Chapter 1: Kasalanan

485 16 6
                                    

Year 2014

Jia POV

Kamusta na kaya si Lucy? Hindi ko na siya nakita pagkalipas ang aming lunch break. Natatakot nako. Natatakot nako at malapit na mag gabi at hindi ko man lang siya nakakausap. At higit sa lahat, natatakot ako dahil sa matalim at masamang tingin na ibinaling niya sakin kaninang umaga.

Si Tammy na aking best friend at ang kanyang ibang masasamang impluwensya na kaibigan ang naging dahilan kung bakit siya nagalit sa akin.

At higit sa lahat, ang nakahihindik na text message sa akin ni Lucy tunkol sa kanyang suicide notice.

Pagkaraan ng aming uwian, agad kong hinanap si Lucy. Kailangan ko siyang iligtas!

Pinigilan ako ni Tammy at hinawakan ang aking kamay.

"Jia, tigilan mo na si Lucy! Sinabi ko na sayo, hindi siya magandang impluwensya sayo. Maraming usap usapan tunkol sa kanya." , sambit ni Tammy.

"Pero Tammy! Paano kung--"

Nagtaas siya ng kilay, "Paano kung ano?"

Lumunok ako ng laway bago sabihan ang, "Paano kung talagang magpakamatay siya dahil sa atin? At Tammy natatakot ako dahil ako ang sinisisi niya sa lahat ng nangyayari!"

Tinapik ni Tammy ang aking balikat, "Wag kang mag alala. Sige, sabay natin siyang hahanapin."

"Tammy huwag na! Kailangang ako mismo at mag isa ang kumausap sa kanya. Kasalanan ko lahat ng ito. Tammy nasira na ang utak niya dahil sa ginawa niyo! Nasira na ang buhay niya ng dahil sa kalokohan ninyo!"

Ang totoo niyan ayaw kong lumala pa ang galit ni Lucy sa akin kapag nakita pa niya si Tammy na pasimuno ng lahat ng mga kalokohan sa campus.

Naglabas ng buntong hininga si Tammy, "Hay sige bahala kana nga. Sigurado ako na hinding hindi gagawin ni Lucy ang magpakamatay. Basta itext muna lang ako at balitaan mo ako ha? Sige uuwe na kami ng mga barkada ko."

Sabay alis niya kasabay ang mga barkada niya.

---

Ilang oras ko hinanap si Lucy sa buong campus at inabot na nga ako ng gabi.

Sa ngayon, hindi ko parin makita si Lucy. Ayon sa aming school guard, hindi pa siya nag checheck-out sa log book sa labas.

Kasalukuyan akong nasa corridor ng pinakamataas na gusali sa paaralan kung saan binubuo ito ng mga kwarto sa ika aapat na baitang sa high school.

Sa sobrang laki ng gusali, ay nahihirapan na akong maglakad ng mabilis. Hindi nagtagal, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa campus na labis kong ikinatakot.

Nakaakyat na ako sa huling palapag ng gusali, malapit na ako sa rooftop. Iyon nalang ang tanging lugar na hindi ko pa tinitingnan.

Sa bawat pag hakbang ko, nakararamdam ako ng matinding kaba at takot na tila ba may masamang mangyayari.

Nanghihina na ako habang umaakyat patungo sa rooftop. Sobrang lamig at dilim ng paligid.

Pag akyat ko, bumungad ang isang dalaga na tumatawa habang umiiyak.
SI LUCY!!

Tumakbo ako sa harapan niya at nahindik ako sa aking nakita.

Dugo! Puro dugo ang damit ni Lucy! May hawak siyang matalim na gunting at mukang nilalaslas niya ang kanyang sarili!

Hindi ako makasigaw o makagalaw man lang. Tanging mga luha ko ang gumagalaw pati na ang malakas na pagtibok ng aking puso na tila sasabog na anumang oras.. at ramdam ko at malapit na akong takasan ng aking ulirat.

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelWhere stories live. Discover now