanging bagay na naiwan ng kaibigan na siyang mag papa alala sa kanya habang buhay. Ang librong iyon ay pinamagatang,

In Loving Memory of Lucy Rose Carmel

"Paalam, Lucy. Hanggang sa muling pagkikita. Patawad..", sambit ni Jia.

R.I.P.
LUCY ROSE CARMEL (1998-2014)

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now