Chapter 7: Pagbubunyag

294 16 3
                                    

Angelo POV

Success ang plano ko. Tamang tama. Nakakuha na ako ng maraming impormasyon tungkol kay Lucy. Sunod kong plano ay ang makipag usap kay Ate Jia.

"Cheska, okay lang ba talaga na kausapin ko si Ate Jia?", tanong ko sa kanya. Pareho kaming nasa canteen ngayon at kaming dalawa lamang ang magkasama.

"Oo naman! Mamayang uwian sumabay kana sakin. Ay pareho nga lang pala tayo ng direksyon sa pag uwi.", sabi ni Cheska habang kumakain ng nova.

"Cheska may litrato ka ba ni Ate Jia?"

"Oo naman. Bakit?"
"Gusto ko lang siya makita. Maari ba?"

Tumawa siya ng mahinhin, "Oo naman ano ka ba. Oh heto oh."

Kinuha niya ang litrato nitong si Jia mula sa wallet niya at ibinigay niya iyon sa akin.

"Litrato yan ni Ate Jia at Ate Tammy. Best friends talaga sila, at matagal na. Ngunit lahat ng iyan ay nagbago sa isang iglap. Hindi ko alam ang dahilan. Pero matapos ng kamatayan ni Lucy, si Tammy at si Ate Jia ay madalang na magkita. Siguro ay nahihiya sila sa isat isa. Palaging sinasabi sa akin ni Ate Jia na namimis na raw nia si Ate Tammy.", paliwanag ni Cheska.

Pinagmasdan ko ng matagal ang litrato. Masayang masaya talaga sila sa isat isa.

"Cheska, kamukhang kamuka mo ang ate mo ah! Mahaba nga lang ang iyong buhok, kagaya ng kay Lucy."

Medyo namula siya ay mahina akong tinulak, "Gelo nakuu wag ka nga! Ikaw talaga.. bolero!! Kaasar ka ah."

Nagtawanan kami pagtapos.

Sina Mark at Nicole ay nananatili parin bilang aking mga kaibigan, mga bes, ngunit hindi ko na sila maaasahan pa tunkol sa kaso ni Lucy. Kaming dalawa  na lamang ni Cheska ang nagtutulungan  upang matulungan si Lucy. Pero madalas din naman nila akong balitaan ng ibang mga kwento ng ibang mga estudyante na maaring makatulong sa pagresolba ko sa misteryong ito.

Sa notebook ko isinulat lahat ng mga kwento at usap usapan sa pagpaparamdam ng kaluluwa ni Lucy Carmel..

Konting tiis nalang Lucy. Mareresolba ko lahat ng ito, at magiging payapa na ang iyong kaluluwa.

----------------

At Jia's house

"Kaibigan mo sa Lucy, tama ba?", tanong ni Gelo kay Jia. Nasa kwarto ngayon sila ni Jia, kasama si Cheska.

Isang taon lamang ang agwat nilang dalawa ni Angeal, kung kayat mas maiintindihan nila ang isat isa.

Maigsi ang buhok ni Jia na abot lamang sa kanyang balikat na madalas ay naka pigtail, ngunit kahit na ngayom ay naka buhaghag, mababakas parin ang natural na ganda ng dalaga.

Malungkot lamang na tumango si Jia, "Oo. Kaibigan ko si Lucy. Ang pinaka matalik kong kaibigan. Ang tao na lumapit sa akin nung mga panahon na wala akong malalapitan. At kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko.. bakit siya namatay."

Pagkatapos ay niyakap niya si Gelo at humagulgol. Namula si Gelo at inirapan siya ni Cheska, "Humph!"

"GELO kasalanan ko! Please tulungan mo ang aking kaibigan na mahanap ang katahimikan. Masyado na siyang nagdurusa, pati ba naman ngayon na kaluluwa na lang siya.", pagpapatuloy ni Jia habang mahigpit na nakayakap kay Gelo.

Tinapik ni Gelo ang likod ni Jia at niyakap niya rin.

"Hay ate aalis nako ha? S.P.G. kase itong nakikita ko.", padabog na alis ni Cheska.

"Anong meron dun?", tanong ni Gelo habang pinagmamasdan ang kaibigan na mataray na isinara ang pinto.

"Gelo kailangan natin magtulungan. Sasamahan kita sa school. Kailangan natin kunin ang libro na diary namin ni Lucy."

"Jia, gusto ko sanang itanong. Ano ba ang buong nakaraan ninyo? Maari ko bang malaman?"

"Oo naman. Basta ikaw Gelo. Maraming salamat dahil ikaw lamang ang naglakas loob na tulungan si Lucy sa kanyang paghihinagpis.", pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang napaka tamis na ngiti.

Tila nakaramdam si Gelo ng kakaibang pakiramdam. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Unang beses niya lamang naranasan iyon sa mga babae.

Hindi niya napigilan ang pamumula ng husto. Ang ngiting iyon ni Jia ang nagmistulang pana nu Kupido na seryosong nagpatibok sa puso niya.

"Huh? Gelo okay ka lang ba?", nag aalalang tanong ni Jia. Hinaplos nito ang kanyang mukha. Mas lalong tumindi ang pagtibok ng puso niya.

"Parang lalagnatin ka ah?", sabi ni Jia.

"Ay naku wala ito hahahaha. Gantu lang siguro kainit ngayon.", sambit ni Gelo.

"Hahaha. Ikaw ah! Parang may nahihinuha ako sayo."

Lalong namula si Gelo, "A-ano ang ibig m-mong sabihin?"

Bumungisngis si Jia at sinabi, "Wala. Hihihi."

Desperado na si Gelo na ibahin ang usapan, kaya ipinasok na muli niya ang kanilang topic.

"Jia, nasaan si Tammy?"

Saglit na huminto si Jia upang mag isip.

"Sa pagkakaalam ko, nagpapatuloy parin siya sa buhay niya sa college. Nahinto naman ako dahil nawalan ako ng gana at natatakot ako kay Lucy. Matagal ko nang hindi nakakausap si Tammy. Namimiss ko na siya, Gelo. Tinetext niya ako na makipag usap sa kanya, ngunit nahihiya parin ako at nagtatampo ako sa ginawa niya kay Lucy."

Muli siyang naiyak dahil sa kanyang mga naalala.

Pakiramdam ni Gelo, malapit na niyang malaman ang lahat.

"Jia, ikuwento mo lang  lahat sa akin. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Nandito lang ako, handa akong tumulong. Kailangan kong malaman ang nakaraan."

"Oo sige, Gelo. Maswerte kaming mga magkakaibigan dahil dumating ka. Ngayon ay ikukwento ko sa iyo ang lahat ng lihim at rebelasyon.. noong 2014 sa Parulan University, ang kamatayan ng aking besthie na si Lucy Carmel."

Ngumiti si Gelo kay Jia. Hinawakan niya ang mga kamay nito upang palakasin pa ang  kanyang loob.

-----------

Mabubunyag narin sa wakas ang nakaraan. Lucy, konti nalang. Ililigtas ka namin.

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now