Chapter 11: Gabi ng Lagim

254 13 1
                                    

BABALA: Kung ikaw man ay may pagka matakutin, binabalaan kita na huwag mong titingnan oh iloload ang image na nasa ibaba. Gayundin ang pagbabasa nito sa oras ng gabi, lalong lalo na sa Devil's Hour gaya ng 12:00 to 2:00 AM. May posibilidad kase na hindi makatulog ang sinumang matatakutin na magbabasa nito. Sa ngayon, mag relax lang at sana ay maaliw kayo sa mga susunod na pangyayari ~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakarating na sina Jia, Tammy, at Gelo sa St. Mary University. Nababalot ng kadiliman ang buong paligid.

"Bilisan na natin bago pa may makakita sa atin na guard.", utos ni Tammy.

Nang ituntong nila ang kanilang mga paa sa senior building, nakaramdam kaagad sila ng malamig na hangin. Binuksan na nila ang kanilang mga flash light.

"Gelo.. n-n-natatakot nako! Parang bumabalik sa akin lahat ng alaala ng gabing iyon..", pag iiyak ni Jia habang tinatakpan ang mukha.

"Wag kang mag alala. Nandito kami ni Tammy. Hindi ka namin papabayaan.", pagtapos ay nagpakawala ng matamis na ngiti si Gelo sa kanya.

Binigay niya ang itim na jacket niya kay Jia at isinuot ito.

"Salamat Gelo.. ikaw talaga.."

"Malayo pa ang lumang library. Tara  na, bago pa tayo patayin ni Lucy sa sindak.", sabi ni Tammy.

----

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa napakadilim na corridors ng senior building. Patay lahat ng ilaw at ramdam na ramdam nila ang nakapangingilabot na hangin na dumadampi sa kanilang balat.

Pakiramdam nila ay may mga matan  nagmamasid sa kanila.

Nanginginig na si Jia sa takot, "Naaalala ko tuloy noong gabi kung kailan hinanap ko si Lucy at nasaksihan ang kanyang kamatayan. Parang may hindi magandang mangyayari.. natatakot ako.."

Pagkatapos ay bigla nang bumuhos ng malakas ang ulan, na sinabayan pa ng kulog at kidlat. Mas lalong tumindi ang kilabot na kanilang nararamdaman.

Mas lalong tumindi ang kanilang nararamdaman na may kakaibang nilalang na nagtatago sa kadiliman at nagmamatyag lamang sa bawat kilos na ginagawa nila.

BOG!

Napatili si Jia sa gulat, "A-ano iyon!?"

May kung anong malaking bagay ang tumumba kung saan at nag echo pa ito sa buong gusali.

"K-kailangan na natin magmadali kung hindi ay mamamatay na tayo sa sindak.", suhestiyon ni Gelo.

Lakad.. lakad..

Habang naglalakad si Jia, may naramdaman siya na napakalamig na hangin sa likuran niya.

"Ano itong nararamdaman ko?", bulong niya sa sarili. May malamig na hangin na dumadampi sa kanyang batok.

"Gelo, a-ano itong n-nasa likuran k-ko?", nangangatal na tanong ni Jia.

Tumingin si Gelo at Tammy sa likuran ni Jia at halos takasan ng ulirat  sa kanilang nakikita.

Tumambad sa kanila ang multo ni Lucy. Naliligo ito sa sariling dugo, maputla, purong itim ang mata, transparent at nakalutang sa likuran mismo ni Jia. Nakagiti ito sa kanila  ng nakakahindik.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!", sigaw nilang tatlo at nag uunahan pang nagtatakbo sa madidilim na corridors

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!", sigaw nilang tatlo at nag uunahan pang nagtatakbo sa madidilim na corridors.

Sinubukan pang lumingon ni Gelo sa likuran at nakita niya na nakangiting demonyo si Lucy at hinabol sila habang nakalutang.

Tumakbo lamang sila ng tumakbo nang madapa si Jia.

"Aray!", inda nito at napa luhod.

"KAKAKAKAKAKAKAAAAAA!!!", nakakapangilabot sa laman na tawa ng multo ni Lucy na malapit na sa kanila. Sinabayan pa ito ng napaka lakas na kidlat.

BOOOOOOM!!!

"Tara na, Jia!", mabilis na hinablot ni Gelo ang kamay ni Jia at patuloy na tumakbo.

Habang tumatakbo ay nararamdaman nila na pahina na sila ng pahina, ngunit hindi sila pwedeng huminto dahil ang nakaka pangilabot na ungol ni Lucy ay naririnig nila sa kanilang likuran.

Matapos ang mahabang takbuhan patungong lumang library, hindi na nila kinaya ang pagtakbo. Napa sandal na sila sa pader ng isang classroom.

"Mabuti na.. lang..  at.. tumigil na rin si Lucy sa paghabol.. sa.. atin..", hingal na hingal na sabi ni Gelo

"Grabe.. nakakapangilabot talaga ang naging gabi natin ngayon..", sabi ni Tammy.

Hingal na hingal rin si Jia at halos hindi na makahabol ng hininga.

Tumabi sa kanya si Gelo at kumuha ng isang bote ng tubig sa kanyang bag.

"Jia uminom ka muna.", at mabilis iyon inubos ni Jia.

"S-salamat."

Matapos ang ilang sandali ng kanilang pamamahinga, nagpasya na silang magpatuloy sa kanilang paglalakad.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Minsan ay nakakarinig sila ng mga bagay na umuugong, mga piano na tumutugtog, mga pintuan na nag iingay, mga kung anong bagay na nababasag, na sinasabayan pa ng malakas na ulan at ingay ng kidlat at pagkulog.

Nang makapunta na sila sa lumang library, biglang kumidlat ng napakalakas.

BAAAAAANGGG!!!!!

"EEEEEEEHHHHH!!!", tili ni Jia sa labis na takot. Maging si Tammy ay napasigaw sa gulat.

Maski si Gelo ay nanginginig na rin sa takot. Tila malapit nang mabunyag ang mga madilim na  sikreto ng nakaraan at nalalapit na ito.

"Bwiset!", sigaw ni Tammy at marahas na binuksan ang pintuan ng library.

Hinawakan ni Gelo ang kamay ni Jia at pumasok na sila.

"Gelo, wag na wag mokong bibitawan okay?", sabi ni Jia.

"Oo. Hinding hindi kita bibitawan. Pangako."

Bahagyang nagkaroon ng lakas ng loob si Jia.

"Maswerte ako at nandito si Gelo para sakin. Siya ang hero ng buhay ko..", bulong ni Jia sa kanyang isipan.

Sobra ang lamig sa loob ng library. Nauuna si Tammy sa paglalakad. Talagang matapang siya para sa isang babae.

"Kulay brown ang libro na iyon at makapal ang cover.", sabi ni Jia.

"Halos lahat naman ng libro dito ay katulad nun!", naasar na sabi ni Tammy. Parang natataranta na siya sa kilabot na nararamdaman.

Puno na ng alikabok ang buong paligid dahil sa dalawang taon na pagkaka abandunado nito.

Nagpatuloy sila sa kanilang paghahanap. Palakas ng palakas  ang pagbuhos ng ulan at patindi ng patindi ang lamig ng hangin.

BAAAANG!!!!

Sumigaw na naman si Jia dahil sa biglaang pagkidlat. Saglit na lumiwanag ang buong paligid dahil sa kidlat at ang sumunod na pangyayari ay nakapagpataas ng kanilang mga balahibo.

PURO DUGO ANG BUONG PALIGID! NAGSABOG ANG MGA DUGO SA BAWAT PADER,  AT LAPAG!

Biglang humaripas ng takbo si Jia kung saan.

"Jia! Saan ka pupunta!?", sigaw ni Gelo

Hinabol niya si Jia at sinundan siya ni Tammy.

May kinuhang kung anong bagay si Jia sa isang lamesa.

"Nakita ko na yung libro!", sigaw ni Jia. Tinapat ni Gelo ang flashlight niya rito at nakitang nababahiran ito ng natuyong dugo.

"Ayos! Tara na at-", napatigil si Tammy dahil may nangyari na bagay na hindi nila inaasahang mangyayari ulit.

Nagpakita sa kanila ang multo ni Lucy. Duguan ang ulo nito, umiiyak ang kanyang itim na mata ng pulang likido, maputla ang kanyang balat at siya ay nakalutang..

"Jiiiiaaaaa....", nakakapangilabot na ungol ni Lucy na sinabayan ng napakalakas na pagkidlat.

BAAAAAANGG!!!!

In Loving Memory Of Lucy Rose Carmelजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें