Chapter 9: Reunion

242 13 3
                                    

Angelo POV

Matapos sa akin ikuwento ni Jia ang lahat, naiyak siya. Niyakap ko siya upang pagaanin ang kalooban niya.

Oh dba? Galawang Cruz yan hahahaha. Jowk.

"Jia, tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Kailangan lang natin mahanap yung personal diary ninyo ni Lucy para matapos na ang lahat ng ito.", sabi ko sa kanya habang hinahawi ang cute niang buhok.

Nagpatuloy lamang siya sa kanyang pag iyak.

Tanging siya at yung aircon lamang ang maririnig.

"Gelo, buti nalang talaga at nakilala kita. Parang gumagaan lahat ng problema ko sa tuwing ginagawa mo yan,"

"Huh?"

Bigla ko nalang napansin na hinahawakan ko na pala ang kamay niya!!

Napabalikwas ako at hindi ko sinasadyang mamula. Guys hindi ko yun sinasadya promise.

Natuwa naman ako nung nakita ko na medyo natatawa na si Jia sa mga kalokohan ko.

"Hay nako Gelo talaga. Hmm. Namimiss ko na talaga si Tammy.", sabi niya.

"Bakit hindi natin siya bisitahin? Im sure gustong gusto kana rin niya makita. Alam mo kase hindi naman niya ginustong mangyari lahat ng iyon. Hindi niya inaasahang mangyayari yon.", paliwanag ko.

Ngumiti siya at sinabi na, "Tama ka. Kailangan na natin tapusin ang lahat ng ito at kailangan na natin tulungan si Lucy bago pa mahuli ang lahat. Sa ganitong paraan nalang ako babawi sa kanya sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya."

Ngumiti ako at tumayo na kami.

Hinawakan ko ang kamay niya. Medyo awkward pala hahaha. Wag na nga lang.

"Wait Gelo", sabi ni Jia.

"Oh bakit?"

"Wag mong tatanggalin ang kamay mo sa kamay ko. Sa iyo ako humuhugot ng lakas ng loob eh.", pagkatapos ay isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay sakin.

Hay ano beyen! Parang maiinlove na talaga ako sa kanya.

Mabillis na mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na ito maintindihan.

---

May kumatok sa pintuan ng kwarto.

TOK TOK TOK!

"Ate Jia, nandito si Ate Tammy, naghihintay sayo sa ibaba.", tawag ni Cheska.

Nanlaki ang mata ni Jia at nagkatinginan kami.

Mas lalo niya hinigpitan ang hawak niya sakin.

"Jia, magiging okay ang lahat. Magtiwala ka sakin."

Tumango lamang siya at mahinhin na ngumiti.

---

Pagkababa namin sa living room, nakita namin si Tammy na naka military uniform. Asteg!

Nang makita niya kami na magkasama, sumimangot siya.

"Hoy Jia. Bakit hindi ko man lang alam na may boyfriend kana?"

"H-ha? Anong pinagsasabi mo jan, Tammy? Ikaw talaga..", pamumula ni Jia.

"Haaay ikaw talaga. Kung sa bagay matagal na panahon narin ang lumipas simula ng huli tayong magkausap.", astig ang boses ni Tammy bumagay sa kanya yung uniform niya. Military course pala ang kinuha niya ngayong college na siya.

Niyakap niya si Jia at nag iyakan silang dalawa.

"Tammy, na miss kta..", sambit ni Jia.

Tinapik ni Tammy ang likod ni Jia, "Namis din kita. Naaalala mo pa ba ito?"

May kinuha siya sa kanyang bag at may ipinakita sa amin.

Isa iyong sketch drawing na kamukha ni Tammy

Kinuha iyon ni Jia at nangiti. May kalumaan narin talaga ang drawing na iyon.

"Jia, dyan nagsimula ang pagkakaibigan natin, naaalala mo pa?", masayang tanong ni Tammy.

"Oo naman. Hihi. Ito yung dinrowing ko nung nasa elementary pa tayo dba? Ang cool mo kase, kaya ginuhit kita. Tapos ipinakita ko sayo iyon.", masayang sabi ni Jia habang pinagmamasdan yung drawing.

-----

Flashback

"Tammy Tammy! Tingnan mo ito oh!", masayang sabi ni Jia habang pinapakita yung drawing niya kay Tammy.

"Hahahaha. Ako ba yan, Jia?", natatawang tanong ni Tammy.

"Ano ka ba? Oo ikaw tu! Di ba halata?", malunkot na sabi ni Jia.

Ngumiti si Tammy at kinuha yung drawing.

"Haay ikaw talaga. Itatabi ko ito. At saka, pwede ba kita maging best friend?", masayang sabi ni Tammy. Gusto niyang makipag shake hands kay Jia.

"Wooow! Talaga? Of course! Hahaha.", masayang masayang inabot ni Jia ang kamay ni Tammy.

-----

Nagyakapan sila Tammy at Jia.

"Tammy ang akala ko talaga hindi na tayo magkikita pang muli.."

Tinapik lang ni Tammy ang balikat ni Jia, "Hay hay. Tahan na Jia. Ayaw kong umiiyak ka eh. Nga pala.."

Tumingin sakin si Tammy, "Jia sino ba ang lalaking ito? Boyfriend mo siya no?

Ngumiti si Jia sakin, "Ah hindi pa sa ngayon.."

Nagdabog na naman si Cheska, "Kaasar."

WAT??!

Nag echo sa akin ang mga sinabi niya.

Hindi pa sa ngayon.. hindi pa sa ngayon.. hindi pa sa ngayon..

*Shock..*

Namula lamang ako ng mga oras na iyon at nakinig sa kanila. First time ko mahiya ng ganto.

Lumapit si Tammy sa akin. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Hmm. Okay naman siya Jia. Mukang hindi naman siya ang tipo ng lalaki na walang kwenta. At GWAPO siya, in fairness. Swerte mo boy at ikaw ang first ni Jia."

Tumabi sa akin si Jia at ipinakilala ako, "Tammy, siya si Angelo. Siya ang susi natin para matahimik ang kalukuwa ni Lucy."

"Teka teka lang ha?", sabi ko. "Ano ang ibig sabihin mo na first ako ni Jia?", namumula na talaga ako. Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa init.

Tinulak ako ni Jia ng mahina at ngumiti, "Hihi. Naku ikaw talaga Gelo. Ikaw ang.. first crush ng buhay ko.."

Katahimikan..

"T-talaga? Umm. Masaya ako malaman yan, J-Jia..", nahihiya kong sabi.

Ngumiti si Jia at niyakap ang braso ko. Yiieee!!

Natawa si Tammy, "Hay masaya ako sa inyong dalawa. Gelo, alagaan mo ang best friend ko kung hindi babarilin kita hehehehe. Jowk."

Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Tammy, pero di nagtagal nagtawanan kami.

Nakita ko si Cheska sa isang upuan na medyo nakangiti rin naman sa amin.

Nagsi upo na kami sa pabilog na upuan sa sala.

Tumabi sakin si Jia at hanggang ngayon ay hawak ko ang kamay niya. Ansaya saya ko! ^^

Nasa harapan namin si Tammy.

"Okay, ngayon mag plano na tayo sa gagawin natin na pagpasok sa loob ng school upang tulungan si Lucy. Ilang taon na rin akong hindi natatahimik sa aking konsensya.", seryosong sabi ni Tammy.

"Oo tama ka. Tutulungan natin si Gelo sa paraan na ito makakabawi tayo sa kasalanan natin kay Lucy.", sabi ni Jia.

-----

Konti nalang, Lucy. Kasama ko na si Jia at Tammy. Malulutas ko na ito, at matatahimik na ang kaluluwa mo gaya ng ipinangako ko.

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon