Chapter 6: Horror Interrogation

258 16 3
                                    

Kinabukasan, maagang pumasok si Gelo sa kanilang paaralan. Marami siyang pinlano noong nakaraang gabi matapos niya maging kaibigan ang kaluluwa ni Lucy Carmel.

Unang hakbang sa kanyang plano ay ang : Horror Interrogation

Kung saan tatanungin niya ang bawat estudyante na nakaranas ng mga pagpaparamdam ni Lucy sa loob ng paaralan, maging sa labas man.

Ang  dahilan kung bakit niya isasagawa ito ay sa kadahilanan na gusto pa niya makakuha ng mga dagdag impormasyon tungkol sa mga kagustuhan ni Lucy, at ang dahilan ng kanyang mga nakaraang paghihiganti sa mga estudyante dalawang taon na ang nakakalipas.

Sariwa pa sa utak ni Angeal ang binigay na hint ni Lucy.

Jia. Tammy.

----------------------

Angelo POV

Kagabe ko pa pinag iisipan kung sino sina Jia at Tammy. Ano kaya ang koneksyon nilang dalawa dito sa misteryo na ito?

Hindi bale muna. Kukuha muna ako ng mga impormasyon tungkol kay Lucy. Siguro kung suswertihin ako ay malalaman ko rin kung sino sina Jia at Tammy at ano ang kinalaman nila sa kamatayan ni Lucy.

Pakiramdam ko ay nagkakaroon naman ng saysay ang aking ginagawa. Kung sakali man na mapahamak ako, bahala na. At least marami akong matutulungan sa oras na nailigtas ko na ang naghihinagpis na kaluluwa ni Lucy. Kailangan na niya ng pahinga. At gagawin ko ang lahat upang matulungan siya.

Ngayong araw marami rami din akong nakalap na impormasyon. Isusulat ko lahat ng ito sa aking notebook at pagsasama samahin.

Basahin mo ngayon ang mga naging resulta ng aking Horror Interrogation.

---------

Base sa ate ng aking kaklase na si Taylor

Ka batch ng ate ko si Lucy. Ang totoo magkaklase sila. Kabarkada noong ng ate ko sila Tammy. Matapos daw ng kanyang kamatayan, ni hindi raw sila pinatahimik ng kaluluwa nito. Isang halimbawa na lamang noong nakita ng ate ko ang multo ni Lucy sa corridor. Mag isa lang daw si ate noon at walang katao tao. Nagtataka siya dahil sobrang lamig ng kapaligiran. Bigla na lamang siya nakaramdam ng matinding takot dahil sa biglaang pag echo ng pag tawa ng isang babae na tila nangagaling pa sa kailaliman ng lupa. Binabalak na sana niyang umalis sa kinatatayuan ngunit nakita niya ang isang babaeng duguan ang mukha, gulong gulo ang buhok, kulay gray na balat, at itim na mga mata na lumuluha ng dugo. Tumatawa ito ng mahina at nagsasabing, "Pagbabayaran ninyong lahat ng ginawa niyo sa akin.." at bigla raw siyang sinakal nito. Kitang kita raw ni ate ng malapitan ang mukha ng isang demonyo na punong puno ng galit.

Base  kay Nicole

Ayaw ko man madamay pa sa misteryo na ito, ngunit sasabihin ko pa rin ang aking karanasan noong nagparamdam sa akin si Lucy. Papunta ako noon sa isang lumang library sa gusaling ito. Dahil nga adventurous at curious akong tao, ginala ko ang bawat sulok ng paaralan. Ang lumang library na iyon ang pinaka  naglalabas ng pinaka malamig na hangin. Iyon lang ang lugar na hindi kinaya ng aking ulirat ng matagal. Noong una hindi ko pa alam kung ano ba ang meron sa lumang library na iyon nang biglang magpakita sa akin ang nakangiting babaeng duguan ang ulo at ang katawan. Napabalikwas ako noon at nagtitili, ngunit pinigil ng kasing lamig na yelo niyang kamay ang aking bibig. "TUMAHIMIK KA AT TULUNGAN MO AKOOOOOO!!"
Umalingawngaw pa ang ingay ng sigaw niya sa ibat ibang bahagi ng paaralan. Tumaas na ang aking mata at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Base sa kwento ng kaibigan ng ate ni Mark

Isa ang kaibigan ng ate ko ang kaibigan ni Tammy. Kasama siya sa malditang grupo nito. Naikuwento sa akin ng aking ate na muntik na silang bawian ng buhay noong magparamdam ang kaluluwa ni Lucy at saktan sila. Ganito ang nangyari. Nagtatawanan pa raw ang barkada ni Tammy noon at pumasok sa cr ng mga babae. Pinagtatawanan nila ang kabaliwan daw ni Lucy na pagpapakamatay samantalang katotohanan lamang ang pinairal ng grupo nila. Nagtawan pa sila ng nagtawanan hanggang sa biglang may sumigaw ng nakakahindik! "MAMAMATAY KAYO! PAPATAYIN KO KAYOOO!!" Biglang sumara ang pintuan ng malakas na malakas at nagpatay sindi ang ilaw. Umuugong lahat ng kagamitan sa loob ng cr at labis na takot ang nararamdaman ng grupo ni Tammy. Nagtabi tabi sila at napatingin sila sa salamin. Sumigaw sila ng sumigaw ng makita nila ang duguang katawan ni Lucy na nakatingin sa kanila na nanlilisik  sa galit ang mga mata. Kinuyom nito ang kamao nito at sumigaw ng napakalakas, "PAGBABAYARAN NINYO LAHAT NG GINAWA NINYO!!" Nabasag ang napakalaking salamin sa cr at nagtalansikan ang mga bubog nito. Marami sa grupo nila ang namatay dahil sa direktang pagkakasaksak sa mga bubog. Ang ate ko at ang kaibigan niya ay himalang nakligtas ngunit nagtamo sila ng maraming sugat sa katawan at isinigod kaagad sila sa pinaka malapit na ospital.

Base sa kwento ng naging bago kong best friend na si Francheska sa ate niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Base sa kwento ng naging bago kong best friend na si Francheska sa ate niya

Angeal buti na lamang at nalaman ko na interesado ka pala sa misteryo ni Lucy. Ang totoo niyan, hindi matahimik ang aking ate na si Jia tuwing gabi. Nasa bahay lamang siya at natatakot nang mag aral pa. Nagpaparamdam daw palagi si Lucy sa kanya araw araw at maging sa kanyang panaginip. Humihingi daw siya ng tulong ngunit natatakot talaga ang ate Jia ko. Nitong nakaraang gabi, sinabi raw  sa kanya ni Lucy na nakahanap na raw siya ng tutulong sa kaluluwa niya para tuluyan nang mawala ang masasamang alaala na tanging natitira sa kanya dahil ang libro kung saan nakasaad ang lahat ng magagandang alaala niya kasama si ate. Hindi parin maka recover si ate dahil sa labis niyang pagsisisi. Sabihin ko raw ang lahat ng ito sa iyo at dapat daw kayong magkita upang malaman mo ang katotohanang ibinaon ng paaralan at ang dahilan ng pagpapakasakit ng kaluluwa ni Lucy sa kanyang mga madidilim na alaala na hindi niya kayang dalhin kasama sa kabilang buhay at talagang nangangailangan siya ng tulong, at walang iba kung hindi ikaw, Gelo..

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now